Special Chapter 3: Bella's View

128 3 6
                                    

Third Person's POV

"Mama?"

A little girl called her mother who is busy doing her work. Nasa office nito ang kanyang ina, may nga hawak na mga papeles. Halata sa mukha nito ang pagod at namomroblema.

Napalingon siya sa walong taong gulang na anak nang tawagin siya nito. Agad niyang binitawan ang hawak na papeles at saka lumapit sa anak na inosenteng nakatitig sa kanya.

"Need something, sweetheart?"

"Where's papa?"

"Ahm...your papa is busy on his work, Bellatrix. " Sagot ng kanyang ina habang hinahaplos ang kanyang mahabang buhok.

"Kailan po siya uuwi, mama?" She asked again with innocent eyes.

"Hindi ko alam, anak. Pero sigurado naman akong uuwi ang papa mo sa atin."

Mahigit isang buwan nang hindi umuuwi ang ama niya at nangungulila na siya rito. Na nangungulila siya sa atensyon at pagmamahal ng kanyang ama.

"I miss papa already," ssabi nito na naluluha na ang mata.

Agad siyang inalo ng ina para hindi tuluyang umiyak.

"Alam mo naman ang trabaho ng papa mo,hindi ba?"tanong ng kanyang ina at agad naman siyang tumango.

"He's protecting the Princess,"aniya.

"And without your papa, no one's gonna protect the princess. You know how important the princess is, right?"

"Yes po...but how about me? Am I not important to daddy? It is because I'm not a Princess?" Naiiyak nang tuluyang ang batang babae.

Hindi nakapagsalita ang kanyang ina. Natahimik ito at hindi malaman ang isasagot. Sa huli ay niyakap na lang niya ang anak at inalo.

" Oh, here you are."

Pareho silang napalingon sa pinto nang May magsakita roon. Ang kanyang papa. Naroon ito sa pinto, may hawak na paper bag at bugkos ng bulaklak.

"Why are you crying?" Takang tanong ng kanyang ama ng makitang umiiyak siya.

"Papa," naiiyak siyang lumapit sa ama.

Binitawan naman ng kanyang ama ang mga dala at lumuhod para salubungin ng yakap ang umiiyak na anak.

"Hey, what's wrong? May masakit ba?" Mahinahon at nag-aalalang tanong ng kanyang ama.

Umiling ang batang babae at mas lalong umiyak.

"I miss you papa." Aniyang umiiyak.

Humigpit ang yakap sa kanya ng kanyang ama. Hinaplos- haplos din nito ang mahaba niyang buhok.

"Shhh, I'm here. Stop crying." Pagpapatahan niya sa anak.

"Until when?"

Nagulat siya at hindi inaasahan ang tanong ng sarili niyang anak. Natigilan siya at nanlamig. Hindi niya din alam ang sasabihin o ang isasagot.

"Sweetheart, "

Iyon lamang ang lumabas sa kanyang bibig dahil hindi niya alam kung anong isasagot sa anak. Hindi niya alam kung paanong ipaliwanag ang sitwasyon nila.

Ang isa pang inaalala nito ay kung paano niya sasabihin sa anak na siya na ang ipapalit na magbabantay sa prinsesa. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa dahil nasa roles nila iyon. Wala siyang magagawa kundi is handa ang sariling anak para hindi ito mahirapan.

Equinox Academy of Royalties :The Lost PrincessWhere stories live. Discover now