Part 1

7.1K 133 20
                                    

If i given a chance to choose who i am, i would do so

gusto ko nalang na maging isang computer, yun bang wala akong ibang gagawin kundi ang mag cellphone

???

Iwan, kahit ako hindi ko masabi kung ano ba talaga ang gusto ko. Basta ang gusto ko lang ay nakaharap sa cellphone at books

hindi ako na bobored na gawin ang mga bagay sa totoong mundo, tinatamad lang talaga ko. Alam nyo yun? Yung wala kang gustong gawin at wala kang alam na gawin

i read many books but doesn't mean i'm a genius like others. Ang mga binabasa ko ay walang kabuluhan sa totoong mundo. I hate reading Science or history. Mas gusto ko yung mga fantasy na malayo sa katotohanan

kaya ito ako, maraming alam sa magics at kababalaghan pero walang alam sa katotohanan

Lagi nga nila akong sinasabihan na walang pake sa mundo. Totoo naman! Wala akong pakealam sa kanila

ok doon tayo sa reality ko

Alas sais na ng umaga at gising na ko. I mean matutulog palang hahaha

normal na sakin ang matulong ng ganyan ka aga-este ka late. Nakasanayan kona yan, marami naman seguro ang nakaka relate diba? Kaya hindi kona kailangang ipaliwanag ang dahilan

Bumangon na ko dahil tinatawag na ko ng kalikasan (naiihi). Habang naglalakad ako papunta sa CR ay bigla akong napaluhod at napahawak sa ulo ko

parang may pumutok doon

Napahiyaw nako sa sakit ng ulo ko, anong nangyari sa ulo ko???? Sh*t ang sakit. Parang binibitak

mas lalo lang ito sumasakit kapag naririnig ko ang mga sigawan sa paligid ko. Ang paningin ko ay umiikot na, nakita kopang may bumuhat sakin pero wala nakong  maramdaman sa katawan ko maliban sa ulo ko

pakiramdam ko nag e-echo ang buong mundo ko. Ito na yata ang kinalabasan ng pagpupuyat ko. Damn! Hindi na talaga ako magpupuyat basta maalis lang ang sakit na to

Hanggang sa hindi kona malabanan pa ang sakit ng ulo ko at tuluyan na akong bumigay
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Naramdaman ko nalang ang malakas na sampal sa pisngi ko. Parang nag echo ulit ang buong paligid ko. Hindi mona ako gumalaw at nagmulat ng mata, hinayaan ko munang bumawi ang katawan ko

nasa Ospital na yata ako. Pero tang*na lang, kailangan pa talaganga sampalin para magising ako? Ang sakit! Wala na bang ibang paraan??

"Kailan kapaba titigil sa kabaliwan mo?" Sigaw ng boses sa harap ko

ako ba ang sinisigawan nya? seguro si Papa na naman to. Sakit sa heart ahh, muntik na nga akong mamatay pero inuna nya pa ang pagsesermon nya

alam ko namang mali ang pagpupuyat ko gabi gabi pero hindi ba pwedeng ipagpaliban nya na muna yan? sinampal pa talaga ko

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa para makatakas sa galit nya. Pero napatigil din ako ng mapansing nakatayo pala ako

nakatayo?

Nagmulat ako ng mata at bumungad sakin ang malawak na.....garden?

"Hindi kona alam ang gagawin ko sayo Manilyn, hindi kona alam" saad ng lalaki sa harap ko. Nasa mid 40 yata sya at may itsura kahit matanda na. Nakahawak ito sa sentido nya na para bang dismayadong dismayado

(Tingin sa kaliwa)

(Tingin sa kanan)

(Tingin sa likod)

Wala....? So ako talaga ang pinagagalitan ng matandang lalaking to? Hindi ko sya kilala at mas lalong hindi ko alam kung anong ginawa ko para pagalitan nya ko

