xix mixed signal enjoyer

46 0 0
                                    

Chapter 19

Nagising ako around 11pm. Naramdaman ko na bumukas ang pinto. I saw Jian in his suit. Kaagad niyang niluwagan ang necktie niya saka inalis ang coat niya. Pumasok siya sa bathroom after niya makakuha ng damit. Nanatili lang akong nakahiga bago ako naupo dahil hindi na ako makatulog. Hindi rin nagtagal ay lumabas na siya. Naghalf-bath lang siya.

"Why aren't you sleeping?" He asked.

"Nagising ako pagdating mo," I said.

"I'll sleep in the guestroom."

Naglakad na siya papunta sa study table niya saka kinuha ang phone niya.

"Why?" Takang tanong ko. "You can sleep here. I can sleep on the couch. This is your room though."

"Argh! Fine, let's just sleep together." Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit na siya sa kama at nahiga sa tabi ko. "I'm fine naman sleeping beside you. Hindi lang talaga ako sanay may katabi sa pagtulog." 

I chuckled.

"I thought parati ka natutulog sa room ng Dad at Daddy mo. Feeling ko lang ah." Tumagilid siya paharap sa akin. "Why? First impression ko lang."

"Dad is always kicking me out. He always wants Daddy alone. Tsaka parati naman silang wala eh. Kung nandito man, well it's their time." 

"Kamusta naman sila as a parents."

"Best." Tumihaya na siya muli at ginawang unan ang isang braso niya habang nasa may tiyan naman niya ang isang kamay niya. "They are always busy. They always from nowhere but of course hindi nila kami kinakalimutan. Daddy always chatting, texting, call kapag wala siya dito. Si Dad naman parating always one call away. I understand how busy they are."

I smiled as I saw this side of him. Is he comfortable with me now?

"Let's just sleep, Ali. Maaga tayo bukas."

He turned his back on me and he closed his eyes.

"Ji?" Pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm."

Nanatili akong nakatingin sa likuran niya. Tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid na nasa tabi ko pa.

"I like you."

Ayaw ko na kalimutan niya ang katagang iyon. Ayoko rin naman na umasa. We're both guys. He's just with me because of all the people in the school… I am the person who knows him. Ako lang ang kayang magtiyaga sa ugali niya.

"I know. Don't worry… hindi ko nakakalimutan. Now sleep, Ali. I'm so tired."

"Paasa kang gago ka sana alam mo! Nasapian ka ba?"

Nagulat ako ng humarap siya at umusog papalapit sa akin at isiniksik niya ang mukha niya sa may bewang ko dahil kasalukuyan pa rin akong nakaupo. He even wrapped his hand on my waist. Hinayaan ko na lang ang kamay niya saka nahiga na ulit. Hindi man lang natinag ang kamay niya.

Naamoy ko ang alak kaya naman itinulak ko siya palayo sa akin.

"Nakainom ka pala kaya ganyan ka! Gago ka! Ikaw? Yayakap sa akin? Mag-isa ka diyan. Ginawa mo pa akong mixed signal enjoyer!!!"

Padabog akong bumaba sa kama niya saka ko kinuha ang isang unan saka ako naglakad papunta sa couch. Hinayaan ko na lang na dalawin ako ng antok habang yakap-yakap ko ang unan sa mga bisig ko.

***

Tamad na tamad akong nakasunod kina Jian at Caramel habang humihikab. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil alas kwatro na ako dinalaw nh antok. Nakadilat lang buong magdamag ang mata ko. Ngayon yakap-yakap ko ang isang hello kitty na stuffed toy na binili ni Jian sa pamangkin niya. Napapatingin pa sa akin ang mga tao dahil sa ponytail sa buhok ko na kagagawan ni Caramel. 

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now