13

13.4K 175 4
                                    

GAIA'S POV



Halos isang buwan narin simula nung umalis kami ni Terenz para tumuloy dito sa Baguio. Sa buong pagstay ko dito wala akong naramdaman kundi puro saya. Lagi akong sinasama ni tatay Ron kumuha ng mga strawberries.



Me and Terenz got closer. As in nag mumukha kaming couple. Nakilala ko rin sila Prince, Anne, at Nero na mga kababatang kaibigan ni Terenz. This is the first time na nag karoon ako ng kaibigan bukod kay Raden.



"Good morning!"



Bati sa akin ni Terenz. Kakagising lang kasi nito. Maaga talaga ako gumising dahil gusto kong ipagluto sila.



"Hmm! Bango!"



Nagulat ako ng maramdamang nasa tabi ko na pala si Terenz. Heto na naman ang puso ko! Hindi na naman mapakali!



"Lumayo ka nga! Ang baho kaya ng bibig mo!"



Asar ko dito. Well hindi naman talaga mabaho ang bibig nito. Amoy ko pa nga ang toothbrush na nanggagaling sa bibig nya.



"Ahh, ganun pala ah! Halika dito!"



Tumakbo ako paikot sa lamesa ng habulin nya ako. Tawang tawa ako habang nakikipag patentero kay Terenz. Para kaming mga batang naglalaro.



"Wag kang papahuli, Gaia! Sisiguraduhin kong mawawalan ka ng hininga dahil sa power of kiliti ko!"



Napatawa ako dito. At mas inasar pa sya. Nang makakuha ng tyempo ay tumakbo ako papunta sa sala na agad nya namang sinundan.



Napahiga ako sa sofa ng mahuli ako nito at kiniliti. Napuno ng sigaw at tawanan ang sala.



"Tama na! HAHAHAHAHA! T-terenz!"



Itinigil naman ni Terenz ang pangangaliti at hinawakan ang parehas kong kamay. Hindi ko napansing nasa ibabaw ko pala sya. Uminit ang pisngi ko na ikinangiti nya.



"Ang ganda ganda mo naman miss"



Mapilyong ani nito. Mag sasalita na sana ako ng hinalikan nya ako sa pisngi na ikinagulat ko. Agad syang tumayo at tumakbo.



"TERENZ!"



Hinabol ko sya hanggang sa mapagod kami sa habulan. Dumating narin sila Nanay at Tatay na lumabas para bumili ng ulam sa tanghalian. Muli ay napuno na naman ang araw ko ng puro tawa at ngiti. Wala atang oras na hindi ako tumatawa o nakangiti.



Magkasama kami ni Terenz habang pinapanood ang paglubog ng araw. He brought his guitar with him. Kinakantahan nya ako habang minamasdan namin ang kagandahan ng langit.



We're actually doing a picnic date. Nagyaya sya eh. Pumayag naman ako dahil matagal ko ng hindi nakikita ang sunset. Minsan lang rin kasi umaraw sa Baguio.



Habang pinagmamasdan ay narinig kong kumanta si Terenz kaya nilingon ko ito. Ngunit nagulat ako ng makita ko sila Nanay Ena, Tatay Ron, Anne, Prince, at Nero. May hawak na gitara si Terenz habang kumakanta.



"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka.~~"



May hawak silang tarpulin na may nakasulat na 'Can i court you?'. Lahat sila ay malalawak ang ngiti. Tumayo ako at hinarap si Terenz. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang kumakanta sya.



"Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba~~"



"Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas~~"



"At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along~~"



Ipinasa nya ang gitara kay Nero at ito ang nagpatuloy. Unti unti syang lumapit sa akin at hinawakan ang bewang ko.



"Maaari ko bang isayaw ang pinakamagandang dalagang nakita ko?"



Kahit ramdam ko ang pagpula ng pisngi ay nagawa kong tumango. Dahan-dahan nya akong isinasayaw habang tuloy na kumakanta.



"Puno ang langit ng bituin,
At kay lamig pa ng hangin~~"



"Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw.
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo~~"



"Ibubuhos ko ang buong puso ko,
Sa isang munting harana...
Para sa'yo, Gaia ko~~"



Napatawa ako ng dinugtungan nya ang kanta. Sila Nero na ang tumutuloy ng pagkanta habang magkatitigan lang kami ni Terenz. He pulled me closer to him. Pinagdikit nya ang mga noo namin habang hindi parin tinatanggal ang tingin sa aking mga mata. Nakita ko na naman kung paano mag ningning ang mata nya habang nakatingin sa akin.



"I like you, Gaia. Since the day i saw you sitting in the beach, you already took my heart. You're the only one who made my heart beats fast. You're always keep appearing to my mind. You're smile. You're name. You're face. I can't stop thinking about it. About you. Will you let me pursue you? Can i court you, Gaia Leyn Velasco?"



Bakas sa mukha nya ang kaba kahit nakangiti. I hugged him tightly.



"Yes, Terenz. Thankyou for making me happy"



Nagulat ako ng binuhat nya ako at inikot sa ere.



"WOOHOO! NILILIGAWAN KO NA SYA! NILILIGAWAN KO NA SI GAIA!"



Ibinaba nya ako at nagtatakbo paikot. Nagtatalon naman sila Nanay habang natatawa lang ako dahil kay Terenz. Muntikan pa itong madapa ngunit itinuloy parin. Kinuha nya ang bouquet of roses at lumapit sa akin. Inaabot nya sa akin iyon ng may malaking ngiti.



"Thankyou, Gaia"



A/N: DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READINGS!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon