Prologue

83 7 2
                                    

I woke up in a hospital bed, confused why i'm here, I opened my phone with lots of messages and missed calls from my friends.

"Hoy gaga ka!!!!! sinabihan ka naman namin diba na pag kailangan mo ng back up nandito lang kami, lalo na't delikado 'yang trabaho mo." sermon ni Nicole sa gc namin na para bang nanay 'ko kung makasermon sa'kin.

"ano pabang ineexpect niyo sa pagiging lawyer? HAHAHAHAHAHA" pang aasar ko na para bang walang masamang nangyari sa'kin.

"you should've called us, Celeste!!!" pag aalalang sabi nila Valentina, Ellie at Iannah.

I can't really remember what happened last night, all I can remember is someone was following me.

It turns out one of my client framed me up, because I fairly lost his case before kaya siguro niya naisipan na gawin ito sakin?

Napatigil ako sa pag iisip nang may biglang tumawag sakin, si Ellie, "pupuntahan ka namin jan sa ospital, alalang alala na kami sa'yo" saad nito.

"huwag naman kayo masyadong nag aalala sakin, humihinga pa naman ako ah HAHAHAHAHAHA" pagbibiro ko.

Ilang sandali lang, may narinig na akong katok sa hospital room ko at naririnig ko na ang kaingayan ng mga kaibigan ko "hays, mga walang pinagbago" pagtataray ko habang isa-isa silang pumapasok.

"I bought fruits for you!!" sabi ni Iannah, mula noon man di nawawalan ng pera 'tong babaitang 'to, naaalala ko pa noon susunduin niya 'ko sa bahay para lang ayain mag coffee shop o Watson's.

"hoy alam mo ba accla nakasalubong namin sa hallway yung ex mo nung senior high tayo HAHAHAHAAHHA" pagkukuwento ni Leo.

"huh sino?" pagtatanong ko.

"si accling parang walang alam oh, yung singkit na volleyball player, walang araw na hindi mo kinukuwento samin 'yon" pang aasar ni Nicole.

"balikan mo na, marupok ka naman diba? ems! HAHAHAHAHAHA" pang aasar ni Cyan, etong accling na 'to akala mo naman di rumupok sa mga puppy love niya dati.

"She's a doctor na pala here, cardiologist" sabi ni Valentina.

"Hoy!!!! as if namang may pake pa 'ko sakanya noh, past is past, naka move on na'ko kayo hindi pa din?" pagdedepensa 'ko, at tinawanan lang nila ako habang nanonood sila ng tv.

Oh, she really made her dreams come true huh? I'm so proud of how far she've come, I never doubted her since before then. If only her parents approved our relationship before, I'm sure we're still together 'til now. But everything happens for a reason, right?

"Tama na 'yang asaran, kita niyong nagrerecover palang si Celeste sa pagkabaril, pero deserve! HAHAHAHAHAHA" sabi ni Allysa, akala ko naman may sasabihing maayos 'tong babaitang 'to, naaalala ko nung hs years namin parati kami magkaaway nito dahil sobrang pikunin niya.

"Wow! nagsalita ang na-injury dahil sa katangahan niya nung uaap" pang aasar ko sakanya.

"Celeste, kaldagan nalang kita para makarecover ka agad" etong si Daniella talaga wala nang sinabing matino.

"Ikaw nalang kaldagan ko para mabawasan yang katangahan mo sa mga lalake" pagbawi ko sa sinabi niya.

"Mauuna na kami Celeste para makapagpahinga kana" saad ni Isa.

"Mag iingat kayo ah! wala akong pampalit sainyo, wala kaseng kasing siraulo niyo kimi! HAHAHAHA WAG NA KAYONG BABALIK AH MWA!" pagpapaalam ko sakanila.

"Baka pag nakita mo nanaman ex mo, balikan mo ha, DAPAT LANG HAHAHAHAHAHAHA" etong si Cyan may pahabol pa na salita bago makalabas ng pinto, kahit kailan talaga.

Isa-isa na silang nagsialisan, hays sa wakas nawala na yung maiingay makakapagpahinga na'ko, pero kahit ganon ang mga kaibigan ko mahal na mahal ko sila at syempre mahal na mahal din nila 'ko ems! assumera lang siguro ako.

Pagkatapos kong magpahinga, lumabas na agad ako ng room 'ko para magbayad na ng hospital bill, at para makalabas na din ako dito. Sa pagmamadali kong maglakad may nasagi pa akong babae.

"KUNG MINAMALAS NGA NAMA-" napatigil ako sa pagsasalita nang mamukhaan ko siya, ilang segundo akong nakatitig lamang sakanya na para bang nasa teleserye ako, slowmo kumbaga, si Riya, first love ko nung shs years ko.

"I'm sorry Mi- Celeste??? are you hurt? w-why are you here??" nauutal na pagsabi nito at para bang gulat na gulat siya sa mga nangyayari.

'Bakit kahit ilang taon na ang nakalipas siya pa din?'

'Akala ko ba naka move on na'ko?'

'Bakit ba nagkita pa kami?'

'Bakit kahit antagal na naming walang pakielam sa buhay ng isa't isa siya pa din ang tinitibok ng puso ko?'

'I-It's been ten years, bakit sakanya pa rin ako umuuwi? kahit pinaasa niya lang ako na babalik pa siya at kahit hinayaan niya akong maghintay sa wala'

Mga tanong sa isipan ko na paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko. Alam kong ilang taon na ang nakalipas 'mula nung nawalan kami ng contact sa isa't isa at di na muling nag-usap pa, pero bakit parang hanggang ngayon mahal ko pa din siya? sakanya ko naranasan ang lahat, siya lang ang nagmahal ng totoo at nagtrato sa'kin ng tama, kaya't siguro di na'ko nagmahal pa nung nawala siya sa'kin.

If Only Gender Wasn't The Problem Donde viven las historias. Descúbrelo ahora