Another day na naman na late ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang umoo si Yue.

“Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” mataray na tanong ni Nicky nang makababa kami.

Maldita talaga.

'Di ko rin namalayang nakangiti na ako. Haysst! Nae-excite na ako sa mangyayari.

“Wala ka na roon,” pagmamaldito ko rin.

“Tsk! Kasalanan mo 'to eh, late na tayo!” inis niyang asik at nagdali-daling lumakad..

Ay, wow! Parang hindi siya mabagal kumilos, ah?

“Nicky, wait!”

Huminto siya sa paglalakad, “Ano na naman?!”

Naglakad ako papalapit sa kanya at medyo hinihingal dahil sa medyo malayo-layo na ang nilakaran niya. Ang pandak-pandak niya pero ang lalaki ang hakbang, “Hihingin ko sana ang pabor mo.”

Inikutan niya ako ng mata, “Anong klaseng pabor na naman ba? Mamaya na, late na ako—” lalakad pa sana siya palayo sa 'kin pero mas mabilis kong nahawakan ang braso niya.

Binitiwan ko muna ang kamay niya bago magsalita, “Plano kong yayaing mag-lunch si Yue. Kung pwede lang dumistansya ka muna—”

“Whaaaaaaaaaaaat?!” gulantang niyang tanong at nanlaki pa ang mga mata.

Wow! Ang OA, ah.

“Sige na, just let me be with her—” pinutol niya na naman ang sasabihin ko.

“Hindi ba't sinabi ko namang—”

“Yeah, and I'm planning on driving her home, too,” I smirked.

She scoffed and cross her arms over her chest, “What makes you think that I'll ever let you?”

“Because I'll let you have my PC room for a day,” I offered.

My dear PC room, ite-trade muna kita sa kapatid kong maldita.

“Isang araw lang?” nakataas ang kilay niya.

“Eh, 'di, tatlong araw,” sabay irap ko.

“Tatlo lang? Tingin mo, enough 'yun?” tanong niya naman.

“Sige, isang linggo.”

“Nope!”

“Fine! One fortnight!” I offered the longest time na pwede kong ipahiram ng PC room.

Ngumisi muna sa bago ako kinamayan, “Deal!”

Napangisi din ako in return at sabay kaming pumasok sa classroom ng isa't isa.

Ang tanga lang ni Nicky na ipinagpalit niya si Yue para lang sa dalawang linggo PC room. Haysst! Make sure niya lang na iingatan niya ang computer ko.

Nang makapasok ako sa classroom wala pang adviser namin. Sabi nila may general meeting ang mga teacher ng bawat grade level sa school namin.

Hindi ako mapakali sa isang lugar at nagpalakad-lakad. Nag-iisip ako kung sana pwedeng dalhin si Yue para kumain. Saan ba pwede? Sa Tiya Marites' ice cream shop kaya? Hindi! Sarado sila tuwing Martes. Sa Takoyaki shop kaya na dalawang metro lang ang layo sa school. Lalong hindi! Paano kung allergic pala siya sa seafood?

“Nakakahilo kang panoorin, Dylan. Umupo ka nga!” Darren spat at me.

Sinamaan ko siya ng tingin, “Eh, 'di 'wag kang manood, sira!”

Sasagot pa sana siya pero unang nagsalita si Connor, “Ano bang bumabother sa 'yo?”

“Taray ng bumabother, ah?” ani Caesar. Hindi siya pinansin ni Connor at nakatingin lang sa 'kin.

168 HoursWhere stories live. Discover now