02

27 2 26
                                    


Araw nang sabado ngayon dahil wrong timing ang magaling naming paaralan talagang tyempo pa na friday ang first day of school at kanina pa ako kinukulit nitong si Feyth at talagang sinama niya pa ang Ate niyang si Ate Kely na talagang nag tandem pa sa pangungulit sakin kung anong nangyari kahapon.

Paano,Nakarating lang naman kay Ate Kely ang naganap sabi ko samin lang dalawa pero ang loka-loka walang preno ang bibig nakarating tuloy kay Ate Kely.Napa iling nalang ako nang dahil doon.

'Ano pa nga bang magagawa ko?Kundi ang mag kwento'

"Hindi ko alam pero ayun yung naramdaman ko"Napatakip nalang ako nang tenga ko ng sabay pa talaga silang umirit.

'Ang sakit sa tenga'

"Wahhh!Totoo?"Paninigurado pa ni Feyth sakin na siyang namang tinanguan ko naman."Oh my god!!May pag himala!"

"Aray!Aray!"Pakunwaring nasasaktang sabi ko dito habang nakatakip sa mag kabilang tainga ko."Pwede namang hindi sumigaw ano?Oo,Kasi tayo-tayo lang dito sa bahay"Sa kabilang banda nakita ko naman si Ate kely na natatawa sa amin ni Feyth.

"Kasi may tyansa na mawala yang panic attacks mo at yang pag kakaroon mo ng SAD"napa-isip naman ako dahil doon."Kasi diba lagi nalang nati-trigger yang Social Anxiety syndrome mo"Tumango naman ako dito bilang sagot."Ngayon sa nangyari kahapon ay may pag asa kang gumaling"

"I agree with Feyth"Pag sang ayon naman sa kanya ni Ate Kely na siyang ikinatingin namin."More often kasi kung sino lang ka close mo yun lang ang kinakausap mo kaya wala kang tinawagag na 'open communication process' na isa sa rason kung bakit nahihirapan ka"

"Open Communication process?"Sabay pa naming tanong ni Feyth sa kanya.

Tumango naman siya at nag katinginan kami ni Feyth na nag hihintay nang isasagot niya sa amin."Oo,Ang Open Communication process kasi ay isang pamamaraan nang pae-express nang ideya,mga issues,at pwede ding nararamdaman,with that mag kakaroon kayo ng mutual undersating sa isang certain person"Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa sinasabi niya."Isang halimbawa doon kay kayo ni Feyth"Muli tuloy kaming nag katinginan ni Feyth dahil doon."Mayroon na kasi kayo ni Feyth may common understanding sa isa't-isa kaya mas nagiging easy sainyo ang pag i-interact sa bawat isa na walang nararamdaman na ilang"

"Ibig sabihin kailangan lang niyang lumabas sa comfort zone niya?"Tanong sa kanya ni Feyth na siyang tinanguan naman ni Ate Kely.

'Ang tanong kaya ko na ba?At kakayanin ko ba?'

"Alam ko ang iniisip mo Jane"Muli tuloy akong napalingon sa kanya dahil doon."Alam kong iniisip mo na baka hindi mo kayanin"Kaagad akong napaiwas nang tingin dahil doon."Huwag kang mag alala hindi ka namin pababayaan ni Feyth nandito kami tutulungan ka namin"Hinawakan pa nila ang kamay ko to assure me,pilit akong ngumiti sa kanila feeling so unsure."Kaya nga may treatment eh,Hindi ka namin pababayan okay trust us"

"May tiwala naman ako sa inyo pero,pero sa sarili ko wala"Napapayukong sabi ko kaya naman ini-angat ni Ate Kely ang tingin ko sa kanya.

"Kakayanin mo okay?Nandito kami"napabuntong hininga naman ako nang dahil doon at tumango nalang sa kanila.

Kaagad naman nila akong niyakap,natigil lang kami nang may kumatok sa baba.Binuksan ko ang pinto at doon ko nakita si Mama na may dala-dalang grocery.

'Kaya naman pala pag ngising ko wala siya at ang bumulaga sakin ay sila Feyth'

Kaagad ko naman itong tinulungan,Bumamaba na din sila Feyth at tumulong na magluto samantalang ako naman nag hahanda nang juice.

