CHAPTER 1

23 14 1
                                    

Red bodycon short dress, cut out heels, dark red lipstick, and hair down hairstyle. Nothing changed, ganito parin, nasa bar padin. It's already 8:30 in the evening kakagaling ko lang sa school pero hindi ako kagaya ng ibang studyante na pagka uwi ay magpapahinga na. Kailangan kong kumayod para sa sarili ko, para sa kinabukasan ko.

Hindi makatarungan ang trabaho ko pero wala akong magagawa dahil dito malaki ang kinikita ko. Hindi naman ako gaya ng iba na nag tra trabaho sa bar na kung ano-ano na lang ang ginagawa, sumasayaw lang ako sa dance floor at minsan umuupo sa mga tables. Pag uupo sa tables mas malaki ang kikitain dahil may tip pero pag sa dance floor lang ay katamtaman lang.

Hindi lang para sakin ang sinasahod ko kundi pati rin sa tita at mama ko nag nag palaki at nag aruga saakin. Mas marami ang binibigay ko kila mama kaysa sa itinitira ko para sakin, kung hindi naman kung ano-ano nanaman ang sasabihin nila sakin.

Habang nag sasayaw ako sa dance floor, lumapit sakin si Tyang Lucy tsaka siya bumulong saakin.

"Doon ka sa table 59, yung lalaking naka t-shirt ng black." bulong ni Tyang Lucy

Bumaba na agad ako sa dance floor tsaka tumungo sa table 59. Nag aalinlangan pa akong umupo sa tabi nung lalaki pero siya na ang nag adjust, tinawag niya 'ko.

Umupo nalang ako doon kahit hindi komportable, mas komportable pa ako pag sumasayaw kaysa sa nag te-table pero di ako makaka tanggi rito. Habang nag uusap ang mga kasama niya, siya naman ay may binubulog saakin na sinasagutan ko na lang din kahit alam kong nabo boring na siya saakin.

"You're so young for this work" sabi niya

"Walang choice e, eto lang ang alam kong paraan para makapag ipon" ani ko

"Nag aaral kapa?" tanong niya habang naka pulupot na ngayon ang kamay niya sa baywang ko, sinagot ko lang ang mga tanong niya hanggang sa binigyan na niya ako ng tip tsaka pina alis na sa table nila.

Bumalik na ako sa dance floor para sumayaw na ulit, may mga lumalapit naman saakin para bigyan ako ng pera. Ilang oras lang ako doon. Pag sapit ng alas tres ng madaling araw ay kinuha ko na ang mga gamit ko tsaka lumabas.

Umuwi na ako dahil kaylangan ko pang mag review dahil may exam pa kami bukas, nasa fourth year college na ako ngayon sa kursong Bachelor of Aviation, balak ko sanang mag piloto pero alam ko namang malabo yun at isa yun sa pinaka mataas na pangarap ko dahil sa tuition palang para sa pag aaral sa pagiging piloto ay hindi ko na afford.

Balak kong mag ipon para mag flight attendant muna tsaka ako mag pi piloto pag financially okay na ako.

Pagkauwi ko, nasa sala pa sila tita at mama nag iinuman. Lumapit ako sakanila tsaka binigay ang kalahati sa kinita ko.

"Eto lang? Di panga yata to kasya para bukas e!" reklamo ni tita

"Wala ka nabang ma i dadagdag dito?" tanong naman ni mama

"E, yan lang po muna ang maibibigay ko ngayon e" sagot ko sakanila.

Ganito sila palagi, kada mag bibigay ako mag rereklamo sila kung bakit yun lang daw ang naibibigay ko. Kahit naman mag reklamo sila, hindi ko naman pwedeng ibigay lahat ng nasahod ko.

Umakyat na muna ako sa munting kwarto ko para maka pag review na pero inilabas ko muna ang binili ko sa labas kanina na pansit. Buti nalang tinago ko sa bago, paniguradong ku kunin nila mama yun pag nakita nila lalo na nag iinuman sila ngayon.

