"CHAPTER ELEVEN"

942 37 1
                                    

BECKY'S POV:

*9 MONTHS*

* Kabuwanan na ng Fiance ko kaya kami ni Nanay Nelia ay nakahanda na kung sakaling manganganak na si Freen, tudo bantay naman kami sa kanya dahil sumasakit narin ng kunti itong tiyan niya pero kailangan ko rin naman na pumasok sa trabaho dahil lunes na naman.

Kakatapos lang namin ng mga kaibigan kong kumain ng tanghalian kaya kami ay balik na sa trabaho may klase ako mamayang ala una hanggang alas kwatro.

Ilang oras lang ay natapos narin ang trabaho ko kaya nagligpit na ako ng gamit at pabalik narin sa opisina ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito dahil si Nanay ang natawag habang ang mga studyante ay nag kanya² ng labas sa room, napansin ko rin si Irin na nililigpit pa ang gamit.

*ON THE PHONE*

Becky: Nay, napatawag ho kayo? may problema ba?

Nanay: Hija, andito kami sa ospital at sinugod ko si Freen, dahil sumasakit na ang kanyang tiyan at pumutok narin ang panubigan niya! (*Tarantang sabi nito*)

Becky: Ho? saang hospital yan? (*Taranta ko namang sabi kaya biglang napalingon si Irin sa akin at nag aalala ang mukha nito*)

Nanay: Dito sa St. lukes!

Becky: Sige ho Nay, papunta na ako jan! (*Hang up the call*)

*END*

* Bigla namang lumapit si Irin sa akin at alam niyang si Freen ang pinag uusapan namin kaya alam ko ang sasabihin niya, kaya inunahan ko na ito at pinahintay sa labas ng campus.

Becky: Hintayin mo ako sa labas at kukunin ko lang ang bag ko sa opisina.

Irin: S-sige po!

*Agad na kaming lumabas ng room at bumaba, si Irin ay nagmadali ng lumabas ng campus at ako ay nagmadaling pumunta ng opisina para hablutin n ang bag ko.

Nam: Oh! Maaga pa ahh.. uuwi kana?

Becky: Hindi! Pupunta ako ng ospital dahil manganganak na si Freen! (*Taranta ko namang sabi sa kanya dahilan narin ng aking pagmamadali*)

Nam: Huh! manganganak na si Freen?

Noey: Woi! sama kami! (*Nagmadali namang nag ligpit ang mga to*)

Becky: Bilisan niyo jan! siyanga pala Noey, ang girlfriend mo sasama.

Noey: Huh? Asan siya?

Becky: Nasa labas nag hihintay na kaya bilisan na natin!

My pregnant student [Complete]Where stories live. Discover now