I

6 0 0
                                    

"Zi, it's already six in the morning. Wala ka bang balak bumangon dyan?" Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok na aking narinig. Dali-dali akong bumangon para pagbuksan ng pintuan ang aking kapatid na ngayon ay magkasalubong na ang dalawang kilay habang nakatingin sakin. "Ano na Zariah Monica wala kang balak pumasok sa paaralan?"

Napakamot na lang ako ng batok at nilingon ang orasan na nakasabit sa gitnang bahagi ng aking silid. Oo, nga pala shuta ngayon ko lang na alala na ngayon pala Ang unang araw ko sa bagong paaralan. Kaya di ko na pinag tutuonan ng pansin ang aking kapatid at pinagsarhan ko na sya ng pintuan at nag gayak na.

"Ano ba naman yan Zi! First impression nila sayo laging late! Kaasar!"

Sinampal ko pa Ang magkabilang pisngi ko bago pumasok sa banyo at naligo. Honestly di naman talaga ako excited pumasok sa skwela at makinig sa mga ituturo ng guro, nakakabagot kaya yun pero I have no choice kundi mag-aral at tapusin ang Senior high ko dahil di ako makapasok sa marunong trabaho kung wala akong diplomang maisampal sa kanila-ay este maipakita.

Last month kasi bago ako nag enroll ay nag try akong mag-apply sa online. Naririnig ko kasi sa mga kapitbahay na maganda daw mag trabaho bilang call center agent e ako Naman si bidabida at mukhang pera edi sinubukan ko kaagad. Kung tutuosin nga pasado na ako kaya lang nong tinanong na ako kung may diploma ba ako at nagtapos ng senior high doon ako sumabit. Kaya ito ako ngayon tatapusin ang isang taon sa senior high.

Nakarating ako sa gate ng school at pinasadahan Ang mga studyanteng naglalakad papasok. May kaniya-kaniya silang kasamang mga kaibigan, masayang nagtatawanan at nagbibiruan. Huminga na lang ako ng malalim at pumasok mag isa sa gate. Ilang buwan pa lang ako sa lugar na to kaya Wala talaga akong kakilala kahit isa. May kunting kaba man pero pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa matanaw Ang quadrangle ng school kung saan doon tinipon ang mga studyante ng senior high school.

Nakipila ako sa hulihang bahagi at pilit na itinutuon ang attention sa dean ng school na nag sasalita sa stage. Bumati lang sya sa mga studyante at pinapunta sa sari-sariling classroom. Nilibot ko lang ang tingin sa kabuoan ng paaralan may tatlong matatayog gusali lang ito since puro senior high school lang Naman ang nandito. Malaki naman ang campus, may sariling school gym din sa kanang bahagi.

Inantay ko pa na mabawasan Ang mga studyanteng papaakyat sa hagdanan  mahirap na baka mapisa ako sa dami nila at Ang iba pa ay nagtutulakan. May Tig lilimang palapag kasi tong bawat gusali at itong gusali namin Ang pinaka agaw pansin para sa akin nasa gitnang bahagi Kasi ito. Nang makarating ako sa ikalawang palapag nagulat ako kasi sarado ang mga classroom dito. Ilang ulit ko pang binasa ang section ko na nasa cellphone ko at tiningnan ang nakasulat sa itaas ng pinto ng classroom na kaharap ko ngayon.

"Langya naman o! Bakit walang tao ni isa?!" Inis kong bulong habang tiningnan ang section ko. "Tama naman ang nakalagay dito ah, nandito din ang pangalan ko" kulang na lang mag tantrums ako dito dahil sa sobrang inis pero pinipigilan ko lang Ang sarili Kasi may dumadaan din na mga studyante. Nakakahiya!

Ilang minuto pa Ang inantay ko bago Kasi late lang ang mga classmate ko at ako lang mag isa Ang nauna dito. Kahit malabong paniniwala yun pero yun ang pinaniniwalaan ko. May nakita akong isang babae na medyo chubby na nakasandal sa riles naglakas loob akong lumapit sa kaniya at magtanong.

"Ate saan po dito yung GAS1204?"

The girl raised her head bago binalik ang tingin sa screen ng cellphone niya.

Ay shuta!

Yun na yun? Wala man lang sagot.

I ask her again at this time tumango na siya. So I think she's my classmate. Ilang minuto akong nag antay bago sya niyaya na libutin ang campus para mahanap ang section namin kasi impossible na talaga na kami lang ang nandito at ang ibang strand ay nagkklase na.

