2

1.2K 36 0
                                    

GAIA'S POV

Kasama ko si Raden ngayon at kumakain kami ng ice cream sa favorite place namin. Ang park. Dito kasi kami nag kakilala kaya favorite place namin ito.

Nagulat ako ng pahidan ako ng ica cream ni Raden sa ilong. "Raden!" Tawa lang ito ng tawa kaya naisipan ko itong gantihan hanggang sa magpahidan at maghabulan na kami.

Everytime I'm with him i really feel happy and loved. He always made me feel happy and loved everytime my family neglected me.


Biglang bumuhos ang ulan at patuloy kaming nagkulitan kahit maulan na. He tickled me that made me laugh. Halos humiga ako sa kalsada dahil sa tawa. Wala kaming ginawa kundi mag habulan na parang bata.


Inihatid nya ako sa bahay namin at siniguradong nakapasok ako ng ligtas. Nang makita ko syang umalis na ay nakayuko kong hinarap ang mga magulang ko.


"Uwi ba ito ng matinong babae ha?! Wala ka ba talagang delekadeza! Puro ka landi! Bakit hindi mo gayahin si Ella at mga kapatid mo!" Puro masasakit na salita na naman ang ibinabato nya sa akin. Bakit....hindi nya ako magawang mahalin? Dahil parin ba sa nangyari?

Malutong na sampal ang natamo ko dito. "Ma!" Rinig kong sigaw ni kuya Gelo. "Wag mo akong pigilan Gelo! Kailangan matuto ng malandi na ito!" Napahiga ako sa sahig ng maramdaman kong hinahampas na naman ako ng lubid. Makapal at mahaba ang lubid. Ito ang ginagamit nila sa aking pang latay. Wala akong magawa kundi umiyak at protektahan ang ulo. "Ma! Tama na!" Rinig ko ang pag piligil ni kuya Gelo kay mommy. "Tama na po" iyak ko.

"Gusto mo akong tumigil pero hindi ka nag titino! Walang kwenta!" Patuloy ako nitong hinampas gamit ang lubid. Nagdudugo na ang ibang parte ng katawan ko na tinatamaan ng lubid.


Alam kong wala pa syang balak tumigil kung hindi nya lang narinig ang boses ni Ella.


"Mommy? What's happening here?" Lahat sila ay tumungo Kay Ella at sinamahan ito sa taas upang patulugin ulit.


"Gaia! Ayos ka lang ba? Shit! Ang init mo!" Agad akong binuhat ni kuya at itinakbo sa taas. Naramdaman ko na lang na inihiga ako sa kama. Napaigik ako ng lumapad ang likod ko sa kama. Mahapdi ito.


Hindi ko na alam ang susunod na nangyari ng tuluyan na akong mawalan ng malay.


Nagising ako ng masakit ang buong katawan. Wala si kuya kaya agad akong bumaba. Kailangan kong maglinis ng bahay at ipagluto sila bago pa sila magalit ulit sa akin.


Nilinis ko muna ang sala at dumaretyo sa pagluluto. Habang nag luluto ay may naramdaman akong prisensya sa likod ko kaya napalingon ako. Si kuya Gael.


"Kuya." Malamig ako nitong tinignan. Kitang kita ko sa mata nito ang galit. "Wag na wag mo akong tatawaging kuya. Nakakadiri eh. Galing ba naman sa mamamatay tao." Lumapit ito sa akin na ikina kaba ko. Alam ko ang tinutukoy nya. At never ko itong makakalimutan, dahil hanggang ngayon ay binabangungot parin ako ng nakaraan.


"Alam mo ang bagay sa mga mamamatay tao? Tinotorture hanggang sa mamatay."


"Bakit nga ba hindi ka na lang mamatay?"


Ang mga salita nito ay dinudurog ako ng paunti unti. Alam ko naman na may galit sya sa akin. Ganun ba talaga kahirap sa kanya na patawarin ako sa kasalanang hindi ko naman ginusto?


"Let me tell you a secret" lumapit pa ito ng husto sa akin. Nagulat ako ng sakmalin ako nito. Kinuha nya ang niluluto ko na itlog. Kumukulo pa ang mantika nito ng ibinuhos nya sa akin ito.


The Girl Who Lost Everything (Completed)Where stories live. Discover now