1ST.ONE - 142.

11 2 0
                                    

1ST.ONE - 142.

Bumaba mula sa kaniyang kotse si Ace nang marating ang bahay ni Mister Choi. Bago tuluyang mag-doorbell ay nakita niya ang isang nakaparadang puting kotse. Muli siyang humarap sa gate at bago pa mapindot ang doorbell ay kusang bumukas ang gate. Nakita niya ang ginoo.

"Sino po ang naghihintay sa'kin?" kaagad niyang tanong.

Binuksan din ng ginoo ang malaking gate at sumenyas. "Bring your car inside first then we'll talk in the the living area. Dalawa silang naghihintay sa'yo." Tuluyan itong tumalikod at naglakad papasok ng bahay.

Bumalik sa kaniyang kotse ang binata at nagmaneho papasok. Nang tuluyang makaparada ay kaagad siyang bumaba at isinara ang malaking gate maging iyong maliit. Naglakad siya papasok ng bahay at dumiretso sa living area. Marami ang naroon. Naroon ang ilan sa kaniyang mga kaibigan. Naroon din sina Jodie at Ging. Sa tabi ni Mister Choi ay may babae at lalaki na parehong nakasuot ng damit pangdoktor.

Namilog ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya, pamilyar ang mukha ng babae. Napalingon ang lahat sa kaniya nang hindi namalayang nalaglag ang hawak niyang susi ng kotse. Kaagad niya iyong pinulot at inilagay sa bulsa ng kaniyang skinny jeans.

"Why looking at me like that?" tanong niya. "What's this about?"

"May gusto silang sabihin sa'yo." Inakbayan ni Mister Choi ang binata at ngumiti. "Narito ang mga kaibigan mo dahil nakita daw nila si Sebin."

"Huh? Paano nangyari 'yon? Buhay nga talaga siya?"

"Nagkaroon kami ng medical mission last month and we saw a body near the sea," sabi ng babae at may ibinigay na litrato sa kaniya. "Siya ba ang sinasabi nilang si Sebin?"

"I-it's him," aniya. "Buhay nga siya."

"Nakita namin ang cellphone niya at dito kami nakarating sa bahay na ito dahil sa location na naka-save dito. Kasama namin siya ngayon at ibabalik na namin siya sa inyo tutal kayo ang binaggit niya sa'min," sabi ng lalaki at ibinigay ang isang cellphone.

"Kung gano'n, nasa'n siya ngayon?" Iginala ni Ace ang paningin. "Nasa'n si Sebin?"

"He's physically alright but there's a problem." Muling namilog ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ng babae. "He's diagnosed with a selective amnesia and there's no specific time bago siya makaalalang muli."

"May I know who are you and your companion? Thank you for bringing Sebin back to us."

"I'm Dra. Vina Salazar and this is my husband, Dr. Ruel. Nalaman lang namin na malapit pala si Sebin kay Mister Choi dahil sa nakwento ng husband ko ang tungkol sa kaniya. My husband and Mister Choi are colligues."

"Malapit nga si Sebin kay Mister Choi. By the way, naaalala ko sa'yo ang kapatid ko. She wants to be a doctor but it didn't happen."

"May I know why?"

"She passed away. I visited here grave before going here." Naglahad ng kamay ang binata at ngumiti. "Again, thank you. Thank you for bringing Sebin back to us. Malaking bagay 'to para sa'min."

"You're welcome, Mister Librea. Naaalala kong ikaw ang una niyang binaggit sa'min bago si Mister Choi." Nakipagkamay din siya sa lalaking iyon. "We'll go now."

"Gusto ko ulit magpasalamat dahil sa tulong niyo. Kayo ang nakakita, nag-alaga at nagbalik sa kaniya sa'min," sabi ni Mister Choi.

"Walang anuman, Mister Choi. Ang mahalaga ay nahanap niyo na ang hinahanap ninyo."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang