C17

71 21 9
                                    

PLEASE, SAY YES.


Natapos na yung klase pero nandito parin ako sa classroom. Nakaupo at nakatulala habang iniisip parin ang sinabi nito sakin kanina.

Hindi naman kami close pero bakit ganito siya sakin. Dahil sa katangahan ko dati na kunwaring nag cheat siya sakin ay hindi na siya lumayo pa sakin.

Pagkatapos ng eksena kanina, hindi na ako kumibo pa. Isang poging lalaki ba naman ang nagdedemand sayo ng atensyon, sinong hindi matutulala.

Ang daming pumapasok sa isip ko na katanungan dahil sa sinabi niya. Yong puso ko wala ring tigil sa pagbilis ng tibok.

Siguro crush niya ako? Mahal na ba niya ako?

"Ang assuming ko gago." Bulong ko.

Tuloy lang ako sa pag iimagine ko ng may kumalabit sa akin at nagsalita bigla sa gilid ko.

"Let's go, lunch." Nilingon ko siya at napansing 'yong mga kaklase naming iba ay nakatingin sa direksyon namin.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at itinuon kay Pres ang atensyon. Tumango lang ako sa kaniya at umiwas ng tingin.

Ramdam ko pa rin na nasa gilid ko siya at nakatitig sa akin kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.

Nakakunot ang noo niya.

Magkasalubong ang kilay. Alam ko na ang iniisip nito.

Bago pa siya magsalita inunahan ko na siya "Ops! Hindi kita iniiwasan ah, shytype lang kasi ako kaya hindi ako masyadong nagsasalita. Tara na!" Tumayo na ako mula sa seat ko.

"A-ah, okay? shytype" He chuckled. Nauna na akong lumabas sa kaniya dahil nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi ko.

Shytype? Shuta ako shytype? Kalokohan.

Habang naglalakad kami papunta ng canteen hindi ko maiwasang mailang dahil nasa likod ko lang siya at ramdam ko ang titig niya sa akin. Pilit kong isinasawalang bahala ang titig niya sa paraang pagtingin sa paligid.

Bakit kaya ako lang ang nilalapitan nito na babae. Maraming babaeng kinababaliwan siya, pero bakit ako pa na baliw at maraming issue ang napili nitong laging lapitan. Laging ayain mag recess at laging sabayan kumain ng lunch. Siya pa laging nag a-approach. Tss.

Walang nagsasalita samin hanggang sa makarating kami sa canteen.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin, kita ko na agad ang mga ulo nila na bumaling sa direksyon namin. Titingin sa akin at may ibubulong sa katabi.

Sanay na ako sa ganyan dahil sa mga naging kaaway ko. Pero ngayon kakaiba ang nararamdaman ko. Parang hindi na ito dahil sa mga issue ko.

Ang mga tingin nila sakin ng masama ay hindi na dahil sa away o ano man. Kundi dahil kasama ko itong mokong na 'to na nakasunod sa akin.

Muntik ko ng nakalimutan kilala siya dito sa school dahil sa kaniyang itsura at kaniyang angking talino. 

Pero kumukopya sa akin sa KPWKP. Tss.

Babawian ko na din sana ng masamang tingin 'yong mga pinagchichismisan ako habang diretso sa paglalakad, ng kinawit bigla ni Pres yung waist ko at dineretso ako sa table nila ni Jace.

Naabutan namin si Jace na kumakain habang ngiting ngiti na nakatitig sa kaniyang cellphone.

Kinatok ni Pres ang lamesa kaya napa-angat ang tingin niya samin. Nagmamadali niyang tinago ang cellphone niya at balisang tumingin kay Pres. "Oy pre." Nag nod si Jace kay Pres saka tumingin sa kamay ni Pres na nakahawak parin sa bewang ko.

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now