Hindi ko maiwasang isipin yung pinag usapan namin kanina.May pag asa akong gumaling.Tama si Ate Kely kailangan kayanin ko,Kakaiyanin ko.If this is the only way that I would leave a normal life na hindi natatakot sa lahat nang taong makakasalamuha ko at gustong makipag salamuha sa akin.

"Still thinking about the guy from yesterday?"Kaagad na salubong ang kilay na tinignan ko si Feyth na may nakakalokong ngisi habang nag hahanda ng mga pinggan,plato at kubyertos sa mesa.

"Tumigil ka nga!"pabulong na sita ko dito at bahagyang nilingon ang gawi nila mama na abala sa ginagawa nila sa kusina."Baka marinig ka ni Mama kung ano pa ang isipin"

"So..You are?!You are thinking of him"Pang-aasar niya pa sakin.

"Feyth"

"Okay"Nag kibit balikat pa ito bago ako nilayasan habang natatawa pa.

'Kaasar talaga yung babaitang iyon,Nakakainis'

Napa iling nalang ako habang inilalagay sa lababa ang Kutsarang pinang halo ko sa juice.Hindi naman nang tagal kumain na kami,habang nasa hapag hindi ko maiwasang mailang sa tingin nila Ate Kely at Feyth na halatang inaasar ako.Binalaan ko naman sila kasi kaharap lang sila ni Mama at katabi ko si Mama at ang mga loka-loka hindi nakuha sa tingin,napabuntong hininga nalang ako nang dahil doon habang umiilng pa.

'Mag kapatid nga kayong dalawa'

Wala sa sariling nag salin nalang tuloy ako nang juice sa baso ko at ininom iyon dahil sa pag ka kunsume sa dalawa.Buti nalang at abala si Mama sa pag kain at hindi napapansin ang dalawa kundi malilintikan ako.

"Kamusta ang School anak?"Halos maibuga ko ang iniinom ko nang mag tanong si Mama kaya naman kinuha ko kaagad ko nalang inubos ang juice na nasa bibig ko bago ko pa maibuga."Did you make new friends?"Dagdag niya pa.

"More like new crush"Dinig kong pabulong na sabi ni Feyth kaya naman bago siya lingunin ni Mama kaagad na akong nag salita.

"Hindi Ma,I don't like them all"Sabi ko at bahangyang pinang dilatan si Feyth na natatawa naman sakin,tumingin sa akin si Mama na salubong ang kilay."Again Ma anong bago?Lagi naman akong outcast"Napa-ili nalang siya at hindi nag salita.

Muling natahimik ang pag kainan kaya naman nakampante ako na siyang hindi pala dapat dahil may sinabi si Feyth na hindi ko inaasahan."Tita,Iimbitahan po sana namin si Jane sa isang Party"Doon siya nilingon ni pati ako nag tataka sa sinabi niya.

'Anong party?She know how much I hate partying'

"Ano kasi Tita napag kasunduan po kasi naming tatlo na kailangan nang makisalamuha ni Jane sa iba"Nanlalaki ang matang nakikipag titigan ako key Feyth na hindi naman natinag."Naiisip po kasi namin na in order for her to be fully healed she needs to go out of her comfort zone para mo ma less na ang mga panic attacks niya"Paliwanag niya pa,Senensyasan ko naman si Ate Kely na tulungan akong pigilan siya pero nanatili itong tahimik.

'Ate Kely naman eh!'

"Party?"Tanong ni Mama.

'Please lang Ma wag kang papayag'

"Opo sana,iyon po ay kung papayag po kayo"Sabi ni Ate Kely na siyang ikinabigla ko.

'Pati ba naman ikaw Ate Kely?'

"Okay"Sabi ni ni mama na siyang nag pa facepalm sakin samantalang yung dalawa naman ay tuwang tuwa."Do what you think is the best for her"

"Yehey!Thank you po Tita"Halos mag sabay pang sabi nila.

'Talaga naman oh'

"But Be home before Eleven okay?"bilin pa ni Mama sa kanila.

'Seriouly Ma?'

"Yes po Tita!"

To Be With You (VEYYNANA'S SERIES)Where stories live. Discover now