Chapter 4

1 2 0
                                    

Reighn Point of view


Andito na kami ngayon sa garden Kakatapos lang din namin mag lunch at may time para tumambay kami.


Hanggang ngayon ay inis pa din ako sa naganap sa room kanina.


Napakapal ng mukha sino ba siya para makuha ang gusto. 


"Sino ba 'yon?" Bigla curiosity ko sa gunggung na 'yon.


"Siya si Claiden Clifford. Siya ay Sikat sa buong university na 'to di lang dahil sa g'wapo at yummynies niya, ay varsity din siya ng basketball. Campus hearthrob kung baga. Kilala siya bilang womanhater,  dahil lagi niya tinataboy lahat ng lumalapit sa kaniya. Kahit mga binabae ay pinapatulan niya." Mahabang paliwanang ni Einjel. 


Woman hater..  may ganon palang tao. At siya pa? Wow? Choosy pa ata? 


"Plus isa din siyang ssg president dito sa university natin, girl. Kaya iwasan mo 'yan pagtataray at baka ma guidedines ka ng dahil sa kaniya." Dagdag naman ni Querra.


Tsk, ssg president kaya pala ang lakas ng loob mag ganon ng kapwa students niya kasi may kapangyarihan sa university na 'to.


"Pero ang taray girl... palaban hahhaha!" Dagdag pa ni Einjel.

"Hindi ko inaasahan 'yon. Pero love it! Hahhaha!" Querra.


Kanina pa nila ako kinakantyawan sa naganap kanina. Kaya wala ako sa mood sabayan sila ngayon sa trip nila.


"Kung nakapasok na ngayon si Claiden, malamang sa alamang pati si Khaizer?" Querra.


Sino naman si Khaizer?


"Panigurado. Lalo na't Iisa ulit ng room." Einjel.


Hindi na ko nakinig sa kanila at nag advance reading na lang ako medyo sumasakit lang ulo ko sa mga taong antapatiko tulad nung Claiden na 'yon.

Bumalik naman agad kami sa room tahimik ang lahat dahil sa matandang proof namin ngayon at napakasungit din niya pero magaling magturo.


Business Math naman ang subject at sumasakit lalo ulo ko kakaintindi nito formula.


Nanunuyo utak ko pag gantong subject. 

Feeling ko dito ata ako babagsak sa Math dahil sobrang hirap wala ako naiintindihan, kahit ilang beses na pinaliwanag ni Sir, kung pa'no. Pero sadyang natutuyo ang utak ko wala mapiga.

Natapos naman agad at napabuga na lang ako dahil para ako mahihimatayin sa subject niya.


Loving You In October- On Going (Series #10)Where stories live. Discover now