02

1 1 0
                                    

"WOW.. BAHAY MO ITO?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng lugar.

"Yeah.. Sort of." Sabi niya saka ni-lock ang pinto saka hinila ako sa kung saan.

Dinala niya ako sa isang kwarto namangha ako dahil ang ganda ng kwarto tapos malaki yung kama meron pang veranda.

"From now on, dito ka na titira. Your job is easy, cook for me, and take care of me." Sabi niya na kinatango ko lang. "You can sleep now, Sam." Sabi niya saka pinapasok ako sa loob at siya na ang nagsara ng pinto.

Wow.. Ang ganda..

Sa mga palabas sa TV ko lang to nakikita eh.

Napangiti ako sa naisip saka marahan na sumampa sa kama, tapos ay humiga. Dahil na rin sa sobrang pagod agad akong nakatulog.

*
Nagising ako sa tama ng sikat ng araw. Mabilis akong tumayo ng makita sa wall clock ng kwarto na alas sais na ng umaga. Hala! Inayos ko ang higaan ko saka dumeretso sa banyo.

"Ang sosyal naman ng banyo dito. May shower." Sabi ko saka dumeretso sa sink at binuksan ang gripo para maghilamos.

Binasa ko rin ang buhok ko ng bahagya saka sinuklay yun gamit ang kamay.

Nang makita na maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto saka dumeretso sa kusina. Maliit lang yung kusina pero sobrang daming gamit. Pati yung ref puno ng groceries.

"Ang daming pagkain." Sabi ko saka binuksan ang mga cupboard.

Mga pagkain na pwedeng ihelera sa mga instant. Kagaya nung cup noodles na nakita ko.

Kumuha ako non ng isa saka binuksan. Sana hindi magalit si Frost kapag kumuha ako ng pagkain. Marami naman siyang groceries eh.

Habang inaantay na lumambot yung noodles ay inikot ko muna ang paningin ko sa buong kusina, tapos titingin sa noodles. Nang makita na malambot na ang noodles ay kumuha ako ng tinidor saka inumpisahan na kainin yon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng marinig ko ang boses niya.

"Sam?" Mukhang bagong gising.

Tama nga ako ng sumulpot ito. Nasa bibig ko pa ang cup dahil hihigop sana ako ng sabaw. Napakurap kurap pa ako kasi wala siyang damit. Tapos meron siyang abs. Matipuno rin yung pangangatawan at alagad ni Adan.

Mali ang mang-judge. Okay. Tinuloy ko ang paghigop ng sabaw at ng maubos ay tinapon ko na sa basurahan yung baso.

"Sam."

Tumingin ako kay Frost na nakataas ang kilay sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

Napailing ito saka lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Bakit ang hilig niyang mangyakap? Kagabi pa siya ah!

"Kala ko umalis ka na." Bulong nito. "..Nagluto ka ba?" Tanong nito.

"Hindi ako nagluto, at limitado lang ang alam kong lutuin." Sabi ko saka bahagya siyang tinulak.

Mahina itong natawa saka bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinila ako paupo sa inupuan ko kanina.

"Hindi maganda na noodles lang yung kinain mo.. Ipagluluto kita." Sabi niya.

Hinayaan ko naman siya saka pinanood ang gagawin niya.

"Sa bahay nga isang pirasong tinapay lang kinakain ko." Sabi ko.

Napatigil ito sa paghihiwa ng hotdog saka napatingin sa akin.

"Come again?" Sabi niya na parang kinukumpirma ang narinig.

Billionaire Series 1: Ice Frost HyacinthWhere stories live. Discover now