"I think sa baba ang classroom natin" tumango ako sa sinabi niya at bumaba sa ground floor at Tama nga ang Sabi niya. Nakita ko ang adviser namin na nasa harapan na ng klase at nakikinig sa classmate Kong nagpakilala.

"Excuse me sir, dito po ba ang GAS1204?" lakas loob kong sabi.

Nabaling ang attention nila sa akin. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Itinuon ko na lang ang attention sa guro namin kahit na kinakabahan dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

Hindi ako sanay sa ganito

"Yes Miss, pasok na kayo sa loob"

Dumaan kami sa pangalawang pinto at pinili ang upuang nasa pinakahuli. Nakahinga ako nang malalim nong bumalik na ang tingin ng lahat sa harapan.

"Transferee?" The guy beside me asked. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Ang daming alam ni Sir, Hindi na naman tayo elementary. May introduce yourself pang nalalaman" tumawa kami dahil sa sinabi niya . He seems so approachable, maayos din manamit mukhang harmless naman kaya nakipag- usap ako dito. Madami syang baong kwento na akala mo wala ng bukas.
Naalala ko ang mga kaibigan ko sa kaniya kaya naging magaan din ang pakikitungo ko sa kanya 

Naging okay naman ang mga nagdaang araw ko. Kaunti pa lang ang mga nakilala ko kahit naman sabihin na kaklase ko sila e hindi naman kailangan na kilalanin ko silang lahat.

"Sa mga transferees, sumunod sakin sa faculty may mahalaga tayong pag-uusapan" Sabi ni sir Lazaro  ang class adviser namin. Tumayo na ako at lumabas kasabay ng ilang transferee na di ko din kilala. "Narito na ba ang lahat?" Tanong niya nong nakarating kami sa teacher's office.

"Si Carl sir absent" napalingon ako sa biglaang bumasag ng katahimikan. Malalim ang boses niya na parang matured na matured na. Hindi ko ugali na mag obserba sa ginagawa ng ibang tao dahil nahihiya ako pero upon seeing this boy in the back parang gusto ko na lang syang titigan.  Nakasandal siya sa may railings ng hagdanan, at walang pakialam sa sinasabi ni sir sa harapan, mapupungay ang mga mata nito na tila anytime pwede ng pumikit.

"Malinaw ba?"

"Malinaw po"

Nabalik ang tingin ko sa harapan ng sabay-sabay na sumagot ang mga kaklase ko.

Langya! Kung saan-saan kasi tumitingin.

Kinaumagahan nakakunot ang noo ko nang may natanggap ako na chat galing sa mga kaklase ko they are asking about sa sinabi ni sir kahapon.

"Tss. Ayan daldalan pa kayo ah!" inilagay ko na lang ang cellphone sa ilalim ng unan ko. Mamaya ko na sila rereplyan, masyado pang maaga para mabawasan ang inipon kong pasyensya sa araw na ito. "Ano ba yan ang kukulit ng lahi niyo!" Napagulong pa ako sa higaan sa inis. Sunod-sunod bs namang nag pop-up yung chat heads ko sa messenger ang ingay!

Pikit mata kong kinuha ang cellphone ko. Kung sino man at kung ano ang dahilan ng sunod-sunod na chat nito sana naman magiging maganda ang araw ko, 4:32 am pa lang jusko!

From: Jyler A.
Hi good morning ❤️

Napakunot ang noo ko sa nabasa. Hindi ko Alam kung anong irereply ko sa message niyang Yun. Di pa man ako nakapag reply may biglang nagchat ulit akong natanggap.

From: Jyler A.
Tanong ko lang, ngayon ba ipapasa ang pinapirmahan ni sir Lazaro sa atin?

Napaisip ako bigla alin don? Sa dami ba namang sinabi ni sir nong nakaraan.

From: Jyler A.
Yong tungkol sa mga transferee

To: Jyler A.
Ayy yun ba? Hindi ko lang po sure pero may nabanggit po si sir na ibabalik sa kanya pag may note na Pero kung maaga makuha ang form galing sa dati nating school hindi na natin kailangan ibalik yon

From: Tyler A.
Ahh okay.
Thank you❤️
Yon lang😊

May pa heart pa si lolo niyo. Hindi halata sa mukha ni Abrham na gumagamit sya ng ganyang emoji. Unang tingin ko pa lang sa kanya ang sungit niya. Sa tingin ko nga kahit kalabitin sya sapak agad ang ganto niya. Hindi ko na lang sya nireplyan at nag asekaso na lang.

Ayoko kong mag isip bukod ayaw kong mabawasan ang pasyensya ko at wala din akong isip kaya useless lang ang time

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Distant StarWhere stories live. Discover now