04

1 1 0
                                    

“SORRY FOR THEIR ATTITUDE.”

Sabi ni Ice ng pumasok ito sa kwarto saka ako nilapitan at umupo sa tabi ko.

“Okay lang.. Medyo na-offend lang ako, pero okay na ako.” Then ngumiti ako para mawala ang pangamba niya.

Lumambot naman ang ekspresyon niya saka yumakap mula sa gilid ko.

“Their just like that, baby.. I'm sorry, hindi ka pa kasi nila kilala.” Sabi niya saka humilig sa balikat ko.

“Okay nga lang.. At.. Nga pala.. Kamusta meeting? Mukhang hindi ka naman pagod.” Sabi ko saka tinignan siya.

“Wala namang problema. I'm stressed to my f'cki— friends.” Sabi nito.

Bumuntong hininga ito saka hinigpitan ang yakap sa akin.

“Palit ka na damit. Madumi ka na. Tapos pawis na pawis ka pa.” Sabi ko saka sinuklay ang buhok niya na basa ng pawis.

Tumango ito saka humiwalay sa akin at hinalikan ako sa noo saka lumabas. Ako naman ay humilig sa headrest ng kama saka bumuntong hininga. Isang araw na akong hindi nauwi sa bahay, hinahanap kaya ako nila Mama? Uwi na kaya muna ako? Tapos balik nalang. Nope.. Baka matyempuhan ko si Papa. Ayoko matulog sa bodega.

Hay.. Ang hirap ng buhay.

O

Sadyang ako lang ang nagpapahirap sa buhay ko?

Pwede rin.

Kasi pwede ko naman ng tapusin ang buhay ko. Pero hindi ko ginawa. Ibig sabihin ba gusto ko pang mahirapan sa buhay?

Gusto ko pang mabuhay. Ayoko pang mamatay, gusto ko pang maging mayaman, mabili lahat ng gusto ko. Tapos non, magawa yung mga hindi ko pa nagagawa sa buhay, hindi pa nga ako nakakapunta ng dagat mamamatay na agad ako.

Nawala lang ako sa pag-iisip ng merong pumasok ng kwarto. Si Frost. Naka-pants na naman siya at shirt.

“Baby.. Come on.. Date tayo.” Nakangiting aya nito sa akin.

Kumunot naman ang noo ko saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napaka-pormal naman manamit ng lalaking to. Hindi ba siya nag-sho-short? O wala siyang short? Kung hindi ba naman pajama, pantalon naman.

“Sam?” Tawag nito sa akin.

Napangiwi naman ako saka nag-cross arms.

“Saan naman tayo pupunta?” Tanong ko.

Ngumiti ito saka lumapit sa akin.

“Anywhere..” Sabi niya saka ako hinila patayo. “Come on..” Sabi niya ng hindi pa rin ako tumayo ng maayos.

“Pagod pa ako eh. Nilinis ko yung buong bahay.” Reklamo ko. “..Patulugin mo muna ako..” Sabi ko saka hindi nagpatalo sa kanya.

Napabuntong hininga ito saka binalik ako sa pagkakahiga. Pero hindi na sa headrest. Sa unan. Tapos tumabi siya sa akin at dinantay ang isang binti sa akin at niyakap ako ng kanyang isang braso, tapos sumiksik sa leeg ko.

“Tulog na, baby ko.. Paggising mo mag-de-date pa tayo.” Sambit niya sa inaantok na boses.

Umirap ako. Kita mo, pagod din pala tapos lakas mang-aya, paano ako mag-e-enjoy kung ganyang inaantok kasama ko. Tsh.

Pumikit na ako saka hinayaan na makatulog sa bisig niya.

*

Nagising ako ng merong humahaplos sa pisngi ko tapos may malambot na dumadampi sa noo at ilong ko. Tapos bababa sa bewang ang kamay at doon naman hahaplos. Inaantok pa ako kaya naman hinayaan ko lang. Pero ng kumalam ang sikmura ko ay hindi ko mapigilan na bahagyang dumilat. Dahil doon ay huminto ang kamay na humahaplos sa bewang ko.

Billionaire Series 1: Ice Frost HyacinthWhere stories live. Discover now