part 2

4.9K 163 9
                                    

MAXINE

Napapalunok ako dito sa upuan ko dito sa opisina dahil ramdam ko pa rin ang masasamang titig saakin ni maam axia. naandito sya sa office ko nakaupo lang sa sofa.

hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bigla nalang uminit ang ulo nya saakin simula nung isang araw. at nadadalas na rin sya dito sa opisina ngayon na dati hindi naman nya ginagawa.

para ngang naging part time na lang nya ang pag tuturo. kaya iniisip ko baka pumili nalang ito ng year level kasama na 3rd year BSBA department, which is department ko. yun nalang kasi ang time na nakikita ko sya doon.

at mostly ng time nya, dito na. basta nandito sya pag nandito ako.

napahinga ako ng tumunog ang alarm clock. meaning break time kaya tumayo na ako.
kinuha ko rin ang isang envelope para ibigay kay tito alfred. ito kasi yung resume na inabot saakin kanina ng isang client namin.

papasok pa lang sana ako sa office ni tito alfred pero agad na akong hinarang ni maam. bumangga pa nga ako sakanya.
inangat ko ang tingin ko. only to see her na masasama ang mga tingin na pinupukol saakin, kaya agad akong napayuko.

"at saan ka pupunta?" nakataas ang kilay na tanong nya saakin.

"a-ah iaabot ko lang po itong resume kay tit- sir alfred maam." nauutal na sabi ko sakanya. narinig ko ang pagak nyang tawa.

"tito ah?" inagaw nya saakin ang envelope saka binuksan na agad ko namang pinigilan.
bilin kasi saakin ni mr. de guzman na wag itong ipapabasa sa iba.

"maam wag po. bawal po yan buksan." kinakabahang pigil ko sakanya. nalipat ang tingin nya saakin. pinalo nya pa sa mukha ko ang envelope na agad kong ikinainis, pero hindi ko yun pinahalata sakanya.

"ano bang meron sa envelope na to? ito na ba ang bagong set up nyo dahil nandito na ako?" ano bang sinasabi nya. wala akong maintindihan sa gusto nyang iparating.

"mahigpit po kasing bilin ni mr. de guzman na dapat daddy nyo lang po ang makakabasa nyan." magalang pa rin na sagot ko sakanya kahit na naiinis na rin ako sa ginawa nya saakin kanina.

"at sumasagot ka na saakin ngayon? ganyan na ba pag may karapatan na?" natural sasagot ako kasi tinanong mo ako. bobo ka ba?

gusto ko sana isagot yun sakanya pero sa galet nya ngayon ay hindi ko na tatangkaing sumagot pa ng ganun.

"maam archeles, wala po akong maintindihan sa sinasabi nyo. nag tatrabaho lang po ako at sumusunod lang din po ako sa mga utos po saakin"

"kasama ba sa trabaho mo ang trabauhin ang dad ko?" dahil sa sinabi nya naiinis na napatingin ako sakanya. anong gusto nyang palabasin? hindi ko pa man masyadong nagegets pero may idea ako kung ano ang ibig sabihin nya.
"bakit ganyan ka tumingin? sasaktan mo ako?" nag uundyo na tanong nya.

pinakalma ko ang sarili ko. dahil walang mangyayari kung papatulan ko pa sya.

siguro kaya ganyan nalang sya bigla makitungo saakin ay dahil iba ang iniisip nya saamin ng daddy nya.

"masarap ba ang daddy ko? ah? perez? magkano ang bigay sayo ng daddy ko?" tiim bagang na tinignan ko sya sa mga mata. napakuyom din ako ng kamao.
grabe ang pag pigil na ginagawa ko para hindi ko sya mapatulan.
ayaw ko sa lahat yung binabastos ang pagkatao ko. oo mahirap lang ako pero hindi ako papasok sa ganung gawain.
hindi ako katulad ng nasa isip nya.
"magaling ba ang dadd-" hindi nya natapos ang sinasabi nya dahil sa malakas na sampal na binigay ko sakanya.

Pati ako nagulat sa nagawa ko. tinignan ko ang palad ko na nanginginig sa sobrang kaba.
napalunok ako bago tinignan si maam archeles na sobrang sama ng tingin saakin, namumula rin ang pisngi nya na nasampal ko.

"how dare you to slap me" punong puno ng galet na sabi neto.

