Part 20

3.1K 145 11
                                    

MAXINE

"Oh my god?'

"Is that maam marucci?"

'Oo at si maam axia?'

'Oh my god? Anong meron? Bakit niyaya nyang sumayaw si maam axia?'

'I cant believed it'

''first time Kong kiligin sa dalawang babae.'

'May relasyon kaya sila?'

'Bagay sila'

Ilan lang yan sa narinig ko na bulong bulongan ng mga tao sa kalapit naming upuan. Lahat nawiwindang dahil sa dalawang babae na nasa tabi ko. Nakaupo si maam axia sa tabi ko habang si maam marucci nakatayo sa tabi ni maam at niyayaya syang sumayaw.
Mahinang namang tumutugtug ang 'the gift' by jim brickman.

Pati ako naguguluhan sa nangyayari. Ano bang meron sila? Posible bang sila?

Dahil sa isipin na yun ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hapdi sa dibdib ko.
Napakapit ako sa upuan ko para pigilan ang sarili sa panginginig.

"Come on axi." Sabi ni maam marucci habang naka lahad pa rin ang isang kamay sa harapan ni maam.
"Ipapahiya mo ba ako sakanila?" Tanong pa nya at nilibot ang paningin sa paligid.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo?" Mahinang bulong na tanong ni maam axia kay maam marucci.

'Wag mong tanggapin please.
Mahinang dasal ko sa isip ko.

"Kahit isa lang. Namiss ko lang yung ganito tayo."
Tayo? Anong ganito? Ano ba talagang meron sila.

"Maraming studyante candace. Tignan mo ginugulo mo ang isipan nila, ano na lang ang iisipin nila?" Medyo may inis sa boses ni maam.

"You hear them." Sagot ni maam marucci. Tumingin sya sa paligid bago muling binalik ang tingin kay maam axia. "Tyaka, ano pa bang kinakatakot mo? Totoo naman ang iniisip nila."
Totoo? So meaning may something nga sakanilang dalawa.
"Bumalik na ako for you."
Confirm. Dahil sa narinig kong iyon parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. I hate this.

Iniwas ko ang tingin ko sakanilang dalawa pero agad rin akong nagulat ng makita ko na nakatingin saakin si arcilla na parang bang inoobserbahan ako.

Umiwas ako ng tingin kay arcilla. Kinuha ko ang ang red wine sa harapan ko at walang pakundangan na inisang lagok ko iyon. Mukhang napalakas pa ang pag patong ko sa mesa dahil lahat ng nasa table namin ay napatingin saakin.

Nag tama ang paningin namin ni maam axia at kitang kita ko kung paano nya ako tignan ng maigi na para pang sinusuri ako. Nag iwas ako sakanya ng tingin.

"Okey ka lang ba?" Tanong saakin ni megan. Tumingin ako sakanya at pilit na tumango.

"Just one dance axia."
Muling nalipat ang attention namin kay maam marucci na kusa ng hinawakan ang mga kamay ni maam axia. Tumingin pa muna si maam axia sa paligid saka ito walang nagawa na tumayo.

Parang tinutusok ng maraming karayom ang dibdib ko dahil ang sakit. Dumagdag pa ang bulong bulungan ng mga studyante na sobrang kinikilig sakanilang dalawa.
Dahil sa inis kinuha ko ang bote ng red wine sa gitna at muling nag salin saka ito inisang lagok.

"Sure ka na okey ka lang? Nakakadalawang baso ka na." Hinawakan ni megan ang bote na kukunin ko pa sana para muling mag salin. "Tama na."
Nilayo nya ang bote kaya walang nagawa na sumandal ako sa upuan ko. Yumuko ako.
"Anong nangyayari sayo?" Umiling ako sakanya. Wala ako balak sabihin sakanila itong nararamdaman ko kay maam axia.

Muli akong tumingin sa pwesto ng dalawang babaeng sumasayaw sa gitna ng dance floor. Kahit kay kadiliman sa pwesto nila kitang kita ko kung paano nila tignan ang isat isa. Mahinang bumuga ako ng hangin para tanggalin ang frustration ko kahit na alam kong wala naman itong magagawa para mabawasan man lang ng kahit konte ang sakit sa dibdib ko.

REJECT the REJECTIONWhere stories live. Discover now