Behind Those Glasses [3]

4K 258 14
                                    

[3]


"Sorry."

Naaalala niya pa kaya? Yan ang unang salitang sinabi niya sa akin.

Isang salita lang yan, pero napakamemorable sa akin. Naaalala ko pa noon, kilig na kilig ako nung sinabi niya sa akin ang mga katagang yan. Syempre, crush ko na siya nun eh.

Tandang tanda ko pa noong una kaming magkausap.

Naglalakad ako papuntang canteen noon. Tinext ako ni Alicia kung nasaang table sila. Nagmamadali akong naglalakad dahil syempre, gutom na kaya ako.

*BOOOGSH!

Napaupo ako nang may makabunggo sa akin. Nahulog pa yung panyo ko, favorite ko pa naman yun. Shet naman oh. >___<

"Ano ba-!" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino yung nakabunggo sa akin.

"Ay sorry miss. Sorry talaga." sabi nito at nilahad ang kamay niya para tulungan ako tumayo. Kinuha ko naman ito, syempre aarte pa ba ako?

"Sorry talaga." inabot niya rin sa akin yung nahulog kong panyo at ngumiti siya. This time, para sa akin na talaga yung ngiti niya.

"A-Ah ehh.. o-okay lang." kinuha ko yung panyo at nginitian ko din siya kahit aware ako na namumula ako.


"Sige, I better get going. Sorry ulit." sabi nito at tumalikod na.

Pero di ko makakalimutan ang huling sinabi niya.

"See you around Sena." sabi nito at naglakad palayo.


Nanlaki yung mata ko. Kilala niya ako?

Teka, ano nga bang nakakagulat doon? Eh magkaklase naman kayo. Boplaks ka talaga Sena. Ikaw nga pati favorite color niya alam mo eh.

Pero di ko namamalayang napangiti na pala ako. Akala ko kasi invisible na ako sa kanya ehh.

Tiningnan ko ulit yung panyo ko. I placed it on my chest and sighed.

Pero di ko akalain na sa susunod na maririnig ko yung mga katagang yun ay masasaktan ako.

"Mahal kita! Mahal na mahal! Pero ang tanga ko dahil nagmahal ako ng taong may mahal ng iba! Pero hindi naman masamang magmahal ng taong may mahal nang iba, di ba?"

A tear escaped from my eye.

"Yun nga lang, masakit."

Hindi siya makapagsalita. Halatang gulat na gulat siya sa bigla kong pag-amin. Sino ba namang hindi magugulat kapag nalaman mong mahal ka ng bestfriend ng nililigawan mo?

Tama, nililigawan na niya si Alicia. At hindi malabong sagutin siya nito.

"S-Sena..." napaangat ang ulo ko ng tawagin niya ang pangalan ko. Kung dati kinikilig ako, ngayon mas nasasaktan ako.

I looked directly in his eyes and I can clearly see how he looks at me even behind those glasses. He looks at me with.... pity.

Awa na lang ba talaga ang mararamdaman mo para sa akin?

"Sorry..." halos pabulong na sabi niya, pero rinig na rinig ko.

 I smiled at him, though it hurts to do so.

The next thing I knew, tumakbo na ako palabas ng classroom. Di ko alam kung saan ako pupunta, basta patuloy lang na tumatakbo ang mga paa ko. Muntik na nga akong madapa dahil sa panlalabo ng mata ko sanhi ng mga luha kong ayaw tumigil sa pag-agos.

Sorry? Hanggang sorry na lang ba tayo?

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon