"CHAPTER TWENTY FIVE"

757 43 1
                                    

BECKY'S POV:

* Pagka uwi namin galing kila Irin ay dumiritso agad ako sa aking mini office ko dito sa bahay.. hindi ako sumunod sa asawa ko na pumanik sa taas naiinis ako dahil hindi man lang ako pinapansin ng asawa ko simula nung nakita ko na niyakap siya ng ex niya! "Bakit kasi nagpayakap pa siya sa lalaking yun, naiinis ako kapag naiisip ko yun! Kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Freen baka nasa ospital nayun! Bwesit!"

Minuto pa akong nag stay sa office ko ng mapagpasyahan kong uminom naiinis pa rin ako.. kaya agad kong kinuha ang isang bote ng whiskey, may mini bar kasi ako dito sa office. Nagumpisa na akong uminom at walang tigil dahil sa naiinis pa rin ako.. hindi ko na nabilang kung ilang baso na ang naubos ko... Pagtingin ko sa bote ay nangalahati na pala.. "Ganito na ba ako kalasinggera?"

.....

Ilang oras pa ang pagiinom ko ng maramdaman kong tinamaan na ako pero hindi ko parin tinantanan hanggang sa maubos ko na ito at ngayon ay umiikot na ang paningin ko kaya nagpasya nalang akong matulog. Hindi pa man ako nakatulog ng ilang oras ay naramdaman kong may biglang tumapik sa pisngi ko kaya napamulat ako ng mata. Pagka kita ko kung sino ang tumapik sa pisngi ko ay napabalikwas ako ng bangon dahil ang asawa ko pala na nakatayo sa harap ko na nakataas pa ang isang kilay nito.

Freen: Ano yan? Sabay turo niya sa alak na nasa lamesa.

Becky: Alak, bakit? Sarkastikong sagot ko sa kanya kaya sinamaan ako ng tingin nito. Ano, bubulyawan mo ako dahil uminom ako? Pagkasabi ko na iyon ay natahimik siya kaya napansin ko sa kanyang mata na papaluha na kaya nakaramdam ako awa sa kanya. Pero hindi ko inasahan ang kanyang sinabi.

Freen: Ipagpatuloy mo nalang yan! Jan ka matulog huwag kang tatabi sa akin! Sabay alis niya sa harap ko saka lumabas ng opisina ko. Kaya nakaramdam ako ng konsinsya sa sinabi ko, gusto ko siyang sundan kaso mukhang hindi ko kaya dahil nahihilo na ako.

......

Ilang oras pa ako dito nag stay saka nagpasyang tumaas na.. pinilit ko ang aking sarili na makatayo ng matuwid saka lumakad kahit pasuray na. Dahan² akong umakyat sa taas at pumasok ng kwarto, pagka pasok ko sa kwarto ay wala doon ang aking asawa kaya wala na akong nagawa kundi pumasok nalang ng banyo para maligo baka sa kaling mahimasmasan ako.

Nagtagal lang ako ng isang minuto sa banyo at lumabas na nakabihis narin ako pero napagpasyahan kong pumunta ng kwarto ni Cece kasi alam kong andun sila. Kumatok ako saka dahan-dahang pumasok, pagkapasok ko ay agad naman nakatingin ang dalawa sa akin saka tumakbo papalapit si Cece..

Cece: Daddy!!! Sabay karga ko nito at napatingin naman ako sa mommy niya na ngayon ay nakayuko!

Becky: Ahmm.. anong ginagawa niyo ni Mommy?

Cece: Naglaro po kami, daddy!

Becky: Ahh ganun ba?

Cece: But daddy, lasing ka po? Why po amoy alak po kayo? Hindi agad ako naka imik sa tanong ni Cece. Kaya napatingin ako kay Freen na nakatitig sa akin saka umiwas ng tingin.

Becky: Ahhmm yeah! Nakainom lang si Daddy pero hindi ako lasing. Nginitian ko nalang siya at ngumiti naman ito sa akin pabalik. Sumingit naman ang mommy niya sa usapan namin.

Freen: Ahmm Cece.. halika na matulog na tayo! Pagkasabi niya ay agad kong nilapag si Cece saka ito tumakbo at sumampa sa kama..

Umupo ako sa may edge ng kama ng anak ko habang si Freen ay tinatapik-tapik niya ito para mabilis itong makatulog. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil gusto ko talaga siyang makausap at gusto kong humingi ng paumanhin sa sinabi ko kanina.. haysstt... Bakit kasi nasabi ko iyon. Ilang minuto lang ay nakatulog na nga si Cece at si Freen naman ay tatayo na para pumasok narin sa kwarto namin.

My pregnant student [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon