Chapter 4

479 7 0
                                    


3rd POV

     Abalang nag-uusap nun sina Red at Monique sa sala tungkol sa meeting kanina sa school nang may marinig silang tunog mula sa kusina.

   Kapwa sila nun nagtinginan.

   "Ah, I'll check it out Sir. Magpahinga na lamang po kayo."

   "No, that must be Avvi bumaba para kumain, I still need to talk to her." Seryoso namang ani Red bago sinipat ang kanyang relo.

    It's already 8:30 pm.

   Kapwa nila tinungo ang kusina nang matigilan sila sa bumungad sa kanila.

   It's Allison eating. Nakataas ang isang paa nito at nagkakamay pa.

   Sarap na sarap itong kumain at hindi ang pagkain na inihanda ni Monique ang kinakain nito kundi kanin at mga ulam na ito mismo ang sumandok.

   Nakangising napalingon lamang si Monique kay Red nun na seryoso lamang ang mukhang nakatitig parin kay Allison na noo'y walang kaalam-alam sa paligid niya.

   Sa kabilang banda naman ay naroon ang ilang mga katulong na nagbubulungan din.

  

      "T-tama ba ang nakikita ko? Si Ma'am Allison kumakain ng kanin at ulam? Anong nangyayari?"

"Naku, tignan mo nga at nakataas pa ang isang paa!"

"Tapos nagkakamay pa kamo!"

"Anung nangyayari sa kanya?"

"Hay anu ba kayo, malamang may amnesia siya, kaya ganyan siya ngayun. Pero kapag nagbalik ang ala-ala niya babalik din yan sa dati, hindi na natin yan ulit masisilayan dito sa kusina o sa mansion kahit na nandito lang naman siya. Magkukulong lang siya ulit sa silid nila para magtrabaho o kaya mag-exercise ng mag-exercise."

     Ito ang palitan nila ng bulung-bulungan hanggang sa masilayan nila si Red na noo'y nasa kabilang banda kaya naman agad din silang naghiwa-hiwalay para gawin ang kanilang mga trabaho.

    Samantala, sa kabila ng pagkagulat ay tahimik lamang si Monique ngunit nagsalita na din.

    "Ah Sir, w-what's happening? Ma'am Allison is eating too muc--"

   "Let her be. She must be hungry and wanted to eat those kinds of food. She's been through a lot and even at the hospital, she's just eating what her nutritionist is giving her."

   "But Sir, how about her diet?"

    "That's for her to deal with, nothing to do with me and  so you."

   "Sir..."

   "Just let her do her thing. She has always been like that anyways!" Seryoso lamang nitong tugon at naglakad na paalis.

    Lumungkot naman ang rehistro ng mukha ni Monique bago muling nilingon si Red at bumuntong hininga ng malalim.

    "Hmm, what else could I possibly do to help this family." Mabigat ang paghinga niya pang saad at umalis na rin.

...

      Abala si Red sa kanyang computer nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina.

Hindi niya ito nilingon ngunit alam na niya kung sino ito kaya hindi niya pinansin. It's his bestfriend Syfer.

   "RED! RED! RED! My only beloved brother!" Tila nanunula nitong pagbibirong saad bago naupo hindi sa upuan kundi sa lamesa mismo kaya naman tinignan niya lang ito ng masama at muling nagfocus sa ginagawa niya.

Bringing Home The Wrong Wife Where stories live. Discover now