K A B A N A T A 5

8.1K 64 1
                                    


• K A B A N A T A  5 •

              "HAVE you seen her?"

               Hindi ko nilingon si Rod na nasa tabi ko lang habang naglalakad kami sa balkonahe ng Engineering Building. Tapos na ang finals namin sa Calculus at papunta na kaming dalawa sa parking area to go home. Wala akong balak na maglagi sa campus lalo't pagod na pagod na ako.

               Tatlong araw nang lumipas. Nakabalik na ako dito sa Negros. Last weekend was earth shattering. Sinikap kung kalimutan ang nangyari sa Rio Hondo ngunit magulong-magulo parin ang buong sistema ko. Ni hindi na nga ako nakakatulog nang maayos sa nagdaang tatlong araw. Darn! I never thought na that mysterious girl will eat my whole system.

              Tinapik ni Rod ang aking balikat dahilan para mapabaling ako rito. "H-Huh?"

              Rod shook his head slowly, "Are you fine, Anton? Kanina ka pa wala sa sarili ah! Tinatanong po kita kung nakita mo na ba si Mia?"

              Umiling ako. Isa din si Mia sa mga pinu-proproblema ko. I badly want her back! Pero sumisingit naman ang lampang Ruiz na yan! Akala mo kung sinong gwapo.

             Pumalakpak si Rod sabay ngisi sa akin, may binabalak ito. "Let's go!"

            "Saan naman?"

           "Sa basketball court, Anton. Uupakan natin yang Ruiz na yan!" Kaswal na sabi nito. "Wag kang mag-alala sinabihan ko na ang tropa. Makiki upak din ang mga iyon!"

            I sighed. "Wag na. Saka lalong magagalit si Mia sa akin pag inupakan natin si Ruiz." I said in silent and calmed voice.

           Rod's brows arched at what I said. "So, wala kang gagawin? Susuko ka na lang?"

          My lips twitched.

          "I guess you are!" Rod hissed.

           I curled my fingers into tight fist. "Alam mo naman kung gaano ka importante si Mia sakin. About Ruiz hindi naman madadaan sa upakan ang lahat." I said through clenched teeth. "Besides, i'm not letting her go, Rod. Never."

          Napangisi naman si Rod, bumalik na ang kwelang aura nito. "Glad to know that. I'm proud of you pare!" Napasinghap ako ng biglang yakapin ako ng mahigpit ni Rod. Agad ko namang tinulak ang loko nang makarinig ng ako nang pag click ng camera. Nilingon ko ang pinagmulan nun.

          "Rod Del Fuego hindi ko akalaing may tinatago ka palang pagtingin sa pinsan ko." Nakangiting anas ng pinsan kong si Regan Jade Magalona at may bitbit itong DSLR camera! Panay ang click nito sa camera, just what she's thinking?

          "Regan." Sabay naming sabi ni Rod. Yun lang ay mas matigas ang pagkasabi ni Rod, halatang nagtitimpi lang.

          My dearest campus photographer of a cousin just stared at us innocently. "What? Galit ka bang inistorbo ko kayo? Don't worry just continue your 'BRO Romance' with my cousin and I'll just take pictures here." Sunod sunod ang pagkuha ng pictures nito sa amin. Nang matapos ito ay ngiting ngiti pinagmasdan nito ang nakuhang litrato sa screen. "Great! tiyak pag-gugulahan ito ng campus gossip magazine." Pagbubunyi nito.

          Rod and I both stiffened when we heard the name of that stupid magazine. God only knows kung gaano ka peste ang magazine na yun sa buhay naming mga sikat at mga gwapo dito sa campus. They spread lies. Rumors na kahit ako ay hindi ko alam paano nila na iimbento.

Ang Babae sa Masters BedroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon