Chapter 5

512 8 0
                                    

Alexa's POV

     Habang nasa-closet ay deretso kong tinungo ang harap ng higanteng salamin ang kinaroonan ng dresser ko.

     Nagsusuklay ako noong mapako ang aking mga mata sa malaking portrait ko sa dingding.

    Nakasuot ako nun ng gown na powder-blue at may suot na korona. I was holding a vintage umbrella at nasa toktok ng castel. It's a princess themed photoshoot I guessed.

    Pinagmamasdan ko lamang iyun nang biglang sumakit ang aking ulo na parang binibitak. Kasunod nun ang matinding pagkahilo dahil sa sumisilay na mga senaryo sa isip ko, magulo, umuugong at nakakabingi.

   Isa sa mga iyun ang malabong alaala na ako ay nakasuot ng gown na katulad nung nasa portrait habang naglalakad sa isang stage.

   "Ah--ahhh!!!" Mahina kung palahaw dahil di ko na matiis ang sakit ng ulo ko at pagkahilo hanggang sa hindi ko na rin macontrol ang aking katawan at bumagsak nalang bigla sa sahig na lumikha ng ingay.

   I was half-conscious.

    Luckily, hindi pa man ako tumatagal sa sahig ay dumating si Red.

"Hon-- ah Allison, what happened? Allison!" Pag-aalala niyang bulalas na agad akong nilapitan upang kalungin sa kanyang mga bisig.

    Hinawakan niya pa ako sa pisngi trying to wake me but I can't, I'm still in my sub-consciousness.

   Maya maya pa'y dali-dali niya rin akong binuhat para ilabas sa closet at dahan-dahang ipinahiga sa kama.

    Everything is blurred and faded but I still able to see him on his phone.

    Mabilis lamang ang tawag na iyun matapos ay bumaling na siya sa akin to inspect and aid me. Noon na ako tuluyang nawalan ng malay.

   Noong magising ako ay isang puting silid ang kinaroonan ko. May nakakabit din sa aking IV at oxygen.

    "N-nasa hospital ulit ako?" Saad ko nang maulinigan ko ang dalawang lalaking nag-uusap sa may bandang pinto.

    It's Red and Syfer.

   "It's been almost 72 hours, bakit hindi parin siya nagigising." Narinig kong saad ni Red. He was so serious but there's something in his voice.

   Ngumiti lamang nun ng tipid si Syfer.

   "You're a doctor too, well in fact you are more than me but since you have assigned me as your wife's attending physician, you have to trust me, she'll be fine."

    Bumuntong hininga lamang nun si Red kaya nagsalitang muli si Syfer bago siya tinapik sa balikat.

   "The relapsed in her heart surgery was successfully aided. It has just been more than a month since she was placed under general anesthesia, now we put her again under general anesthesia so it's understandable that it takes 48 hours to 72 hours before she wakes up."

   "I gorrit, no need to elaborate. Anyways, I still have a meeting." Seryoso lamang nitong saad bago ako sinulyapan kaya naman agad akong pumikit.

   Matapos iyun ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya nagmulat na ako ng mga mata.

   "Hayyy what a cold-blooded human being, gezz..." Sarkastiko lamang na bulong ni Syfer bago naiiling iling na lumapit sa akin at nalingunan akong nakatingin sa kanya.

  "Oh-- my sister in law, there you are! I knew it, you're really a fighter! I can feel it!" Masigla niyang saad habang nakatawa.

   Ngumiti lamang din ako sa kanya.

Bringing Home The Wrong Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon