Chapter 17

2.5K 136 35
                                    

#EmbracingDarknessCH17

Crybaby

Sisigok-sigok na luminga-linga ako sa paligid at kinabahan nang lumingon ako ay napalayo na ako sa parking lot ng bar na hinintuan ni Dark kanina.

No money. No phone. It's already midnight.

What shall I do?

Nang mapagtanto ang sitwasyon ko ay muling bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Nanakit ang paang naupo ako sa gilid ng kalsada. Scared. Bruised. Hurt.

Ganito ba talaga kahirap ang love?

Umiiyak na hinubad ko ang shoes ko at pilit pinigilan ang pagbunghalit ng iyak pa nang makita ang paltos ko roon. Physical pain will never be my thing. Well, sino ba namang gusto masaktan?

Yumukyok ako at umiyak silently asking for help.

Mommy...Daddy...Klodieeeee!

"Are you planning to sleep here?"

Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ang boses na 'yon. Pagtingala ko ay bumungad sa akin si Dark na nakapamewang sa akin.

"Crybaby..."

Sumimangot ako at sa unang pagkakataon ay wala akong pake sa hitsura ko.

"I'm not!"

"Yes, you are," aniyang ikinagulat ko ang pagluhod at paglagay ng suit niya sa balikat ko. "Wipe your tears, crybaby," sabay lapag ng panyo sa hita ko.

"H-Hindi nga sabi ako—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang abutan niya ako ng chocolate bar.

"What's that?"

"Chocolate for a crybaby like you."

"Don't treat me like a kid!"

Napalunok ako nang ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko.

No! Galit ako! Hindi ako puwedeng kiligin—Oh my gee!

What the hell is he doing?

Binuksan niya ang chocolate bar na hindi ko pa rin iniaabot at idinikit niya sa labi ko. Automatically, I opened my mouth and ate the chocolate.

Parang bata na nginuya ko ang tsokolateng ibinibigay niya. Nasa huling kagat na ako nang magsalita siya ng lengguwaheng hindi ko na naman maintindihan.

Hindi lang ang lengguwahe niya ang hindi ko maintindihan kung hindi siya rin mismo.

"I don't u-understand you," saad ko at pinagmasdan siyang tupiin ang pinagkainan kong tsokolate at ibulsa.

"You don't have to understand me," nakangisi niyang tugon.

"No, you're so magulo! You make me so confuse; di ba you brought me here to hurt me? Para maipakita ang dahilan why can never like me?! Then, why are you here comforting me with those chocolates?! If you want me to dislike you, then give me enough reasons! Hindi iyong ganito ka—"

Napatili ako nang bigla niya akong buhatin. Sumikdo ang puso ko at napakapit ako sa leeg niya sa takot na mahulog.

"You're too loud, crybaby..."

"I-Iyong shoes—"

"Nasugatan ka na no'n bakit gugustuhin mo pa ring isuot?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ang pakiramdam na tila hindi yata sapatos ang tinutukoy niya.

"Yeah...how fool of me to still want a thing na nasaktan na ako..." bulong kong mukhang hindi niya narinig nang may humarurot na motor dahilan para umingay ang paligid.

Embracing DarknessWhere stories live. Discover now