Chapter 1

3 3 0
                                    

"Shettttt ang sakit ng ulo ko,"nakahigamg humawak ako sa sintiduhan ko. "Sino ba kaseng may sabi na mag bar kayo ni Maicie!" Hindi na ako nagulat sa presensya ni kuya Jay na may dalang mainit na sabaw ng kung ano. "Inumin mo daw ito sabi ni Papa" inilapag nito sa side table ko ang dala niya.

Nakapikit ko itong hinigop. "Ang init!" Napaso ang dila labi ko.

"Tanga ka, kita mong umuusok hindi mo man lang hinipan muna." Inagaw nito sa akin ang kutsara at ang mangkok saka niya ito hinalo at hinipan para palamigin.

Inilapit nito ang kutsara sa bibig ko kaya hinipan ko muna ito bago higupin. "Ang init pa naman eh" reklamo ko nang pangatlong subo na nito sa akin. "Edi hipan mo, ako na nga itong nag-volunteer na pakainin ka imbis na si Papa ang naghatid nitong pagkain mo." Inirapan ako nito.

"Sinabi ko bang mag-volunteer ka?"

"Bobo ka ba? Kaya nga volunteer eh kasi hindi sinabihan, nagkusa. Parang 'di nag-grade two!" Kinaltukan ako nito.

"Eh bakit nangangaltok ka!" Kinurot ko ito sa hita.

"Gumaganti ka pa, ah!" Piningot nito ang ilong ko. "Aray ko, Kuya! Mama! Mama! Si Kuya Jay inaaway na naman ako." Tinakpan nito ang bibig ko. "Ikaw! 'Wag kang maingay kung hindi, sasabihin kong hard drinks ang ininom niyo ni Maicie, saka sasabihin kong nagtry kayong magyosi!"

"Hindi! Hindi ako mananahimik dahil isusumbong kita kay Papa na nakita kitang nakikipagmomol dun sa pangit na babae and excuse you hindi ako nagyosi kahit ipaamoy ko pa sayo itong bunganga ko." Kinagat ko ang braso niya. "Aray ko! Gago! Tigilan mo na, promise hindi ko sasabihin! Biro lang naman eh." Hinawakan ako nito sa ulo kaya tinigilan ko na ang pagkagat sa kanya.

"Pwe! Ang alat!" Sinamaan ako nito ng tingin.

Totoomg nakita ko itong may ka MOMOL pero wala naman talaga along balak na sabihin yun kina Papa, for me ano pang sense sa pagbar niya kung hindi maiiwasan ang ganung eksena, bina-blackmail ko lang talaga siya.

"Gago, ang sakit ng kagat mo. Kailangan ko na atang magpa-anti rabbies," sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan lang ako nito saka ipinagpatuloy ang pagpapakain sa kanya. Plastikado.

Tumayo siya dala ang pinagkainan ko. "Magligo ka bago bumaba. Dadating ang kaibigan ko."

"Anong pakialam ko sa kaibigan mo?!"

"Ayaw ko lang malaman niya na may kapatid akong bruha." Mabilis kong kinuha ang tsinelas ko at akmang ibabato ko na sa kanya ng mabilis siyang nakalabas. "Hindi pa rin ako maliligo! Bakit kasing gwapo niya ba si Park Sunghoon." Sigaw ko.

Muling bumukas ang pinto ng kwarto ko, "By the way, magtooth brush ka ng mabuti, ang baho ng hininga mo." Ibinato ko ng tuluyan ang tsinelas ko pero sa likod na lang ito ng pinto tumama.

Kahit kailan talaga ay mas gugustuhin ko pang maging only child, dahil sa sobrang bully niya sa akin. Wala kasing oras na lumilipas na hindi nya ako inaaway o kaya'y pipisilin ang pisngi. Pero ipinagpapasalamt ko na lang din na meron ang kuya na katulad niya kahit na gustong gusto ko siyang isumpa na magkapigsa sa puwit.

Inis akong bumangon at nagtungo sa wardrobe ko para kumuha ng damit dahil maliligo lang din naman ako. Nakasimangot akong pumasok sa banyo ko at ginawa ang shower routine ko.

Nang makababa ako ay naabutan kong nakaupo si Kuya sa salas. Pansin kong nakapanlakad ito, naisipan ko tuloy na sumama sa lakad niya. Pumunta ako ng kusina at naabutan kong nagkakape na naman si papa at mukhang nagpiprito ng ulam namin si mama.

"Naubos mo ba yung, ginawa kong sabaw sayo ni Kuya mo?" Tanong ni papa habang nagtitimpla ako ng gatas.

"Opo," hindi na ito umimik.

What Is Love?Where stories live. Discover now