Kabanata 27 (I'm That Guy With You)

5 2 0
                                    


Anselmo

Pumunta siya sa sakayan ng bus. Nakita niya sa cctv na sumakay nga si Tartini ng bus. Pagdating sa terminal tuloy-tuloy ito sa paglalakad. Nagtanong-tanong siya mga vendor doon kung napansin ba ng mga ito ang babae.

"Ay siya nga iyon sir, blonde noh? Tapos nag-i-ingles?"

Tumango siya.

"Nakita mo ba kung saan siya pumunta?"

"Ay baka po nasa motel. Nagtanong kasi siya kanina kung may murang apartment ba rito pero sabi ko wala, ang mura rito ay mga motel."

"Saang motel po iyon?"

"Dyan sa eskinitang 'yan sir."

"Salamat ah."

Mabilis niyang itinabi ang sasakyan. Bumaba siya at inisa-isa ang mga motel doon. Hanggang mahanap niya ang motel na nakapagcheck-in si Tartini.

"Boyfriend ka ba niya? Naku naman akala ko talaga nag-iisa lang si maam, iyon naman pala hahabol kayo."

"Where is she?"

"Huwag po kayong excited sir hehe sumunod po kayo sa akin. Pero baka natutulog na iyon ngayon kayo naman kasi sir ang tagal ninyo baka hindi na kayo makascore niyan" nakangising saad ng babae.

"I'm not here for that" seryosong saad niya.

"Ahw, okay."

Huminto sila sa isang pink na pinto.

"Dito po ang kwarto niya kumatok na lang kayo sir."

Tumango siya. Nakailang katok na siya ng pinto bago pa nito buksan ni Tartini. May hawak itong unan sa magkabilaang kamay.

"What are you doing?"

"Anselmo?"

"Pwede ba Tartini hindi lahat ng oras na magtatampo ka ay maglalayas ka. Hindi ba napag-usapan na natin ito na kapag aalis ka magsasabi ka sa akin o kay Aling Lagring."

"May naglalayas ba na nagpapaalam? Think Anselmo, think."

"So wala ka talagang balak bumalik ng farm?"

"Why would I stay there? Wala naman may gusto na nandoon ako" nakalabi nitong sagot.

"Who told you that? Alam mo ba ang itsura ni Aling Lagring kanina nang hindi ka niya mahanap? Paano kasi puro sarili mo lang ang iniisip mo. I know you are hurting pero huwag mo naman saktan ang mga taong nag-aalala sayo ng totoo, Tini."

Hindi ito kumibo.

"Are you here to rant? I know you would be happy na wala ako sa farm dahil wala ka ng magiging obligasyon."

"Is that what you think? I wouldn't be here kung magiging masaya ako kapag nawala ka sa farm. Come on Tartini, nangako ako sa daddy mo na hindi kita pababayaan. Akala ko ba pagkakatiwalaan mo na ako?"

"I know you're just pretending to care for me."

"Tini, I really care for you. Kung meron man taong mag-aalala sayo, ako 'yon. Kung meron man unang maghahanap sayo kapag nawala ka, ako 'yon."

"Dahil iyan ang utos ni daddy sayo."

"Of course not. It's nothing to do with Mr. Barry."

Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa kung saan ang puso niya.

"It's me, Tini. You might forgot about me pero hindi ako umalis sa tabi mo."

"Ano bang pinagsasabi mo?" padaskol na binawi nito ang kamay.

"I'm the guy with you that night before you got into an accident."

Napatitig ito sa kanya na nakaawang ang bibig. Wala siyang balak na sabihin dito ang totoo dahil ayaw niya itong biglain pero he had no choice because that's the only way Tartini would trust him.

The Monster KisserDonde viven las historias. Descúbrelo ahora