Pero sabi nya Manilyn

ehh? Ayle ang pangalan ko, as in letter L hindi Manilyn

napatitig ako sa suot suot ko ng mapansing mabigat ito. Naka red gown pala ako tapos ang ganda, para akong Rarampa sa Miss Universe. Napatingin naman ako sa suot ng kaharap ko, nakasuot sya ng parang Royalty sa Anime. Kahit ang mga tao sa paligid namin ay naka gown din ang mga babae tapos ang mga lalaki ay kagayan ng nasa harap ko

nakatingin silang lahat samin, na para bang nanonood ng palabas pero ang ikinalaglag ng panga ko ay ang mga kagandahan at kagwapuhang taglay nila

"Sa susunod na saktan mo pa ang kapatid mo ay kakalimutan konang anak kita" sabi ulit ng lalaki sa harap ko bago sya tumalikod at naglakad paalis

"Eh?" Napakamot ako sa kilay ko dahil sa kalituhan. Kailan pako naging anak ng lalaking yun?

Hindi pako nakakabawi sa pagkalito ng bigla nalang may humawak sa pulsuhan ko ng mahigpit. marahas ako nitong pinaharap sa kanya

bumungad sakin ang napakagwapong lalaki. Tang*na! Saang lupalop ng Earth ako napunta at bakit napakagwapo ng lalaki sa harap ko ngayon? Shock!

Tinalo nya pa si Jungkook. Pero syempre hindi ako nagpahalata na namangha ako sa kapogian nya

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Mahirap bang intindihin na hindi kita gusto? Tumigil kan, kahit anong gawin mo hinding hindi ako magkakagusto sa katulad mo kaya tigilan mona si Shane" galit nitong sabi. Ang kilay nya ay salubong na salubong tapos ang mata nya ay pulang pula na

Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa pulsuhan ko dahil nasasaktan nako

"Sorry na ok? Promise hindi kona uulitin" saad ko nalang para bitawan na nya ko

hindi kopa alam kung ano ba talaga ang nangyayari, basta sasakyan kona lang muna sila

"Hindi na uulitin?" Sarcastic nyang tanong "ano ako tanga? Tandaan mo to sa oras na nakita pa ulit kita, hindi nako magdadalawang isip na ipapatay ka sa Ama ko" pagbabanta nya habang dinuduro duro pa ako. Pabato nyang binitawan ang kamay ko bago tumalikod

tang*nang lalaking yun ahh, nananakit ng babae! Nakaka turn-off

ano bang problema nila sakin?????

Bago pang may makalapit na naman sakin ay dali dali nakong umalis doon. Hindi kona alam kung saan ako pupunta kasi masyadong malawak ang Garden na to tapos ang gaganda ng mga bulaklak, para akong nasa paraiso. may mga nagliliparang paro-paro na kay ganda. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganito

well, dalawa pa lang naman ang nakikita kong paro-paro, yun ay ang kulay yello at white-black

napadpad ako sa isang puno na kulay orange ang dahon. Doon ako nagtago para wala ng makakita sakin, buti nalang walang tao dito

napaupo ako at napasandal sa puno

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa sarili ko

Hinawakan ko ang mukha ko. Ang kinis ahh! Sa pagkakatanda ko kasi ay ang dami kong pimples. Napatitig ako sa dalawa kong kamay

ang puti at ang kinis, walang kabalahibo-balahibo. Tapos lumiit din sya hindi katulad ng dati na dinaig ko pa ang kamay ng lalaki

napansin ko rin ang mahaba at naka ponytail kong buhok. Ang tunay kong buhok ay hanggang balikat lang tapos hindi kasing smooth nito

Anong nangyayari sakin?

bakit nag-iba ang itsura ko at ang mga nasa paligid ko? Nag level up naba ang mundo tapos nakalimutan ko ang mga bagong ala-ala ko O Napunta bako sa ibang katawan?

Ang huling naalala ko ay ang pag collapse ko ng papunta sa banyo. If i'm not mistake, pumutok ang ugat ko sa ulo

Nagpagulong gulong nako sa damo dahil sa sobrang pagka frustrate. Napahinto lang ako sa paggulong ng mapagod ako, nakaharap ako sa lupa pero ok lang. Hindi naman ito madumi at mabaho, pwede ngang tulugan eh

Mamaya kona problemahin ang nangyayari sa buhay ko. I need a break!

Quest For Love #1 (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora