Chapter 7

2 1 1
                                    

Reighn Point of view


Lunes


Maaga ako kumilos dahil ayaw ko ma late ngayon Lunes at nag review na din ako, para sa quiz namin para sa special core namin.


Nag almusal muna ako para may laman ang utak ko para mamaya, hindi ko na din naabutan si mommy dahil madaling araw pa daw ito umalis dahil nagkaproblema sa factory.


Nakarating na din ako sa university at naglakad sa corridor, na para bang akin ang daanan marami-rami na din kasi ang students dahil masisipag sila. Ako lang hindi tamad na tamad kaya ako ngayon kumilos. Hindi ko alam kung bakit ang sama pa ng pakiramdam ko bigla. Wala naman ako ginawa kahapon kundi manuood at kumain maghapon. Simula kasi nung nangyari nung isang araw ay 'di na ko sumama pa ulit sa dalawa. Dahil pinagod nila ako, mga abnormal pala silang kasama, at nakakahiya para kasi silang mga takas mental.


Pati do'n sa babaeng nakabunggo ko hindi ko makalimutan ang sinabi niya, nakakahigh blood siya. Tinalikuran ba naman ako. Walanghiya, ako lang dapat mag walk out, kaso nauhan pa ako ng feeling maganda na 'yon. Yeah aaminin ko maganda naman siya fashionable din, basi sa kaniyang suot, maikli nga masyado ang shorts pants niya parang pekpek short ata 'yon. Pinapakita ata or pinapainggit ang mala espasol niyang binti. Ano kaya sabon no'n? O kaya naman ano ang iniinom niya gamot? Para ganon siya kaputi.


"Hoy! Reighn ayos ka lang ba?" Biglang sulpot ni Einjel.


Napakurap pa ako ng 'di ko mapansin na nasa harap ko na pala siya, at napatingin ako na nasa loob na pala ako ng room namin. Masyado naman ako tulala para lang sa isang babaetang 'yon.


Nagulo niya isip ko sa walang kabuluhan 'di ko naman siya kilala.


Kaya 'di ko napansin na nasa loob na ko ng room namin.


"Ayos ka lang ba talaga?"


"Ah oo, medyo masama lang pakiramdam ko." Walang gana ko sagot dito, tumango na lang siya at umupo dahil dumating na si Ma'am.

Nag discuss lang kami wala talaga ako gana kahit sa pakikinig ang sama talaga ng pakiramdam ko.


Ano ba 'yan, bakit kasi ngayon pa.


Biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa do'n ang isang matangkad at pawis na pawis ang itsura dahil siguro tumakbo ito.


"Omg! This is real?"

"Goshhhhh!"

"Andito na siya?!"

"Napapalibutan na tayo ng mga g'wapo!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving You In October- On Going (Series #10)Where stories live. Discover now