chapter 1

6 0 0
                                    

"Anak! Ano! bangon na mag sisimba pa tayo, 6:34 na maliligo ka'pa baka ma late ka sa simbahan" sigaw ni mama sa baba

Ah it's Sunday pala.

Naligo na kaagad ako at bumaba na kinuha ko yung sutana ko at kumain na "Ma, after ko mag simba may pupuntahan ako" sabi ko

"Saan? Sa jowa mo?"

"Lah? Wala naman akong jowa eh!" Sagot ko kaagad

Eh wala naman talaga!

"Mag ingat ka mamaya ha" sabi nito, tumango lang ako at kumain na. Kunti lang ang kinain ko, wala din naman kase akong gana kumain pag umaga

"Ma una nako! Kita nalang tayo sa simbahan"

ako nalang yung sakristan dito samin si ate sakristan dati pero nabuntis siya kaya tinigil niya na bawal din naman mag sakristan yung may anak na, so ako nalang, lector din naman si mama and about my father, my mother and my father is already divorced.

"hi Chiya good morning" bati sakin ni john he's a altar server like me.

"hello john"

hinanda lang namin ang mga dapat ihanda, no need to worry din naman kase lima kaming sakristan na nag serve ngayon.

Maya maya ay nag start na ang church. Focus lang ako sa pag se-serve ng may nakita akong lalake naka tingin sakin, mataas siya matangos ang ilong at  attractive. Pero hindi ko nalang ito pinansin at nag focus na ulit

Wala naman akong paki sa tumingin saming mga altar server, Normal lang naman talaga kami tignan kase minsan na cu- curious din ang mga tao samin.

Mga 9:2AM tapos na ang simba namin nasa likod pala kami ngayon sa simbahan at hinubad ko na ang aking sutana (sinusuot ng mga sakristan) at lumabas na

"Ate!" Tawag sakin ng bata "ate what's your name daw po sabi ni khuya ko" tanong ng bata

"Where's your kuya pala baby?" Tanong ko

"Yun po!" Sinundan ko naman ng tingin yung tinuro ng bata pero wala naman tao dun "lah where's kuya??"

"haha by the way I'm chiya" sabi ko at ngumiti. "Ikaw whats your name baby?"

"Jay po" sabi nito at niyakap ako "ate you're so ganda po, I think my kuya likes you, by the way ate chityah, alis nako" paalam nito sakin at ngumiti lang ako

"Take care, Jay." Sabi ko at tumakbo na siya patungo sa nanay niya

Pumunta nako kila john at nag paalam na kase pupunta pa'ko sa bahay nila Aya para gumawa ng project

Aya :

Hoy babaeta!

Chiya :

going na, antayin niyo nalang ako jan, anjan na'ba sila lahat?

Aya :

Yes.

Ilang minuto ay nasa labas nako ng gate nila Aya

"tao po" sigaw ko sa labas

"wag kanang pumasok babaeta ka!" Sigaw naman ni Aya at binuksan ang gate "tagal mo naman! Andito si crush!"

"Eh?"

Pumasok nako at hinanda ang mga project namin, si Aya ang nag sabi na dito nalang daw kami sa bahay nila kase siya lang din naman mag isa at nasa work ang mommy at daddy niya

Chasing The Universe (Series #1)Where stories live. Discover now