Tumayo ako sa aking kinauupuan nang mag-ring ang bell at tumakbo palabas.

Recess na...

“Sa'n ka pupunta—HOY!” rinig kong tawag sa akin ni Caesar habang tumatakbo ako. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang sa pagtakbo pababa ng hagdan mula 4th floor hanggang sa school gate.

Hingal na hingal akong naghihintay ng ilang minuto sa school gate, hinihintay ko ang delivery ng inorder ko. Sa wakas, may scooter motor na dumating sa tapat ko lang. Kinuha ko na ang order at nagbayad pati na rin ang tip.

Wala pang minuto ay pumunta na ako sa 3rd floor kung nasaan ang classroom ni Nicky.

Malapit na sana ako sa hallway nang makita ko sina Nicky at Yue na naglalakad pababa. Malamang ay pupunta sila sa cafeteria.

Hayyst! Sinabi ko namang dumistansya muna siya kay Yue.

Wala akong choice kundi ang hilain si Yue paakyat ng rooftop bago pa ako pigilan ng kapatid ko.

“Yue—” rinig kong sigaw nito.

Nang makarating kami sa rooftop ay pareho kaming naghabol ng hininga at umupo kami sa lapag. Naguguluhan pa rin siya sa bilis ng pangyayari. Kita ko 'yun sa mga mata niya.

Iniabot ko ang plastic bag sa kanya na may lamang ramen, “Heto.”

Naguguluhan man ay tinanggap niya pa rin na parang walang magagawa.

Napa-iwas ako ng tingin dahil parang nakaka-guilty'ng hinila ko siya rito. Well, kung 'di ko ginawa 'yon ay hindi ko siya makakasama.

“H-hindi kasi kita nailabas kahapon kaya binilhan na lang kita ng ramen. Sana magustuhan mo.

Nakatitig lang siya sa loob ng plastic bag at napakagat-labi siya. Nag-iwas tingin ako at tumingin sa paligid para ma-distract na rin nang tumingin siya sa 'kin.

She poked my shoulder to get my attention and mouthed, “Thank you.” Tumango ako.

“Sorry nga pala sa paghila ko sa 'yo rito. Plano ko naman talagang dalhin ka sa labas kaso 'di na ako makapaghintay para sa lunch time,” hinging pasensya ko at napakamot batok.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at medyo namula. Hindi niya yata inaasahan 'yon.

Ako rin naman.

Napa-face palm ako at medyo umatras, “I-I mean, I felt like I owed you yesterday.”

Damn,Wang He Di!

Siya naman ay nakatuon lang ang pansin sa ramen, pero alam kong nakikinig siya.

“Anyway, gusto talagang ibigay sa 'yo 'yan after ng nangyari kahapon. P-pwede mo na ring kainin 'yan ngayon, o 'di kaya sa lunch,” aalis na sana ako nang marinig kong humakbang siya papalapit.

Lumingon ako sa kanya na halatang kinakabahan. Itinaas niya ang kanyang kamay na parang walang ideya kung paano makikipag-usap sa 'kin.

“Ay, naiwan mo pala ang notepad mo, sorry,” I internally face-palmed. Paano 'to?

Dahan-dahan naman siyang tumango. Ako naman ay dumukot sa bulsa ng uniform ko ay nakuha akong ballpen.

“May pen ako dito... you can write it on my palm,” I told her as I handed the pen to her and I showed her my right palm.

Sa 'di malamang dahilan, tumawa siya na ikinakunot-noo ko, “Anong nakakatawa?”

Nang makita ko ang kamay ko parang gusto ko nang malibing nang buhay. Dali-dali kong pinunasan ang kamay ko gamit ang dulo ng polo shirt ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

168 HoursWhere stories live. Discover now