CHAPTER 2

249 10 3
                                    

'Harper Tinsley Anais.'

__

"ENOUGH POUTING, bibilhan kita ng fries mamaya. Dadaan tayo sa malapit na fastfood sa school." Binigyan ako ni Thana ng tissue upang ipunas iyon sa pawis ko. 

Kakapasok ko lang sa sasakyan niya pagkatapos niya 'kong sunduin sa classroom ko. Hindi pa rin ako matigil sa kaka reklamo sa kanya tungkol sa pagtapon ng walang modong propesor na iyon sa fries ko. 

"Thana, pwede ba 'kong lumipat ng school? Ayoko dito." Tanong ko pagkatapos kong isuot ang seatbelt. 

"Harper, you have to deal with these kinds of people wherever you go whether you like it or not." Ani Thana. 

"Pero Thana, tama ba na itapon ang fries ko? Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ako nakinig sa usapan nila ha, tumalikod ako at kumain ng fries ko." 

"Baka naman hindi sinasadya ni Prof. Leigh na masagi yung fries mo. And it's also not right to shout at Professors, Harper. I get it that you're just upset with your wasted food but you also have to mind how you reacted to it after. What if may mga taong nakikinig sa inyo? They will think that you're being disrespectful since you shouted first." 

"K-Kinakampihan mo ba siya, Thana?" Umiwas ako ng tingin. Pinili kong tumingin nalang sa labas kung saan nakikita ko ang mga establisyementong nadadaanan namin. 

"No, it's not like that. What I'm trying to do is protect you from people who might get the wrong idea." 

"Okay. Kung ayaw mo ng ganun, I should say sorry to that Professor then." Nagtatampong ani ko sa kanya. 

Ako na nga itong nakunan ng pagkain, ako pa ang magso-sorry. 

"It's not like that. Please don't get it wrong, Har-" 

"Umuwi na tayo. Huwag na tayong bumili ng fries." Pinutol ko ang sasabihin niya. Bahagya akong sumandal sa kinauupuan ko at tinakpan ang tenga ko. 

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Thana. "You don't have to say sorry to Prof. Leigh. What happened was an accident. No one wanted to harm anyone." Aniya. Nagkunwari akong tulog ngunit rinig ko pa rin ang mga sinasabi niya. 

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko kasi makuha kung ano ang punto niya. Hindi naman sa ayaw kong makinig o pagsabihan niya. Sadyang nanghihinayang lang ako sa fries na binili ko. And I don't find any justifiable reason para itapon iyong fries ko. Aksidente man o hindi. 

"Are you sure you don't want fries? It's Jabee. Coke float or anything? I heard you like their chicken?" Rinig kong aniya ngunit hindi ko siya pinansin. 

"You don't want anything? I'll order for myself alone then." Dugtong pa niya. Bahagya kong minulat ang mga mata ko at nakitang lumiko siya sa drive thru ng jollibee. 

Tuloy, gusto kong bawiin ang sinabi ko nang ibaba niya ang window ng sasakyan upang mag order. Umabot kasi ang amoy ng fries at chicken sa 'kin. 

"I want one bucket of fries and a large coke float please. Two piece chicken drumstick and… a burger. Thanks." Pag-order niya. 

Gusto ko nang imulat ang mga mata ko para magsabi din ng order ko. Mahilig pa naman ako pumili ng menu at magsabi ng order sa counter. Huhu, I want fries too. 

"Anything else, ma'am?" Tanong ng nagte-take ng order ni Thana. 

"That's all." Mabilis akong napamulat ng mga mata ko at napatingin kay Thana nang tapusin na niya ang pag order. 

Our Destiny [OUR SERIES #3]Where stories live. Discover now