96

28 2 0
                                    

Pinanood ni Scylla ang pag alis ni Jiedazer ng makababa ito sa kotse niya. Bumusina pa si Jiedazer ng tatlong beses at kumaway sa labas ng bintana ng kaniyang sasakyan bago ito tuluyang nawala sa paningin ni Scylla. Napangiti siya, she's so happy. Ngayon niya lang ulit nagawa ang mga bagay na ito. Ang mag punta sa bookstore at library para bumili ng libro at manalagi naman sa library para mag basa.

That's her safe place back then nung hindi pa mabigat ang gawain niya sa cafe at sa bahay na tinutuluyan. Gustong gusto niya ang amoy ng libro, gustong gusto niyang napapalibutan ng libro.

Madilim na dahil alas otso niya, hawak hawak ang cellphone pati na rin ang paper bag na may lamang mga libro nakangiti pa siyang naglakad papasok sa bahay.

Pero agad naglaho ang mga ngiti niya ng makarating sa pinto ng bahay at makarinig ng mga sigawan. Napapikit siya at humigpit ang kapit sa hawak na paper bag. Ito na naman. Pagod niyang sabi sa isip.

"Hindi nga ako! Wala akong kinalaman sa nawawalang pera, mama!" She heard her cousin shouted.

She opened the door. Handa ng dead-mahin na lang ang pinsan at tiyahin na nag sisigawan at pumasok sa kwarto pero hindi gano'n ang nangyari.

"Oh, ayan na pala ang magaling niyong pamangkin bakit hindi 'yan ang tanungin niyo tungkol sa nawawala niyong pera? Tutal sunod sunod ang paglabas niyan nitong mga nakaraang araw?" Hindi siya naka react agad dahil sa ibinungad ng pinsan.

Wala naman siyang alam sa nangyayari kaya paanong sa kaniya napunta ang usapan?

Napalunok siya ng lumingon sa kaniya ang tiyahin sa nanlilisik na mata. Umiling siya at handa ng magsalita pero sa sobrang bilis ng pangyayari, napahawak na lang siya sa pisgi ng maramdaman ang malakas na sampal ng kaniyang tiyahin.

Sobrang lakas, tumalsik ang salamin nito at nabitawan ang mga hawak pakiramdam niya namanhid ang buong pisgi niya.

Nanlaki ang mata niya ng makitang pinulot ng tiyahin ang cellphone niya at tsaka ito binato sa pader.

"T-tita..."

"Wala kang utang na loob! Pagkatapos kitang kupkupin ito ang igaganti mo sa'kin?!" Galit na sigaw ng tiyahin niya habang hawak pa rin ito sa buhok.

Hindi niya napigilan ang pag tulo ng luha sobrang sakit ng pag sampal sa kaniya dahil ramdam niya ang pag init ng kanang pisgi.

"Ilabas mo ang pera!"

"Wala po akong alam sa sinasabi niyo." Sagot niya dahil totoo namang wala siyang alam. Kauuwi niya at maghapon siyang wala sa bahay kaya anong kinalaman niya sa nawawalang pera?

"Anong hindi alam! Ninakaw mo ang perang nawawala sa cafe! Ikaw ang natao ro'n 'di ba?! Wala kang utang na loob! Binihisan kita, kinupkop at pinatira sa bahay ko pero ito ang igaganti mo sa'kin?"

"Parehas kayo ng nanay mo! Mukhang pera!" Sigaw ng tiya niya at pakiramdma niya nag pintig ang tainga niya sa inis.

Iyon ang pinaka ayaw niya, ang kinukumpara siya lalo sa nanay niya, sa nanay niyang iniwan siya at sumama sa iba.

"H'wag niyo akong ikumpara sa nanay ko. Hindi kami parehas." Matigas na sabi niya.

Prangkang tumawa ang tiyahin niya at idinuro ang sintido ni Scylla.

"Anong hindi. Iniwan ka nga ng nanay mo at sumama roon sa kano kasi maraming pera. Hindi ba?"

Napayuko na lang siya.

"Ilabas mo ang pera!"

"T-tiwa, wala po talaga akong alam. Wala po ako sa bahay mag hapon kaya hindi ko po alam ang sinasabi niyo." Matapang na sagot ni Scylla kahit pakiramdam niyang babagsak na siya lalo pa ng hilahin ng tiyahin ang buhok nito.

LOVE's a GAME (Game #1)Where stories live. Discover now