CHAPTER 1

282 12 1
                                    

'What, dwarf?!'

__

BUMABA ako sa sasakyang sumundo sa 'min ni Nanay mula sa bayan at agad na tiningala ang malaking bahay sa harap ko. Bahagya akong ngumuso at napapikit dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Masakit iyon ngunit dahil sanay naman na ay hindi alintana sa 'kin.

"Harper, kunin mo na ang mga gamit mo sa likod ng sasakyan." utos sa 'kin ni Nanay ngunit hindi ko siya pinansin.

Abala ako sa pagtingin ng bahay at sa mga tanim sa labas nito. Hindi pa 'ko nakapasok sa kahit saang bahay na ganito kalaki. Kahit nga sa mall ay hindi ko pa nagawang pumunta. Lagi ko iyong tanaw tuwing susunduin ako ni Thana sa bahay at ililiwaliw sa plasa sa bayan namin ngunit hindi ako kailanman nagtangkang pumasok sa mga nagtataasang building na iyan.

Hindi dahil sa hindi ako pwedeng pumasok kundi dahil ayaw ko. Masyadong maraming tao ang loob ng mall at ayaw kong pinagtitinginan ako. Ayaw kong makakita ng maraming tao dahil naiilang ako.

"Harper, nakikinig ka ba?" Dugtong ni nanay.

"Hindi po." Sagot ko at saka nilingon siya. "Nanay, makakabalik pa po ba tayo sa taniman? Gusto ko pa po na bisitahin si lolo."

"Oo naman. Babalik tayo doon." Ngumuso ako at tumango.

Sa huli, hinayaan ko na si nanay at ang nag drive sa 'min na kunin ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Pagpasok namin sa nagtataasang gate ay agad na may sumalubong sa 'min na babaeng naka pang katulong na uniporme. Kinuha pa niya ang dala ni nanay na malaking bag.

Sana sa labas niya kami sinalubong. Edi sana hindi nahirapan si nanay mula sa sasakyan papasok sa gate.

"Diba po pwede naman ipasok ang sasakyan sa loob ng bahay? Bakit sa labas-"

"Harper," ngumuso ako nang suwayin ni Nanay. Agad nitong pinisil ang labi ko.

Madalas akong suwayin ni Nanay sa tuwing tumatakbo ang kuryosidad sa utak ko. Lagi niyang sinasabi na wala namang mali sa mga tanong at pagsagot ko ngunit baka ikapahamak ko ang pagiging madaldal.

Hindi naman ako madaldal eh. Minsan lang kapag may mga nakikita akong nagpapalikot sa utak ko. Madalas kong kwestiyunin ang mga bagay bagay at kapag may tanong ako ay hindi ko maiwasang hindi magsalita.

"Nanay, may butas din po ba ang bubong ng bahay nila?" Tanong ko nang paupuin kami ng maid sa sofa. Tiningala ko ang mataas nilang bubong. Malabo ata na may butas.

"Harper Tinsley, huwag kang maingay." Sagot ni nanay at inayos ang buhok ko na pumupunta na sa mukha ko.

"Gutom na po ba kayo? O gusto niyo munang pumasok sa opisina ni Sir Enoch?" Tanong ng maid kay nanay.

"Gutom na po ak-"

"Okay lang po kung mauna muna kami kay Sir Enoch." Siniko ako ni Nanay at pinutol ang sasabihin ko.

"Pero gutom na po ako. May Skyflakes po ba kayo dito?" Nakangusong tanong ko sa maid.

"Ah," awkward na tumawa si Nanay. "Pagpasensyahan niyo na po ang anak ko-"

"Bakit tayo magso-sorry eh gutom lang naman ako."

"Harper." Nangunot ang noo ko at inis na iniwas ang tingin kay Nanay.

Sino ba nagso sorry kapag gutom? Kasalanan ba ng tiyan na normal iyong nakakaramdam ng gutom.

Tinuro sa 'min ng katulong ang daan papunta sa opisina ng amo nila. Hindi nga talaga ako binigyan kahit skyflakes lang. Tuloy ay tumutunog ang tiyan ko habang umaakyat sa hagdan papunta sa opisina ng taong pakay namin.

Our Destiny [OUR SERIES #3]Onde histórias criam vida. Descubra agora