CHAPTER 2

592 14 0
                                    

Nang maihatid na nya ako sa baryo ng buyong maribugao sa tapat ng kumbento ay bumaba ang driver ng sasakyan at kumatok sa malaking harang na pinto na gawa sa kahoy. Ilang sandali pa ay bumukas ito kaya dali-dali ring ang paglabas ko ng sasakyan. Ngumiti ang madre sa driver syaka napatingin sa akin. Nahihiya naman akong napayuko ng ulo.

"Sige na Fernan ihatid mona ang mga gamit ng binibini sa kanyang magiging silid." Utos nito at dali-dali namang sinunod ni kuya fernan. Nagpasalamat muna ko kay kuya fernan bago tumingin kay mother.

"M-magandang hapon po mother..." Ngumiti sya saka inilahad ang kamay "I'm Mother Synthia, ikaw si Ivana Valdez hindi ba?" Tanong nito tumango ako. "Ayy! Halika pumasok kana, pasensya na at nakalimutan kitang imbitahang pumasok masyado kasing nakaka bighani ang iyong ganda. ija sigurado kana bang mag mamadre ka?" Tanong nito. Tumango ako at nguniti "Opo, mother Synthia. nais ko pong maging isang madre." Seryoso kong sabi ngumiti naman sya at tumango-tango. "Marahil ay napagod ka sa haba ng iyong binyahe. Mag pahinga kana muna at papatawag nalang kita kung mag hahapunan na" Tango lang ang isinagot ko. "Stella!" Tawag ni mother sa isa pang babae nasa tingin ko ay nasa mid 40's na yumuko ito at ngumiti kay mother pagkatapos ay saakin ganun din naman ako. "Ako si Stella De jesus ikinagagalak kong makilala ka Ivana kay gandang binibini." Naka ngiting wika nya "Ako po si Ivana Valdez."

"O sya sister stell ihatid mona sa kwarto nya si Ivory para makapag pahinga sya, tawagin nalang mamayang hapunan. Mauuna na ako sa inyo." Naka ngiting paalam ni Mother Synthia.

Naihatid na ako ni sister stella sa bago kong kwarto malaki ito at may veranda parang bahay nung 90's maaliwalas tinginan may puting kurtina na hinahangin may mga halaman sa gilid ng veranda at iilan sa loob ng kwarto. May c.r din at yung higaan nya ay queen size bed at may parang kulambo pa sa itaas at kurtina sa magkabilang gilid. Malambot ang kama at mabango at may chandelier.

Her Lustful Body Where stories live. Discover now