"m-maam im sorr-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang nya akong sinabunutan.
"a-aray maam. tama na" naiiyak na sabi ko dahil pati ang hikaw ko nahihila nya. ang sakit.

"it served you right." sabi neto. hinila ko ang kamay nya ng bitawan nya ang tenga ko.
umatras rin ako para iiwas ang sarili ko pero mahigpit paring nakahawak ang isa nyang kamay sa mga buhok ko. 

Sa kakaatras ko natumba ako sa sofa at hindi sinasadyang nahila ko sya kaya ngayon nasa ibabaw ko sya.

nanlalake pa ang mata ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa dibdib ko. sumasakit rin ang dibdib ko dahil sa pagkakadiin ng pagkakatukod nya.

"maam, aray ko."  pilit kong tinulak ang kamay nya paalis pero hindi nya ito binibitawan.  at halos mamula ako ng pisilin nya ito.

"nahawakan na ba ito ni daddy? ha?perez ?" pinisil nya ulit ang dibdib. kaya imbis na galet ang maramdaman ko ay namula pa ako dahil sa kakaibang pakiramdam na yun.

"tama na nga po kayo sa kakadaddy. hindi po ako katulad ng iniisip mo" sabi ko sakanya.
nakakahiya lalo kung malaman ni tito alfred na pinag iisipan kami ng anak nya.

"wala namang criminal ang umaamin ng kasalanan nila." sabi pa nya.

"pwede po bang tanggalin nyo na yang kamay nyo? ang sakit sakit na po." sabi ko sakanya. hinawakan ko ang kamay nya para tanggalin pero ayaw nya talaga.
"ano ba maam?" ginalaw ko ang katawan ko pero ayaw nya talagang umalis.

"whats happening here?"
sabay kaming napalingon ni maam sa may pinto at nakita namin doon si tito alfred na gulat na nakatingin saaming dalawa ng anak nya.

napalunok ako bago nilingon si maam na nakatingin din saakin.

isang pisil pa sa dibdib ang ginawa nya bago sya tumayo. actually hindi lang pisil ginawa nya nilamas nya talaga ang kabilang dibdib ko. sure ako na hindi iyon nakita ni tito dahil natatakpan ng katawan nya.

"bastos" bulong ko na feeling ko narinig nya dahil ngumisi ito. nakailang hipo sya sa dibdib ko.
erereklamo ko sya ng sexual assault dahil sa ginagawa nya saakin. napaka bastos.

tumayo na rin ako. inayos ko ang suot ko ibinaba ko rin ang skirt ko dahil umangat ito ng konte.

"anong nangyari?" tanong ulit ni tito. at dahil mukhang wala namang balak sumagot ang anak nya. ako na ang sumagot.

"natumba lang po kami tito" pag sisinungaling ko sakanya. umiwas rin ako ng tingin.

"nang mag kapatong? how coincidence?"
tumingin saamin si maam ng nakataas ang kilay.

"dont worry dad, wala kaming ginagawa hindi mo naman kailangang mag sel"

"axia?" matikas ang tono na pigil dito ni tito. i think alam na ni tito ang iniisip ng anak nya

"Fine." maarteng sabi neto. "anyway tatanggapin ko na ang offer mo na position saakin dito sa company. but i want perez to be my secretary."
napatingin ako kay maam. ako? secretary nya? baka aso't pusa kami nyan palagi. ayaw ko sana pero para sa ikakatahimik nya, sige na. para na rin mapatunayan ko ang sarili ko na wala kaming relasyon ng papa nya.

"why so sudden?"

"come on dad."

"okey. no problem. bukas ka na magsimula."
sabi ni tito kay maam. saka nag lakad na papasok sa office nya pero agad ring natigil at muling lumingon saamin, saakin to be exact.
"anyway nasaan yung resume ni mr. de guzman maxine?" mabilis kong hinanap ang envelope. kinabahan pa ako ng makita ko ito na nasa sahig.
"bakit nandyan yan?"
tanong nya.

"sorry sir. hinangin po ata."

"okey. take your break." sabi nya. "at mamaya bago ka umuwi, go to my office. i need to talk to you regarding on axia's request." tumango ako sakanya. tuluyan na syang pumasok sa office.

napahinga ako ng maluwag bago tumalikod. natigil ako dahil nakita ko doon si maam axia na nakatayo pa rin sa dati nyang pwesto kanina.

umirap ito bago lumabas ng office.

dito na ang simula ng kalbaryo ng buhay ko.

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now