Prologue

22 7 6
                                    

。⁠.゚⁠+⁠ THIRD PERSON'S P.O.VᏊ

"Amirita tara laro tayo! Binilhan ako ng bagong laruan ni Mommy, sabi pa niya maglaro daw tayong dalawa!" Masiglang sabi ng batang babae sa kaibigan nito.

"Sorry, Yinona, pero hindi ako pwede ngayon, eh. Baka pagalitan ako ni Mama kapag nahuli nanaman niya tayong magkasama." Malungkot na tugon ng batang si Amirita sa kaibigan.

Gustuhin man niyang makipag-laro ngunit siguradong madadamay nanaman si Yinona sa galit ng kaniyang Ina kaya mas mabuti kung hindi muna sila magkikita.

"Amirita!" Buong lakas na sigaw ng ginang kaya naman napalingon ang dalawa sa direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon.

Nanginig na lamang sa takot si Amirita dahil sa nanggagalaiti nitong Ina habang papalapit sa kanila. "Halika nga ditong bata ka, lintik ka talaga, eh, 'no!? Sinabi ko nang wag kang makikipag kaibigan sa pisteng 'yan! Hindi ka ba talaga marunong makinig?!" Napaiyak na lang ang batang si Amirita sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng Ina.

Sa sobrang takot ng batang si Yinona ay napatakbo na lamang ito palayo ngunit paminsan-minsan ay lumilingon ito sa kaibigang si Amirita na pinapalo ng kanyang Ina.

Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit sa kaniya ang Ina ng kaibigan, gayong wala naman itong ginagawang masama at gusto niya lamang maging kaibigan si Amirita.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Kinaladkad ang batang si Amirita ng kaniyang Ina patungo sa malaking aparador at kinulong doon. "Hindi ka lalabas hanggat hindi ka nagtatanda!" Bulyaw sa kanya nito.

Hindi naman ito umiimik o sumasagot sa kanyang Ina dahil kahit anong gawin nito ay hindi niya lalayuan ang taong nagsilbing liwanag niya sa mundong akala niya ay madilim.

Si Yinona ang tanging tao na naging karamay niya sa tuwing nalulungkot o umiiyak siya, kaya nangako ito na kahit anong mangyari ay hindi siya lalayo dahil lang sa kagustuhan ng Ina.

Ang pangako nila sa isa't isa ay kaniyang panghahawakan hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF PROLOGUE🥀💫

(A/N) :: Don't forget to vote and comment!💚

FORTUNE PLAY SERIES #2💫

Paano kung mawala sayo yung taong nangako na mananatili sa tabi mo? Makakayanan mo bang harapin ang bukas na nakasanayan mo ng ikaw nalang?

May mga pagkakataon na akala natin napaka-perpekto na. 'Yun bang akala mo wala nang hangganan at katapusan, 'yun pala ay iyon na ang sukdulan ng kasiyahan at hindi mo alam kung kailan ulit masusundan.

Ito ang kwento ng dalawang magkaibigan na sabay na lumaki at nagkaisip. Magkasamang bumuo ng mga pangarap at parehong nangako ng pang-habang buhay na pananatili sa isa't isa.

Ngunit, tadhana na mismo ang sumulat ng kanilang kapalaran at nangyari na ang hindi nila gustong mangyari.

"Kung ito man ang itinakda ng tadhana, sino ako para hadlangan ang ating kapalaran? Ikaw ang nag-bigay at nag-silbing liwanag sa madilim kong mundo. Sa iyong pag-alis baunin mo sana ang mga pangakong ating binitawan. Adios Mi Luna."
- Amirita Lazaro to Yinona Gutriez.

Date Started :: September 03, 2023
Date Finished :: ???

Adios Mi Luna (ON GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant