Kabanata 30 (Progress)

1 2 0
                                    


Anselmo

Unlike the first week, mas marunong na humawak ngayon ng kutsilyo si Tartini. Natutuwa siya somehow sa progress nito.

"Tini?" he called.

"What?" saad nito sabay tutok ng kutsilyo sa kanya.

"Put away the knife woman."

"Oh, sorry. Ano ba kasi ang sasabihin mo?"

"Gusto ko lang naman tanungin kung kailangan niyo ba ng tulong ko?"

"Nope. Just go away. Gwen is enough."

He exited the kitchen. Nagbukas na lamang siya ng TV sa sala kahit hindi naman siya mahilig manood ng TV.

"Napaalis ka sir noh?" komento ni Aling Lagring na may halong pang-aasar.

"Ganoon na nga po."

"Mukhang seryoso si Tartini sa pagluluto ah."

"Sana lang talaga hindi siya pumalpak."

"Hindi naman siguro. Huwag kang mag-alala nandoon naman si Gwen, sanay ang anak kong 'yon sa mga lutuan."

Ilang sandali pa ay pumasok ulit siya sa kusina para magtimpla ng kape. Naabutan niyang nag-iisa si Tartini.

"Where's Gwen?"

"Ahm...pupunta muna raw siya saglit kay Aling Julieta."

"Are you going to be fine?"

"Oo naman."

"May gagawin ka pa ba? Wala naman akong ginagawa, I can help."

"Okay na Ansel, hinihintay ko na lang kumulo tapos kukunin ko na. Teka, you should do the tasting."

Maingat nitong nilagyan ng sabaw ang sandok. Hinipan rin ito ni Tartini bago ipatikim sa kanya.

"How was it?"

"Masarap."

"Talaga? You're not kidding, right?"

"Masarap talaga. Hmm...pwede ka na palang mag-asawa kung ganoon" he winked.

"Maghahanap pa ako."

"Hey! Bakit ka maghahanap, nandito lang naman ako."

"Well baka magbago ang isip mo. I'm broke now, I have no house, no car—"

"Niligawan kita hindi sa yaman mo."

"Dahil sa ganda ko?" she cut him.

"Yeah given na iyon but the main reason is just you, I like you. I wanna be with you."

Nagulat siya nang hampasin siya nito ng malakas.

"Aray Tini."

"OMG! Are you okay?" pag-alala nito.

"I'm not. Namumula ng husto oh baka mamaga pa ito" seryosong wika niya kahit ang totoo gustong-gusto niya ng tumawa.

"Let me see" yumuko ito para tingnan ang braso niya.

Mabilis na hinalikan niya ito sa pisngi.

"Hey akala ko ba masakit?"

"Binibiro lang kita."

"Tsk."

Nang maluto ang soup ay tinulungan niya itong ilagay sa isang malaking lalagyan para dalhin sa mga trabahante. Hands on sa pagsiserve ng soup si Tartini. Natutuwa siya dahil kasundo na nito ang mga magsasaka doon.

"Oy sir, baka matunaw si Miss Tini niyan" kantiyaw ni Mang Rhodel.

"Mang Rhodel talaga, ako na naman ang nakita ninyo."

"Ay ganoon talaga, paano ba naman sobrang halata mo sir."

"Halata ang alin?"

"Na may gusto kayo kay Miss Tini. Bakit 'di niyo pa kasi ligawan?"

"Bakit ko naman liligawan pa Mang Rhodel eh kami na niyan."

"Kayo na?" sa lakas ng boses ng lalake ay napalingon sa kanila ang lahat.

"Mang Rhodel, secret po muna."

"Ganoon ba, siya sige."

Tinabihan siya ni Tartini.

"Oh soup mo."

"Thank you."

"Gusto mo ng kanin?" alok nito.

"Hindi na."

"Malapit ng matapos ang pag-aayos ng mga bakod. Are you going to start planting tomorrow?"

"Hindi na muna. Tatlong araw ang ibibigay ko sa mga magsasaka para makapagpahinga sila ng sapat kasi tuloy-tuloy na ang pagtatanim sa susunod na mga araw."

"That's better."

"Nga pala pupunta rito mamaya si Phoebe."

"Phoebe na naman? May namamagitan ba sa inyo ng pinsan ko?" walang kangiti-ngiti nitong tanong.

"Wala. Ano ka ba naman, ikaw lang ang mahal ko."

"Phoebe is beautiful too, sexy hindi ka man lang naattract sa kanya ni minsan?"

Nang hindi siya nakasagot agad ay kinurot nito ang tagiliran niya.

"Tinatanong kita Anselmo."

"Hahaha ito naman, huwag ka na magselos sa pinsan mo. Magkabatchmate lang kami niyon. We don't have anything aside from friendship."

"Friendship mo mukha mo."

Tinalikuran siya nito pero bago pa man ito makalayo ay hinila niya ito kaya napaupo ito sa kandungan niya. He kissed her on the lips. Nanlaki ang mga mata nito.

"Anselmo, ano ba pinagtitinginan na nila tayong lahat."

"Pakiusap sa lahat na huwag po kayong tumingin dito dahil nahihiya po si Tartini" wika niya sa mga magsasaka.

"Ay walang problema sir. Hoy kayo tumalikod kayong lahat. Okay na sir" ani Mang Rhodel.

"Salamat Mang Rhodel, maaasahan ka talaga."

Piningot ni Tartini ang tainga niya.

"Naghanap ka pa talaga ng kakampi. Gwen, let's go. Bumalik na tayo sa bahay."

Tawang-tawa siya rito nang nagmamadali itong umalis.

The Monster KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon