Ms. Blue

11 3 1
                                    

Nakaramdam ng kalungkutan si Red sa nakitang eksena. Isang babaeng labis na nagmahal at nagtiwala ang ngayo’y labis ding nasasaktan sa ginawang pag-iwan sa kanya ng taong kanyang pinakamamahal.

Parang nadudurog ang puso niya sa pagkarinig sa iyak at hagulgol ng dalaga, gusto niya itong puntahan at aluhin. But he restrained his self from doing it dahil magmumukha lang siyang pakialamero.

Pasakay na siya sa kanyang motorsiklo ng tumayo ang dalaga at nagpunas ng luha. Nakita niyang kinuha nito ang rose na nasa bench at pinagmasdan ito. Nagulat siya ng makitang galit na itinapon nito sa lupa ang bulaklak at saka gigil na pinag-aapak ito.
Napailing siya. Ramdam niya ang bitterness nito sa kinakaharap na sitwasyon. Nakaramdam na naman siya ng urge na puntahan ito pero napabuntung- hininga na lamang siya. Ini-start na niya ang kanyang motorsiklo at bago niya ito pinasibat ay nilingon muna niya ang dalaga at nasabi sa sarili na gagawa siya ng paraan para mapasaya ito.

•••

Isang araw ay nagkaroon ng emergency call ang psychology teacher na si Mr. Lawson kaya pinakiusapan nito ang baguhang teacher na si Red Castillo para mag-take over at magturo para sa araw na iyon. Wala namang nagawa ang binata kaya tumango na lamang siya at nagpunta sa Library upang pag-aralan ang topic na sinabi ni Mr. Lawson na ituturo sana sa araw na iyon.

“Emotions…”sabi niya sa sarili. “ sounds interesting.”

He spent his free time studying the said topic at tinigil lang niya ang pag-aaral ng makita sa kanyang wrist watch na oras na pala para magturo siya.

Tiningnan niya ang list of schedule ng guro at nagulat siya sa kanyang nakita. Ang susunod na klase pala na pagtuturuan niya sa oras na iyon ay sa klase nila Azure—ang Broadcast Communication 4-A.

Napangiti na lamang siya. Siguradong magugulat ang mga iyon kapag nalamang siya ulit ang teacher nila samantalang kakatapos lang niyang magturo sa mga ito ng Algebra.

At hindi nga siya nagkamali dahil nagulat nga ang mga ito.

“Sir, magtuturo ulit kayo ng Algebra? Waah dudugo na naman ang utak ko nito!” OA na sabi ng isa niyng estudyante.

Natawa lang siya. “No, hindi Algebra ang ituturo ko ngayon. I’m here para magturo ng Psychology dahil pinakiusapan ako ni Mr. Lawson. May emergency call kasi siyang natanggap kanina at kailangan niyang umalis.”

“Aahh..” tanging nasabi ng buong klase.

“So for today, our topic is all about ‘EMOTIONS’. So if you have a book please turn it to page 118.” panimula niya.

Agad namang tumalima ang mga ito at ng nagawi ang tingin niya kay Azure at tahimik din nitong kinuha ang libro nito at saka binuklat.

“Emotions are the various bodily feelings associated with mood, temperament, personality, disposition, and motivation and also with hormones and neurotransmitters such as dopamine, noradrenaline, serotonin, oxytocin and cortisol. Emotion is often the driving force behind motivation, positive or negative. In 1992, Carlson and Hatfield defined emotions, as feeling states with physiological, cognitive, and behavioural components. The power of emotion is closely linked to arousal of the nervous system with various states and strengths of arousal relating, apparently, to particular emotions. Although the word emotion might seem to be about feeling and not about thinking, cognition is an important aspect of emotion, particularly the interpretation events. For example, the experience of fear usually occurs in response to a threat. Emotion is also linked to behavioral tendency.” Pagpapaliwanag niya habang ang buong klase naman ay tahimik na nakikinig sa kanya.

After nun ay ipinaliwanag na rin niya ang tungkol sa mga theories of emotions at nakita niyang nag-eenjoy ang mga estudyante niya. Itinuro rin niya ang tungkol sa emotional classification at sa mga facial expressions.

A Rose For Ms. BlueWhere stories live. Discover now