Chapter 2

15 13 0
                                    

"Ako naman mamayang gabi Rae!" sigaw ni Jacob habang nag lalakad ako sa hallway papasok sa classroom.

Totoo nga yatang mabilis ang araw, lunes nanaman at nandito nanaman ako sa unibersidad.

"Chiaraela, meet up mayang gabi" si Kyle

"Rae, sayaw ka nga!" si Miles. Nakakarindi.

Ang lalakas ng loob maa-asim naman. As usual pag pasok ko nandito agad ang mga kina-iinisan ko. Dumeretso nalang ako sa upuan ko para manahimik pero may katabi naman akong maingay.

"Hoy! Alam mo ba yung sinasabi ko noon na babae?" bungad na pag chi-chika ni Yara.

"Be na jontis na" si Sienna. Sa gitna nila ako, tig apat ang upuan namin sa tabi ni Yara ay si Yuvan.

Since freshmen sila na ang naging kaibigan ko pero ngayong fourth year lang ako naging close sakanila.

"Hindi papasok si Yuvan ngayon?" bigla kong tanong nang mapansing wala siya

"ay?? bat mo hinahanap? crush m-" hindi natuloy ni Sienna ang sasabihin dahil biglang may nag salita

"Ano nama ang rason para di ako pumasok" pa cool na sabi ni Yuvan

"Parang may malandi somewhere" pag paparinig ni Kendra sa kabilang row. Yung upuan namin ay nahati sa dalawang row para may daanan sa gitna.

"ay, sorry nandiyan ka pala Rae diko napansin" maarteng dugtong niya. Kahit di inaano nang aano.

Diko nalang pinansin yun pero mas papalalain nanaman nilang mag kakaibigan to.

"Anong feeling ng pagiging pokpok Chiaraela" pang aasar ni Amber

"Edi itanong mo sa sarili mo, gawain mo yan e" sabat ni Sienna. Well, si Sienna ang laging pumapalag sa mga ganitong eksena.

"What are you talking about?" nakita ko ang pagiginig at biglang pag iba nang galaw ni Amber. Nakakapagtaka, bakit ganito siya mag react?

"Bakit akala mo ba hindi ko alam na lumalabas ka tuwing gabi ay nakikipag-" hindi na natuloy ni Sienna ang kanyang sasabihin. Nagulat nalang kami ng bigla silang mag sabunutan.

Tinulungan ni Kendra si Amber sa pag sabunot kay Sienna kaya tumayo na si Yara para sabunutan din si Kendra. Ang isa pang kaibigan nila na si Bianca ay hindi na alam ang gagawin.

"Sienna, Yara! Tama na yan!" Sigaw ko sakanila pero hindi sila tumigil.

Linapitan ko na si Yara dahil nakaka awa na ang mukha ni Kendra habang si Yuvan naman ay inawat na si Sienna, hinawakan niya si Sienna at si Mike naman ang humawak kay Amber.

Noong nagkahiwa-hiwalay na sila si Kendra ay naka upo na sa sahig habang naka tayo na ang tatlo

"Oh ano? Natamaan ka?!" Maangas na sabi ni Sienna

"That's not true! That's fucking disgusting! Hindi ko gawain ang gawain ng kaibigan mo!" galit sigaw ni Amber

Sinusuway ko na si Sienna pero hindi siya nag paawat hanggang sa principal na ang pumasok sa classroom. Hindi lang ang principal ang pumasok, may kasama pa siyang mga kasama.

"What's happening here?!" galit na sigaw ng Professor namin

"Look prof! They spread lies! Sinabihan nila akong pokpok, tapos gabi gabi pa raw akong lumalabas kahit hindi naman!" saad ni Amber

Save Me, Sir!Where stories live. Discover now