Before the coffee gets cold Part 2

5 2 0
                                    


"Ate, bakit mo naman ako pagtatrabahuhin sa coffee shop?"


Pagod na ang paa ko kakalakad at hindi ko pa nakikita ang coffee shop na yun. Alam kong napuntahan na namin yun pero hindi naman ako magaling sa direksyon. May google maps pa nga akong inagamit pero wala pa rin. 


Is it left or right?


"Para matuto ka na hindi kami nagtatae ng pera ha. Magtrabaho ka diyan. Nabalita sa akin ni Hannah na napuntahan mo na ang coffee shop na yan. Kukutusan kita kapag nabalitaan ko na hindi ka nagtatrabaho. Tandaan mo hindi ka makakauwi sa bahay. Iche-check kita palagi. Kakausapin ko ang manager niyo diyan."

"Noted, ate. Wala ka bang ipapadalang tao dito? Kanina pa ako naglalakad dito at naliligaw na ako. Te? Ate?"

Omg. She hung up on me. Nasan na kasi yun. 

I looked around and saw a familiar man but he's quite busy. A bunch of high schoolers are surrounding him and he's on his uniform. 


"Hey! Hey!"


Not fair. I went to the other way and looked at the shops to ask if they know the coffee shop I'm trying to find. The flower shop is not busy so I asked the worker named "Hector". Nasa nametag niya.


"Uhm, excuse me Kuya Hector. Do you know the La Blanche coffee shop?"


"Oh, this? Tapat lang ng shop ko ayun oh."


Tinuro niya ang kabilang kalsada at andun nga! Finally!


"Thank you so much, sir." I bowed a little.


"Oh you're welcome. You're going to work there?" he asked while arranging the lilies and roses in a vase. 

"Ah, yeah." He made a face but I'm not sure kung disgust yun o pagkamuhi.

"Ingat ka sa mga staff diyan. May isa diyang matinik sa chiks at laging umaalis yung babae nilang staff na luhaan." 

Parang kilala ko na kung sino yun. Judging from earlier marami ngang nagkakagusto sa kaniya. Baka may isa pa doong lalaki na sikat sa babae. I saw two of them are good-looking.  The other one looks rough and sharp. Yung nakita ko naman kanina ay soft boy. Maamo ang mukha at baby face. 

"Oh. Thanks for the heads up."

I entered the coffee shop and look for the manager. Luckily may isang hindi masyading busy na worker at tinour ako sa loob. We went to a coffee cream colored room and it was so pretty. Naroon din sa mesa ang kaunting biscuits and cookies at maliit na tray for the coffee cups. It must be for the staff.  Kukunin ko na sana ang isang cookie nang tinapik ito ng nakakatakot na lalaki.

"Miss Kia, he's our manager here."

"Oh..I'm sorry po sir." I bowed so low para naman maipakita na sobrang sorry ko at hindi ko intensyon na mangialam.

"Your sister sent you here to learn about life and you're already stealing breakfast from other employees?"

"I'm really sorry, sir and to all of you."

"Sa lugar na ito, you will learn to earn your keep. Hindi naman masamang kumuha ng pagkain dito but ask first to the owner of the food."

"Yes, sir noted po." Wahh. Nakakatakot at nanginginig na nag mga tuhod ko. Nakakahiya, I heard their soft laughters and their comments about my attitude earlier.

"Raise your head and change into your uniform." he's strict but he looks kind. Maayos naman niyang inabot sa akin ang damit. It is black and white. The black skirt is a little short for me. I saw a girl waitress pero hindi naman bitin sa kaniya. 

I went outside the cubicle and checked the skirt in the large mirror. Mukha namang mastretch ko pa para hindi masyadong revealing.

"Here's your coffee sir. Enjoy." I smiled a little to our first customer and bumalik na sa tapat ng bartender.

"Good. Now, check the cookies and erase the writings sa ating menu."

"Huh? Kala ko-" Hindi ko na tinuloy baka mapagalitan ako. He raised his eyebrows at me pero doon siya sa coffee nakatingin. Buti na lang at baka manginig na ako sa takot kapag meron pang magalit sa akin dito.

"Huwag mo masyadong pakagalingan ang pagtatrabaho, relax ka lang." sabi ni ate Jenna. Siya lang ang nag-iisang babae na kasama ko dito at siya lang ang mukhang chill kausap. Mga lalaking mga seryoso at masusungit ang nandito eh.

"Gosh, ate Jen, inaapi nila ako. Kanina pa nila ako inuutusan. Ngalay na ang mga feet ko huhu. Hindi pa ako nakakapagpahinga."

Sumama naman ang timpla ng mukha ni ate Jenna. Kinabahan nga ako akala ko ako ang pagsasabihan niya. Bigla siyang nagpatawag ng meeting at pinagsabihan ang staff na wag akong alilain dito. They sent dagger looks at me pero okay lang at shield ko si ate Jenna.

"You fools! Akala niyo hindi ko nalalaman ang pinaggagawa niyo? Kanina pa may ginagawa si Kia at hindi man lang nakaupo ng saglit para makapagpahinga. Ano na lang ang sasabihin niya sa ate niya? Na inaalila natin siya dito?"

They all look guilty and apologised to me maliban sa isa. Yung soft boy looking na pinagkakagulkuhan ng mga babae kanina hindi man lang naguilty.

Eh siya nga ang maraming utos sa akin. Inutusan akong maglinis ng tables, magtapon ng basura, maghugas ng mga platito at cups, at inutusan niya akong maglinis ng boong coffee shop sa uwian. Napakasama talaga niya. Kapag nakita ko siya sa labas ng trabaho, sisipain ko siyan ng malakas. 

"Hay, sa wakas tapos na rin."

Ate Jenna patted my head and ruffled my long straight hair. Her eyes are telling me that I did a good job this day despite my failures kanina sa pagbrew ng coffee.

"You should go home and rest. Bukas tuturuan kitang magbake ng favorite mong cookies."

"Thank you ate." I took the chance to hug her at medyo hinigpitan ito. She looked shocked for a bit but she embraced me back.

"Kapag maraming inuutos sa'yo isusumbong mo sa sakin para naman mapagsabihan ko sila."

"Noted." 

She went ahead to catch a bus at ako ay naiwan sa tapat ng closed na coffee shop. Hay, medyo matatagalan ang sundo ko dahil sa traffic. Malayo kasi ang bahay namin and I don't know how to commute naman. May spare na car din naman sa bahay but I don't know how to drive. My whole body is achy because of the work pa.

Inip na inip na ako sa kakahintay nang may bumusinang motor sa harap ko.

"It's late."

"So?" Bakit ba nandito tong soft boi looking na hindi naman soft ang ugali. Kakairita pa naman ang mukha niya.

" So you should go home."

"I know! I'm waiting for our driver to sundo me here. Leave ka na nga. Nakakairita pa naman ang pagmumukha mo."

He looked like an offended rock at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Hindi naman ako nadadala sa charm niya. Tse! Hindi siya si Prince Charming.

"Nandito nga ako sa harapan mo para ihatid ka, nagsusuplada ka pa sa akin. Nagmamagandang loob na nga ako."

Weh di nga??



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching the EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon