Chapter 1 - Fabula of the Present

17 5 1
                                    

AMIRITA GUTRIEZ |P.O.V|
19 YEARS OLD
1ST YEAR COLLEGE
🌑✨
PRESENT TIME

___________________________________________

Mula sa kinauupuan namin ni Yinona, kitang-kita ang mga batang naglalaro sa tabi ng kalsada, mga matatandang nag chi-chismissan at mga kabataang pauwi pa lang galing eskwelahan.

Kasalukuyan kami ngayong nasa taas ng puno ng mangga, habang kumakain ng street foods na binili namin paglabas pa lang ng school.

Dito ang tambayan naming dalawa tuwing uwian dahil dito ay nakakalanghap kami ng sariwang hangin at isa pa, hindi kami makikita ni Mama na magkasama sa tuwing nakatambay kami dito.

Kapag kasi nasa tabi-tabi lang kami for sure makikita niya kami, pero kapag dito sa puno, hindi masasagap ng radar niya ang presence namin.

"Nagawa mo na ba assignment kay Prof. Cynthia?" Tanong sa akin ni Yinona at alam ko na kung anong kasunod neto.

"Oo," simpleng sagot ko.
"Ayos! pakopya ako ah?" ngising aso niya kaya napa-iling na lang ako.

Magsasalita pa sana ito ngunit hindi na nito nagawa pa dahil may narinig kaming sumisigaw mula sa ibaba ng puno—pareho kaming napatingin doon. Si Ursula impakta pala—kapatid ko.

"Amirita! Bumaba ka d'yan o isusumbong kita kay Mama!" Bulyaw niya kaya wala akong nagawa kundi bumaba na lang kesa naman malaman ni Mama kung saan ang lungga namin ni Yinona, mahirap na.

"Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo, labhan mo yung mga damit ko? Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ginagawa? Alam mo namang wala na akong isusuot bukas," putak ni Ursula sa akin pagbaba namin sa puno.

"I'm sorry, nawala sa isip ko," sagot ko agad. Sa sobrang daming ginawa sa school na activities, nakalimutan kong may gagawin nga pala ako pag-uwi.

"Nangangatwiran ka pa," ismid ni Ursula, sabay dutdot sa ulo ko. "Kung hindi ka ba naman tatambay-tambay kasama 'yang bruha na yan, di nagagawa mo sana ang mga trabaho mo." Nonsense niyang pangaral saka mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

"Hayyy! Ang impakta talaga ng babaeng 'yon, lagi nalang akong tinatawag na bruha, eh, mas bakulaw nga siya," inis na bulong ni Yinona na ikinatawa ko. Mabuti na lang at sanay na kaming dalawa kay Ursula, na pinaglihi yata sa kasamaan ng mundo.

"Mabuti pa at umuwi kana, baka hinahanap kana rin sa inyo, lalo na ng Mommy mo." Sabi ko, sabay ayos ng mga gamit ko, ganon din naman siya.

"Gusto mo ba samahan na lang kita maglaba?" Habol pa nito nang talikuran ko siya. "Hindi na, umuwi kana at magpahinga." Sagot ko sabay kaway sa kanya, hudyat na kailangan ko nang umalis at wala na siyang magagawa pa.

☆゚⁠.⁠*⁠。☽・⁠。゚♡

Dumiretso agad ako sa kwarto para kuhanin ang mga labahan ni Ursula. Ako ang naglilinis, naglalaba, namamalengke, at kung ano-ano pa sa bahay na ito. Pero mabuti na lang hindi ako ang taga-luto, dahil natatakot sila na baka lasunin ko sila.

Madalas kong hindi masunod ng sabay-sabay ang mga utos ni Ursula at Mama kaya bulyaw, sampal, at sabunot ang inaabot ko sa kanila.

Hay, life.

Napabuntong hininga na lang ako habang kinukusot ang mga damit ni impakta. Kung pwede lang, mas gusto kong kusutin mukha niya. Nakakairita!

Nang mamatay ang Lolo ko noong bata pa ako, naging muchacha, katulong, alila at alipin na ako sa pamamahay na ito. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin si Mama, minsan tuloy iniisip ko baka hindi niya ako anak at si Lolo lang talaga ang pamilya ko.

Siguro kung buhay pa siya, hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may pumatak na luha sa pisngi ko. Mabilis kong ipinahid sa suot kong damit ang mga bula sa kamay ko para punasan ang mata kong nabasa dahil sa luha, baka makita pa nila at punahin ang kadramahan ko.

Tinapos ko na ng paglalaba at nang maisampay ang mga nilabhan ko ay tumungo na ako sa maliit at munti kong kwarto para mahiga sandali. Ayos lang kahit maliit lang ang kwarto ko ang importante hindi ko makakatabi si impakta.

Nang masigurong naka-lock na ang pinto ay kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng unan. Hindi alam nina Mama at Ursula na may cellphone ako. Ibinigay lang sa akin ito ni Yinona noon.

Speaking of Yinona, may limang messages ako na lahat ay galing sa kanya, yung dalawa ay emoji lang.

"Nakauwi ka na ba?" Sabi sa unang message na sinundan ng: "Busy ka na maglaba 'no?" Nang mainip siguro dahil wala akong reply ay muling nag-text at sinabing mag reply na lang daw ako kapag tapos na ako sa mga gawain ko.

"Oo, kakatapos lang." Bumangon ako nang maalala kong i-se-send ko pa pala sa kanya yung assignment namin kay Prof. Cynthia.

Pagka-send ay lumabas na ako para sana kumain, kaso lang ay pagbukas ko sa kaldero ay wala nang naiwan na kanin, puro tinik na lang din ng isda ang naiwan sa lamesa. Siguro ay kumain na sila habang naglalaba ako.

Psh

Nagtimpla na lang ako ng kape at dinala sa kwarto ko, okay na 'to ang mahalaga maiinitan yung tiyan ko, kasi kung magrereklamo pa ako baka sabunutan lang ako ni Mama.

Ni-locked ko ulit yung pinto ng kwarto ko at nagsimulang mag scroll sa fb dahil hanggang ngayon hindi pa nagrereply si Yinona, busy siguro lumamon.

Bigla namang kumulo ang tiyan ko kaya humigop ako ng kape para maibsan ang gutom.

Nang magpop-up sa screen ng cellphone ko ang mukha ni Yinona ay mabilis ko iyong binasa.

Yinonananababanana:
Thank you sa sagot! Libre kita bukas.

Welcome, kahit burger at
coke na lang hahahahaha

Ilang oras pa kaming nagbiruan at nag-usap ni Yinona bago ko naisipang matulog, dahil maaga pa akong gigising para maglinis ng bahay bago umalis at mag plantsa ng mga damit nina Mama at Ursula.

Umayos na ako ng higa at pinilit ang sariling makatulog hanggang sa unti-unti nang bumagsak ang talukap ng mga mata ko.

ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ﹏ლ

END OF CHAPTER 1🌑✨

(A/N) : Don't forget to vote and comment!💋💗

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 06 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Adios Mi Luna (ON GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora