Chapter 35

800 53 10
                                    

#EmbracingDarknessCH35

My girlfriend

Tangkang aalis na ako kahit labag 'yon sa loob ko at iiwanan sila nang matigilan ako sa paghakbang nang may humawak sa kamay ko. Napalunok ako nang malingunan si Dark na seryosong nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay namin na pinagsalikop niya pa isa-isa ang mga daliri namin.

"Hindi ako sasama sa kanya," saad niya dahilan para magsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinarap niya si Helene na tila hindi makapaniwalang pinakatitigan siya bago pagak na tumawa at umiling-iling. Kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"I-I can't believe you, Carter. Matagal mo nang gustong makita si Tita Cheska--"

"Yes. Matagal ko nang gustong makita siya at alam na alam mo 'yon, pero alam mo ang hindi ko gusto, Helene. Iyon ang gamitan ako ng kahinaan ko para pilitin akong gawin ang gusto mo. I hate someone who manipulate me, you know that or maybe you don't...kung anuman ang balak mo para sa paglipat dito sa Adamson at pagkausap sa girlfriend ko. Quit it, Helene. Have some respect for yourself. This isn't you, Helene."

Nangatal ang labi ni Helene ngunit bago pa siya makapagsalita ay binalingan na ako ni Dark.

"Let's go, brat," saad niya at hinila na ako paalis ngunit kapwa kami natigilan nang marinig ang paghabol ni Helene.

"I hate you, Dark. This isn't me? Alam mo kung bakit ako nagiging ganito. I-it was because of you."

"Huwag mong isisi sa akin ang pagbabago ng ugali mo, Helene. It was your choice, not mine."

Nang makalabas kami sa fire exit at makalayo-layo ro'n ay binitiwan ako ni Dark at hinarap ako.

"Gano'n-ganon na lang Claudine? Akala ko ba gusto mo ako?"

"Huh?" tingala ko sa kanya hindi maunawaan ang sinabi niya.

Masyado ding mabilis ang tibok ng puso ko hindi mapaniwalaan ang nangyari kanina. Pinili niya ako imbes na sumama kay Helene na posibleng makatulong sa kanya para mahanap niya ang mommy niya.

Pinili niya ako!

This is so lit!

He sighed. "Ibibigay mo talaga ako nang gano'n gano'n lang?"

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at napalingon sa pinanggalingan namin biglang naunawaan ang ibig niyang sabihin. Dali-dali akong umiling at bago pa napigilan ang sarili ay nilundag siya at niyakap siya. 

Walang pakialam kung may makakita sa aming dalawa. 

"Hindi ah! I don't want to. Hindi kita gustong ibigay kay Helene kaso alam kong gusto mo talagang makita ang mommy mo eh," saad ko at sandaling nakaramdam ng kilabot sa katawan nang maramdaman ang braso ni Dark na pumulupot sa bewang ko. Akala ko'y itutulak niya ako dahil anumang oras ay may pwedeng makakita sa amin ngunit ipinatong niya ang baba sa balikat ko.

"Silly. Even if I still want that, you shouldn't just agree to it like that. You're my girlfriend. I'm giving you the authority to hold on to me, to prevent me from being with another woman aside from you."

Suminghot ako at nakagat ang labi ko nang mag-init ang mga mata ko. Bumitiw siya sa akin at napapakamot sa kilay na pinagmasdan ako. "You're crying?"

Kagat-labing tumango-tango ako at kinusot ang mga mata kong nag-iinit. "Yes. You're making me cry with your words eh," hikbi ko. 

Mahina siyang tumawa at pinisil ang tungki ng ilong ko. "Crybaby talaga. Let's go, I'm hungry and I bet you're hungry, too," pag-akbay niya sa akin. "What's this?" pagkuha niya sa insulated lunch box na dala-dala ko. 

"Lunch natin. Sabi mo sabay tayong kakain di ba, so I prepared lunch for both of us."

"Oo pero ibibigay mo nga ako kay Helene--"

"Hindi na nga! Hindi na talaga mauulit. Kahit ano pang sabihin niya, hindi na kita ibibigay--mali, I mean hahayaang sumama sa kanya, never!" putol ko sa kanya at umabrisete't hinilig ang ulo sa braso niya. 

Kita kong nagsinghapan ang mga grupo ng mga estudyanteng babae na makakasalubong namin ngunit tila wala namang pake doon si Dark at nagpatuloy lang kami sa paglalakad na dalawa. 

I started asking him about his likes and dislikes. Gusto kong malaman ang lahat sa kanya para mapatunayan kay Helene na kaya kong gawin 'yon nang hindi niya sinasabi dahil ako ang girlfriend ni Dark at hindi siya. 

Mga simpleng bagay lang ang tinanong ko at ihuhuli na ang mga pribadong tanong na gusto kong tanungin din sa kanya. Gaya ng pamilya na meron siya.

Nakarating kami sa cafeteria ng school at magkahawak-kamay na lumapit kami sa mesa kung nasaan ang kapwa mga ka-banda niya na Paradox. Nandoon na rin si Tiara na nanunukso ang tingin na sinulyapan ang magkahugpong naming mga kamay. 

"Talagang all-out na si leader ah," panunukso nila Rex sa kanya pero hindi naman sila pinansin ni Dark at inilagay sa mesa ang insulated lunch box na dala-dala ko. 

Namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto. May kasabay kaming kakain at makikita nila ang inihanda ko kay Dark.

"Wait--how about bili na lang din tayo ng food like them? Baka hindi mo magustuhan luto ko eh--"

"Kahit ata itlog lang 'yan five-star na ang rate ni Leader, Claudi," pagtawa ni Wade na sinang-ayunan naman nila Rex at Drew. Samantalang itong kaibigan ko namang si Tiara ay nanunukso ang tingin sa akin.

"Nakakahiya..." bulong ko kay Dark at pinigilan ang kamay niya na buksan ang lunch box na inihanda ko.

"Ano bang laman nito at hiyang-hiya ka diyan?" tila pinipigilang tumawa na tanong niya sa akin.

Bago pa ako makasagot ay nabuksan niya na 'yon matapos alisin ang kamay ko mula roon. Tila ngayon ko lang naisipan ang posibilidad na may makakita nito. 

Bumungad ang kanin na korteng puso. Sa ibabaw no'n ay may mga beans na ibinuo kong mga letra. 

ILY

Nag-init ang mga mukha ko nang maghiyawan sila Rex. 

"Hey, stop teasing na nga si Claudi! Pinaghirapan niya 'yan!" pananaway nila Tiara sa kanila pero hindi ko alam kung seryoso bang tinutulungan ako dahil tumatawa-tawa din siya. 

Pinaglalabas pa ni Dark ang mga kasunod no'ng layer ng lunch box na may mga disenyo rin. 

"Ang cute at mukhang masarap! Parang mas masarap kumpara dito sa mga binili namin. Penge kami!" ani Drew tangkang kukuha ng sausage pero malakas na hinampas ni Dark ang kamay niya at malamig ang mga matang sinulyapan siya. 

"Mine," saad niya at inilabas ang cellphone niya't pinagpipiktyuran iyon. Tila naglaho ang hiyang naramdaman ako sa nakitang ginawa niya at naramdaman ang paghaplos sa puso ko. 

Hay nako, Darky, you're so nakakainlove na talaga!



Embracing DarknessWhere stories live. Discover now