Behind Those Glasses [1]

6.3K 319 34
                                    

[1]


“Haaay.” di ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na yun. Ang alam ko lang, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil hanggang tingin lang ako. Tingin sa malayo.

Kailan niya kaya ako titingnan katulad ng pagtingin ko sa kanya? Kailan niya kaya ako mapapansin?

May malaking invisible board sa ulo ko na nagsasabing, “PANSININ MO AKO, PLEASE?”. Pero malas lang, di niya makita.

Pero invisible nga di ba? Paano niya makikita. Hahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Ganto pala ang epekto ng lalaking yun. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Too bad, wala akong epekto sa kanya.

And it sucks, really.

Di naman ito ang unang beses na magkagusto ako sa di ako gusto. Pero kahit ilang beses mangyari yun, di ko maitatanggi.. MASAKIT. Sobra.

Alam mo yung feeling na para kang sinasaksak tuwing nakikita mo silang magkasama?

Tuwing bigla na lang maeechapwera ang pagkahaba-haba mong text na pinag-isipan mo at pinagtyagaang itype para sa kanya?

Yung feeling na kahit kailang alam mong di niya maibabalik ang tingin mo sa kanya.

Na kahit gaano siya kalapit ay parang anlayo pa rin niya?

Ang hirap niyang abutin. Ang lapit niya pero ang layo pa rin.

“Haay.” pagbubuntong hininga ko ulit. Nandito nga pala ako sa classroom habang nakapangalumbaba. At syempre, nakatingin sa kanya.

Nakakainis! Kahit ilang beses ko nang gusting bumitaw sa nararamdaman ko sa kanya, tuwing nakikita ko siya, biglang bumabalik.

Kahit ilang beses kong ipagpilitan na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

Kasi gusto ko siya, sobra,

“Sena!” napatigil ako sa pagmuni-muni ko nang may tumawag sa akin.

Nilingon ko ito. Pero di lang pala ako ang napatingin. Pati rin pala siya.

Siya na palagi kong iniisip. Siya na tinitingnan ko ng palihim. Siya na di ko maabot.

Siya na gusto ko.

Siya na may gusto sa iba.

Siya na gusto ng bestfriend ko.

Siya na may gusto din sa bestfriend ko.

Ouch.

“O, Alicia.” Sabi ko at nginitian siya.

“Bili tayo!” yaya nito.

“Ha? Ah, sige. Teka, kunin ko lang wallet ko sa bag ko.” Sagot ko.

Nang makuha ko na, lumabas na kami.

Pero bago yun, nakita ko pa siyang nakatingin sa amin.

Ay teka, ang assuming ko. Kay Alicia lang pala.

Even behind those glasses, I can clearly see that he’s looking at her..

.. the same way I want him to look at me.

Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon