Epilogue

0 0 0
                                    

Maagang nagising si Lauren ng araw na yon. Ito ang unang araw ng pasukan sa kanyang paaralan sa kabilang lugar kaya naman minabuti nyang gumising ng umaga.

Pagmulat pa lamang ng kanyang mata ay naramdaman na nya ang araw araw na nararamdaman, ang "empty feeling" kaya panigurado buong maghapon syang ganito.

Lauren PoV

"Hayss walang bago"Ani ko sabay buntong hininga.

Pagkatapos kong itupi ang aking hinigaan ay agad akong bumaba para magluto ng aking agahan, simpleng sinangag lang at ang aking paboritong sunny side egg nagtimpla rin ako ng kape. Hinanda ko na ang pagkakainan ko ng maalalang ako nga lang pala ang tao dito. Ang aking mga magulang ay nagtatrabaho sa bayan, hindi naman sila magkahiwalay ngunit magkahiwalay naman ang kanilang lugar na pinapasokan kaya naman kailangan nilang hatiin ang pag aalaga sa aking mga kapatid, apat kaming magkakapatid at ako ang pangalawa, ang sumunod sa akin ay kasama ni Mama sa kanyang pinag ta-trabahonan, stay in sya don at isa syang  time keeper sa isang construction company at naka assign sya ngayon sa tulay na ginagawa sa bayan kaya madali lang na alagaan ang aking kapatid. Ganon din ang trabaho ni papa kaso nasa ibang Lugar rin at tatlong oras ang byahe mula dito kaya naman isinama nya ang bunso namin na limang taon at doon na rin pinag aral, halos hindi na rin sila umuuwi kaya naman ako na lang ang dumadalaw sa kanila, ang panganay naman namin na kapatid ay isang nursing student na ngayon ay 3rd year na, dahil malayo ang paaralan sa aming bahay, don na rin sya tumuloy Kay mama, at ako, andito sa bahay, mag isa.

Pagkatapos mag almusal ay agad naman akong naligo, sinilip ko muna ang aking uniform sa kwarto dahil na plantsa ko na ito kagabi bago ako matulog kaya naman wala na akong iisipin pa. Pagkatapos maligo ay agad naman akong nag ayos ng sarili, kinuha ko ang blower sa cabinet at sinimulang patuyuin ang aking buhok, ayaw ko kasing pumasok na basa ang buhok. Nang matapos ay nagpahid lang ako ng sunscreen at Saka nag liptint, ayos na ako sa ganong ayos dahil hindi ako sanay na maraming kolorete sa mukha. Pinasadahan ko muna ang aking sarili sa salamin sa ding ding ng aking kwarto, bagay na bagay ang kulay maroon na palda sa akin na above the knee ang sukat at terno nito ang maroon din na vest at sa ilalim nito ay blouse na white, kinapa ko ang logo ng school sa may bandang dibdib at inayos ang aking neck tie, ang amin namang sapatos ay black sandals at mahabang medyas na black. Kinuha ko na ang aking bag at cellphone at saka lumabas ng bahay
Bago ako tuluyang lumabas ay pinasadahan ko muna ng tingin ang loob ng bahay, siguro pinamumugaran na ng mga multo ang bahay na ito
"Atleast may kasama ako"kibit balita kong sagot sa aking naisip.
Pagkatapos i-lock ang pintuan ay nag abang na ako ng masasakyan. Lumaki ang ngiti ko dahil wala pang limng minuto ay may paparating ng jeep, ng tumigil ito sa harap ko ay Saka ako sumakay. Pinasadahan ko ng tingin ang mga pasahero, karamihan dito ay mga studyante  sa ibat ibang school, naka kita rin ako ng dalawang studyanteng kapareho ng aking uniform kaya napa ngiti ako, sa kaliwa ko naman ay isang mag nanay at may dalang envelope, baka magpapa enroll pa lang.

20 minutes ang byahe hanggang sa aking school na pinapasokan, pagkatapos ko magbayad ay agad akong bumaba. Katabi lang ng kalsada ang aming school kaya naman madali lang itong makita, lumingon ako sa palligid at nakitang marami ng studyante ang pumapasok kaya naman pumasok na rin ako, Grade 12 na ako at pangalawang taon ko na sa school na to, ng mag senior high ako ay lumipat ako ng paaralan at dito ko nga napili, maganda naman dito at payapa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Chaotic Love Story Where stories live. Discover now