Naiilang ako dahil parang may naka tingin saakin mula sa labas pero pag tumitingin ako don ay wala namang tao, siguro guni guni ko lang kaya hindi ko nalang pinansin hanggang sa hindi ko namalayan na naka tulog ako habang nag babasa.

Mabilis lang ang araw at hapon na ng byernes ngayon, nag lalakad ako papunta sa parkingan ng tryci kung saan ang sakayan. Parang may sumusunod saakin kaya binilisan ko ang pag lakad ko, ilang linggo na ang naka lipas mula noong nakaka ramdam ako na may sumusunod o nakatingin saakin pero diko yun pina pansin dahil baka dahil lang yun sa laging wala akong maayos na tulog.

"Sa club ka ulit ngayon Rae?" tanong ni Mang Dany, siya ang tricycle driver na laging nag hahatid sundo saakin mula bata pa ako. Para na siyang tatay saakin dahil may mga time na kung may problema ako sakanya ako lumalapit, minsan binibigyan niya rin ako ng pera.

"Hindi po, sa bahay po muna ako" mahin hing sagot ko. Anong oras palang naman siguro mag papahingan nalang muna ako, buti nalang maaga kami natapos sa school minsan kasi nag o-overtime kami.

Habang papunta kami si babay, naki pag kwentuhan muna saakin si Mang Dany tungkol sa mga bagay bagay.

"E, bakit pa kasi sa bar ka nag ta trabaho e marami naman sanang ibang trabaho jan" tanong ni mang Dany

"Si mama naman po nag pasok saakin dun nakakahiya naman kung tumanggi ako sakanya, tsaka okay lang naman po ako dun hindi naman po ganon kalaswa ang trabaho ko doon" sagot ko

"Pwede namang sa café ka mag trabaho o sa fast food chain diba, ang dami dami kayang iba jan" dagdag pa niya

Pwede naman, tsaka yun din ang balak ko. Mag work sa coffee shop. Actually nag a apply na ko for afternoon ship kahit alas tres hanggang alas singko lang dahil kadalasan wala kaming teacher o wala na kaming pasok sa mga oras na yun.

Noong nakauwi na ako sa bahay nilagay ko muna sa kwarto ko ang mga gamit ko tsaka nag bihis pambahay at nag saing narin. Ako lang ang tao ngayon dito kaya nag tambay lang ako sa sala at nag cellphone.

Nagising ako sa sigaw ni mama, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Bakit nandito ka?! Hindi ba dapat nag ta trabaho ka ngayon?!"galit na tanong ni mama saakin

Mag a-alas otso na pala, napasarap yata ako ng tulog.

"Mag bihis ka na ron para maka alis kana!" bulyaw ni mama sakin

Pumunta na kaagad ako sa kwarto ko tsaka nag bihis. Ayaw ko pa sanang mag trabaho ngayon dahil nararamdaman ko pa ang pagod na katawan ko pero wala naman akong magagawa. Kung hindi ako mag ta trabaho ngayon hindi nila ako papakainin at papa-pasukin dito sa bahay.

This house don't feel like a home since then. This supposed to be my comfort place but ended up being the first place where i was traumatized. I wonder what it feels to have a home, a place where i wish i would be free. This is supposed to be the place where i can feel safe, secured, love and worth to fight for.

How can a mother destroy her own childs life? I can say that my mother destroyed my life. Fourteen years old lang ako noong pag trabahuin niya ako sa bar, fourteen. Imagine how hard my life is? Hindi ko pa alam noon na mali ang trabaho ko dahil naka home schooling ako noon, tsaka ko lang nalaman noong collage na ako at binu-bully na ako ng mga ka school-mates ko. Wala naman akong magagawa, di 'ko rin naman maita-tanggi.

Well i still respect my mom. Malaki ang utang na loob ko sakanya kaya ganon nalang ang pag sunod ko sakanya.

✦-----------------------------------------------------------------paraiso.

Save Me, Sir!Where stories live. Discover now