Kabanata 5 : Pagtanggi

216 30 3
                                    

Kabanata 5 : Pagtanggi

Kinabukasan


Ang lahat ay nakatutok sa kani-kanilang trabaho, sa maingay ang abalang siyudad na iyon ng Makati. Pero sa gusali ng Luna Tower nakahanay ang mga tauhan sa Security Department para sa isang kaganapan na hindi alam ni Yeixia.

"Nandiyan na siya." senyas ng head ng Security na ikinahanay ng mga empleyado.

Napatingin naman si Yeixia sa mga kasamahan dahil tila mga sundalo ang mga ito na humanay habang siya nasa gilid lang at walang kamuwang-muwang sa nagaganap. First time niya kasi binababa mula sa 35th Floor na ruta niya. Tuwing umaga kasi kapag papasok siya deretso siya sa nakadestinong lugar niya. Puwera ngayon dahil lahat ng guard pinatawag kabilang siya.

"Uy, umayos ka na." mahinang sabi ni Amore kay Yeixia na noo'y nakatunganga lang na tila tsismosa lang na nakikiusyoso.

"Maayos ako." sabi ni Yeixia na bahagya pang sinipat ang sarili. Nakasuot naman kasi siya ng uniporme, malinis, maganda at plantsado. Maayos din naman ang ayos niya kasi lahat ng mga babaeng guard nakaponytail ang buhok. Wala silang make up na suot... iyon nga lang alam niyang oily ang mukha niya.

"Aissst! Hindi iyan damit mo kundi ang pagtayo mo." bulong ni Amore.


"Anong problema sa pagtayo ko?"
sabi ni Yeixia

"Shhh! Manahimik kayo kasi pababa na." bulong ni Fatima sa dalawang kaibigan.

Hindi na umimik sila Amore, samantalang si Yeixia napatingin sa kotseng huminto sa harap ng entrance ng gusali.

"Okay ha. May nagaganap pala talagang ganito." sabi ni Yeixia sa isip. Pakiramdam niya kasi nanonood siya ng telenovela. Sa malaking entrada ng gusali nakahanay ang lahat ng empleyado, at sa paghinto ng magarang kotse kasama nitong huminto ang ibang kotse at mula doon bumaba ang mga naglalakihang lalaki na tila bouncer.

"Hahaha! Paepal naman, ang OA." natawang sabi ni Yeixia na ikinatingin ng mga kasamahan iya sa kanya.


"Shhh. Manahimik ka."
sabi ni Marjo na ikinangiti lang ni Yeixia.

"Kaka k-drama niyo iyan, siguro pati iyong sakay ng kotse adik sa kakanood. Hahaha!" sabi ni Yeixia na natawa pa.

"Shhh. Sabi ng tumigil ka." sabi ni Amore na tila walang alam si Yeixia kung sino ang sakay ng kotse.

"Kapag guwapo ang sakay niyan at bumaba, tiyak isa itong malaking production film. Hahaha!" natawang sabi ni Yeixia.

"Yuko." biglang sabi ni Fatima na ikinayuko ng mga kasama nila pero hindi si Yeixia.

"Wow! May pagyuko, ang corny." sabi ni Yeixia na ikinatingin ni Amore dito.

"Yumuko ka." sabi ni Amore sabay hawak sa ulo ni Yeixia at pilit itong pinayuko.

"Aissst!" inis na sabi ni Yeixia dahil sa lahat ng ayaw niya nangangapa siya. Wala naman kasi nagsabi sa kanya kung anong nagaganap.

"Shhhh. Baka makita ka." sabi ni Marjo kay Yeixia.

Hindi pinansin ni Yeixia si Marjo dahil napatingin na ito sa pagbukas ng kotse.

Yumuko na si Marjo at hinayaan na si Yeixia sa kakulitan nito.

Sa pagtingin naman ni Yeixia tila slow motion na bumaba ang lalaki mula sa sasakyan. Unang nakita ni Yeixia ang magarang sapatos ng kung sinong lalaki. Ang dulo ng pantalon papunta sa hita, at unti-unting nababanaag ng lahat ang paglabas ng sakay ng kotse.

Operation: Be My Husband Gen 4 Book#8 : Aidan & Yeixia ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon