Maaari Bang Saktan Na Lang Natin Ang Isa't Isa?

33 2 0
                                    

- a poem that's collaboratively written by two writers.



Writer Mckie Nituda:

Sa mga gabing napupuno ng mga sana lang at kaya pala
Binubugbog ako ng mga pag iisip na paano na?
Nagugulumihanan sa eksenang ayaw kitang pakawalan ngunit nararapat na bitawan
Gusto kitang yakapin kahit malayo pa ang pagitan

Ngunit... paano nga ba gigisingin ang sarili sa kahibangang napupuno ng pagdududa?
Paano kukumbinsihin ang sarili na tama na at hindi na pwede talaga?
O paano ko pipigilan ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa paanan?
Kung ayaw kitang mawala, paano kita pakakawalan?

Maaari bang saktan na lamang natin ang ating sarili?
Maaari bang magkunwari na lang tayong masaya at bumalik sa sitwasyon tayo ay nasa ayos pa?
Maaari bang magkunwaring totoo pa ang yakap mo?
O maaari bang wag na?

Sa mga gabing nilalamon ako ng kalungkutan,
Sa mga gabing wala na akong makapitan,
Sa mga gabing puro "ayoko na" ang aking pinagsisigawan,
Palaging may namumuong sana...

Sana pala ako pa.

Writer yoursexyeli_012:

Sana pala mabuti nalang ang mga bituin, ang mga tala
Upang iukit ang ating mga pangalan sa tadhana
Sana pala kaya nating mahalin ang isa't isa nang malaya
Malayang maging masaya, damhin ang presensya mo, at sambitin ang katagang "Mahal kita"

Sa bawat minuto at segundong ako ay nakakapit at nakahawak
Sa lubid ng pagmamahal na ating pinilit na binuo
Na kahit tinakasan ang kapalaran at ang dapat na kahihinatnan nitong pag-iibigan
Nagmatigas ang ulo, nilabanan ang dapat, masigaw lang na "Ikaw ang gusto"

Sa mga nakasulat sa mga bituin ay ipinkit ang mga mata
Sa kadahilanang hindi ko makakayang makita
Na hindi 'tayo' ang dapat
At ang ikaw at ako ay hindi nakatadhana

Kaya't damdamin natin ang bawat sakit, ang pagdurugo, at lapnos
Ang bigat ng pataw na siyang ginhawa sa bawat tibok ng ating puso
Ang pagtalikod sa dapat, Ang pagpapatuloy nitong masakit na pagiibigan
Dahil mas nanaisin pang masaktan kaysa mawalay sa isa't isa

At sa pag-agos ng luha sa ating mga mata, siyang kasabay ng isang katanungan

"Maaari Bang Saktan Na Lang Natin Ang Isa't Isa?"








Writer's Note:
:>

The Contents of My HeartWhere stories live. Discover now