CHAPTER 1

284 23 10
                                    

"BAKIT nakatunganga ka dyan? Anong tinitingnan mo Zara?"Untag na tanong sa akin nitong ka-trabaho ko dito sa isang maliit na convenience store.

Napabuntong hininga kong ipinatong sa counter desk ang chin ko."Nakikita mo ba ang dalawang yon Sofia?"Sabay nguso ko sa dalawang magkasintahan na sa tancha ko ay nasa high school pa lang mga iyon na abala sa pagharutan habang namimili ng mga chocolates.

Naramdaman ko naman ang pagpatong nito sa kanyang back pack malapit sa mukha ko."Oh, eh ano naman ngayon?"

"Nandito nanaman sila para magharutan. Tingin mo, magkakatuluyan kaya mga yan?"Nakangusong turan ko sabay titig parin don sa dalawa.

"Ano naman ba pakialam mo kung magkakatuluyan ba mga yan or hindi? At kung magharutan sila dyan wala kana dun."Sita naman nitong sabi at agad bumalik sa likod ng storage room para iligpit mga gamit nya.

Hindi nalang ako umimik pa, may point naman din kasi siya sa kanyang sinabi.

Diko lang kasi maiwasan hindi mabahala dahil alam kong masyado pa silang mga bata.

Hayyysst! Who cares.

Napaunat naman ako ng upo at pikit-matang isinandal ang likod sa likod ng upuan upang mag-isip.

Nang muli kong marinig ang harutan ng dalawang magjowa.

"Kung meron tag-ulan at tag-araw, bakit ang ganda mo araw-araw?"Boy.

"Charger kaba? Kasi mamatay ako kapag wala ka."Girl.

"Lahat ng tao iba-iba ng pananaw katulad ko,walang ibang tinatanaw kundi ikaw"Boy.

"Unan kaba? Kasi di ako makatulog pag wala ka, yieee."Banat naman ng batang babae sabay tili ng nakakaloka.

"Ballpen nga kinakagat ko, labi mo pa kaya?"Hirit ni boy.

Don na ako hindi nakapag pigil at padaskol na tumayo sabay hampas ng malakas sa counter table dahilan upang mapalingon sa akin ang dalawang uhugin.

"Oy Neng, Dong. Lapit nga kayo dito dali!"Usal ko sa dalawa sabay sinyas na lumapit sa gawi ko.

"Bakit po?"Pa- inusenteng tugon naman ni girl.

"Basta lumapit nalang kayo bago pa sumabog ang dugo ko sa inyo! Bilis!"Pinanlakihan ko sila ng mata.

Alinlangan man ay wala silang choice kundi lumapit kahit bakas sa expression ng mga ito ang labis na pagtataka.

"Ano po yun teh?"Takang tanong naman ng lalake.

"Bat ganon biglang nalanta nung aking sinilayan at bigla kong nabasa ang katagang wala kayong pag asa!"Taas kilay naman na banat ko sa dalawa.

"PO?"Napakurap-matang sambit ng batang babae.

Tinitigan ko sila isa-isa ng maigi sabay tanong nang..."May itatanong lang ako sa inyo ah, wag sana kayo ma-offend. Yung totoo,ilang taon naba kayong dalawa?"

"14 po."Sagot ni girl.

"What the...! Ibig sabihin pareho kayong nasa menor de edad?"Halos pigil sa pagsigaw na usal ko sa dalawa.

Sabay naman silang tumango-tango na siyang lalo kong ikinagalit.

"Napaka bata niyo pa my goodness!"Hindi makapaniwalang sambit ko.

"So what naman kung mga bata pa kami? We love each other, diba po, yun naman talaga ang mahalaga?"Atungal naman nung boy.

"Aba'y proud kapa ah? Masyado pa kayong bata. Diba dapat pag-aaral muna atupagin niyo kesa maglampungan dito sa public area?"Sita ko sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(R-18) Obsessed With HimWhere stories live. Discover now