01

46 6 22
                                    

(At dahil Birthmonth ko na here's my advance gift to my fellow Veyynanas❤️)

Jane P.O.V

"Bilisan mong kumilos diyan Jane kanina ka hinihintay nang kaibigan mo!" dinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.

'Si Mama talaga ang aga-aga para nanamang baril ang bunganga'

"Pababa na!" pabalik na sigaw ko at nag mamadaling isinukbit ang bag ko sa balikatako at pahirapang binuhat ang mga libro kong hindi na kasya sa bag ko.

Nang makababa ako doon ko nakita si Feyth na umi-iling pa sakin.

"Tara na" Pag aayaya ko pa dito mag lalakad na sana ako nang pigilan niya ako."Ano nanaman?"

"Papasok ka ng school nang ganyan ang itsura mo?" tanong niya habang nkaturo sa muka ko."At walang laman ang tiyan?"

"Ano ba halika na--"

"Ah,Ah,Ah Hindi!" aniya bago ko pa mahawakan ang kamay niya ay itinaas niya ito.Nilingon nito si Mama sa kusina na kaya naman kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil alam ko na mag susumbong siya kay mama at tatalakan nanaman ako ni Mama kung nagka taon.

"Doon na tayo kumain sa school libre ko bilis na!"pabulong na sabi ko at inis na inalis niya naman ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

"Fine,pero pwede bang mag suklay ka muna?"Napipilitang aniya tinanguan ko naman ito at hinanap ang suklay ko sa bag ko at nag suklay na."Wala ka na bang nakalimutan?Yung salamin mo?"

"Ay nasa kama ko yata"Inis siyang napailing."Teka kukunin--"

"Wag na ako na"aniya at tumakbo tungo sa kwarto ko.

'Ang swerte ko talaga sa kaibigan kong yan'

Nang makababa siya ay dala-dala na niya ang salamin ko kaagad niyang isinuot iyon sa akin dahil abala parin ako sa pag susuklay nang buhok ko.

"Tita mauna na po kami"Sigaw niya dahil nga nasa kusina si Mama at abalang nag luluto.

"Hindi ba muna kayo kakain?"Dinig ko pang tanong ni Mama.

"Sa school na po kami kakain tita"sabi pa nito at tumingin pa sa akin."Ako na po bahala kay Jane"Dag-dag niya pa kaya naman napanguso ako dahil doon.

'Wala talaga akong lusot dito kahit kailan'

"Sige po Tita mauna na po kami"

"Sige iha mag iingat kayo"Dinig ko pang bilin ni Mama.

Nang maka rating kami sa School kaagad nang mainit ang tingin sakin nang karamihan,iniiwasan ko nalang sila dahil ayokong mapaaway dahil ayoko ding madamay si Feyth.

"Ah Feyth kumain muna tayo sa restaurant diyan sa malapit"Nag-aalangan na sabi ko dito awtomatiko namang nag salubong ang kilay niya dahil doon.

To Be With You (VEYYNANA'S SERIES)Where stories live. Discover now