PROLOGUE

1K 41 9
                                    

FOUR YEARS AGO;

"Oy Zara wake up! Bumangon kana dyan!"Bulyaw sa akin nitong magaling kong ate.

Tinatamad parin akong bumangon at ni pagmulat ng mata ay hindi ko magawa.

Pakiramdam ko tuluyan ng naging magnet ang katawan ko sa kama ay ayaw nang uminat.

Nanatili parin akong nakahiga sabay talukbong ng kumot sa buong katawan ko.

Maya-maya ay nandyan nanaman ang ate ko panay hampas sa akin at hindi pa siya nakontento nang hilain nito ang kumot dahilan upang mapabaluktot ako sa sobrang lamig.

"Hindi kaba talaga babangon dyan Zara?"Nagsalubong na kilay nitong sigaw sa akin.

Kaya wala akong nagawa kundi ang pilitin ang sarili na bumangon kahit pa wala halos akong lakas na i-unat ang aking katawan.

"Ate naman eh! Inaantok pa yung tao eh! At saka walang pasok ngayon. Bakasyon na!"Garalgal na atungal ko.

"Alam ko, pero my lakad tayo ngayon kaya maligo kana bilisan mo, hihintayin kita sa labas. Within 5 minutes dapat tapos kana!"Ma-awtoridad nitong sabi habang panay sulyap sa relo nito na para bang naghahabol lang siya ng oras.

Maigi pa ay bumaba na ako sa kama."5 minutes? Seryoso ka ate? Pang tootbrush time ko lang yun eh!"Nakabusangot kong demand.

Napapikit-mata ako ng ihagis nito sa mukha ko ang isang twalya sabay wika nang..."Wala nang maraming satsat pa Zara. We're running out of time, magmadali kana kung ayaw mong kaladkarin pa kita papasok ng banyo!"Turan pa nitong aniya na kulang nalang uusok ang butas ng ilong sa inis.

Ako naman ay napasunod nalang sa nais nito ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng banyo ay agad naagaw ng atensyon ko ang suot nito na puro black mula ulo hanggang paa na siyang ipinagtaka ko.

Knowing my big sister Redyosa, wala siyang ibang kulay na sinusuot maliban sa red. But this time ay nakakapanibago na para bang napaka importante ng lakad niya.

"Ate...you look so different today, anong meron?"Pagtatakang tanong ko.

"May mission ako na napaka importante, kaya iiwan na muna kita sa kaibigan ko."Tugon niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi nito na hindi ko nagustuhan. Kaya padabog akong lumapit sa gawi niya."Anong ibig mong sabihin ate? Mission nanaman? Hanggang kailan ba matatapos yang mission mo? Tapos ano? Don mo nanaman ba ako iiwan sa kaibigan mong walang ibang ginawa kundi lumubog sa pool. Kulang nalang mag mistulang serena yun eh!"Mahabang atungal ko at sa mga sandaling iyon ay halos pasigaw na ako magsalita sa harapan niya.

Narinig ko pa siyang napabuntong-hininga."Wag nang maraming katwiran Zara. Kailangan muna kita iwan sa kaibigan ko, to make sure na hindi ka gagawa ng kalokohan pag wala ako dito ng ilang buwan. Sa ugali mong yan, hindi pa kita kayang hayaan na maging independent dahil sa puro troubles lang dala mo! Maigi na yung don ka muna kay Cecil dahil alam ko mababantayan ka non. Kaya sige na maligo kana, dapat makaalis na tayo agad dahil baka naghihintay na si Prince."Pangangatwiran naman nitong aniya.

Bwisit!

Bakit ba kasi napaka loyal niya sa Prince na yon. Sa tagal na niyang nagtatrabaho sa prince kuno na yon ay halos wala na siyang time para sa'kin! Puro nalang siya Prince...Prince! Sana mag-ala palaka prince na ang bwisit na yon. Kainis!

Pagmamaktol pa nang isa kong diwa dulot ng matinding pagkainis.

Paano ba naman kasi, masyadong nakakahibang ang pagiging masunurin nitong ate ko na ito sa boss niyang yun.

(R-18) Obsessed With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon