Kabanata 4 : Secret Dates

278 32 4
                                    


Kabanata 4 : Secret Dates

Cliff Top, Batangas City


"Ang ganda naman dito." sabi ni Yeixia habang nakatanaw sa baba ng Cliff.

"Malamig." sabi ni Aidan.

"Oo nga." sabi ni Yeixia na kanina pa naaaliw sa paligid. Tahimik kasi ang lugar, nakakarelax, isama pa na malamig at sariwa ang hangin sa lugar na iyon. Malayo sa siyudad, o kahit sa probinsiya nila na marami ng tao at maingay na.

Nasa ganoong sitwasyon si Yeixia habang nakadungaw ng mapapitlag ito ng maramdaman ang pagdantay ng tela sa likuran niya


"Malamig na."
sabi ni Aidan na ikinatingin ni Yeixia sa binata pero nagulat ang dalaga ng inilalagay ng maayos ng amo niya ang amerikana nito sa kanya.

"Uyyy! Bakit mo ako nilalagyan nito?" sabi ni Yeixia sabay iwas kay Aidan kaya nalaglag ang amerikana nito.

"Malamig kaya nilalagyan kita." sabi ni Aidan na ikinatitig ni Yeixia sa binata.


"Ayos ito ha, may gentleman pa pala ngayon kahit sa pangit."
sabi ni Yeixia sa isip.

Seryosong pinulot ni Aidan ang amerikana nito at inilagay iyon payakap sa likuran ni Yeixia.


"Sir, lasing ka ba?"
tanong ni Yeixia na ikinailing ni Aidan.

"Hindi." sabi ni Aidan.

"Hindi ka naiilang o kaya naiinis sa sarili mo?" sabi ni Yeixia.

"Hindi naman." sabi ni Aidan.


"Wala ka bang magawa sa buhay mo?"
sabi ni Yeixia.

"Meron naman." sabi ni Aidan.

"Sa pera mo may sobra at pinoproblema mo kung paano gastusin?" sabi niYeixia.

"Hindi rin." sabi ni Aidan.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?"sabi ni Yeixia.

"Hindi." sagot uli ni Aidan.

Hindi umimik si Yeixia pero nagtataka siya sa kilos ng amo niya.

"Masama ba ang ginagawa ko?" sabi ni Aidan na ikinakunot noo ni Yeixia.

"Ikaw, anong tingin mo?" sabi ni Yeixia

"Hindi." seryosong sabi ni Aidan ng biglang mapayuko ito na ikinasunod ng tingin ni Yeixia.

Nagulat si Yeixia ng biglang bahagyang umupo si Aidan at inayos ng binata ang sintas ng sapatos ng dalaga na kakaiba. Nakasuot kasi si Yeixia ng blackshoes pero old style iyong may sintas na parang noong unang panahon pa ang style.

"Uyy." sabi ni Yeixia ng makabawi sa gulat.

"Baka madapa ka." sabi ni Aidan sabay sinintas ang sapatos ni Yeixia.

"Uyyy! Ano ba?" gulat at di makapaniwalang sabi ni Yeixia at sa gulat nito napaatras ito at bahagyang nasipa nito ang mukha ni Aidan.

"Ouch." sabi ni Aidan ng matamaan ang mukha niya, na agad na hinaplos ng binata.

"Tsss. Sorry Sir." sabi ni Yeixia na sa unang pagkakataon mauutal at wala yata siyang ibang masasabi sa kakaibang ugali ng amo niya.

Hindi umimik si Aidan, na ikinagulat lalo ni Yeixia ng sundan ni Aidan ang sapatos niya at sintasin ito.

Operation: Be My Husband Gen 4 Book#8 : Aidan & Yeixia ( Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora