Umuulan na naman

13 1 0
                                    

Umuulan na naman,
bakit kaya'y walang katapusan?
Bawat minuto'y binabalik-balikan,
handog nito'y ambon sa aking nararamdaman.

Ang mga patak nito'y alaala;
mula sa mga namumutlang ulap
na nasa langit nitong sinasamba
ay mabagsik pa sa bagyong tumutula.

Kasama nito'y mga hampas ng hangin,
malamig pa kaysa sa aking paningin.
Subukan niyo itong pansinin,
kayo'y tuluyan nitong giginawin.

Sa pagtakbo ng siyang orasan,
bugso nito'y muling lumalakas.
Ito'y tila isang problemang hinahayaan,
lumalala lamang sa tamang takda.

Minsa'y ikaw ang pinaghandaan
ngunit ika'y hindi naman dumaan.
May mga araw na ika'y tuluyang nakalimutan,
kaya't ako'y iyong muling binalikan.

Ikaw ba'y isang pagsubok?
Na maghahandog sakin ng takot at tukso
O kaya nama'y isang munting payo?
Na tumuloy gaano man kadami ang multo.

Ako'y nalilito sa balagtasan ng itaas
sapagkat ito'y pawang mga isipan
na kailanma'y maituturing lamang na mga luha
kaya't ako'y naglalakbay.

Kapote'y gagamitin para sa hirap,
bota't payong ko'y aking sasamahan.
Tuloy-tuloy na paglalakad sa daan
upang mahanap ang mga kasagutan.

Kaya't tuwing umuulan,
ito'y aking sasabayan
ng mga iba't-ibang galaw at salita,
hanggang sa ito'y humupa na.























tula tulaWhere stories live. Discover now