Prologue

13 0 0
                                    

"Autumn!"

Heto na naman kami, akala mong napakalayo ko sa kanya kung makatawag siya sa'kin. At syempre sa inis ko, hindi ko muna siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalaro sa cellphone ko. 

"Huy, beshy! Bingi kaba ha!?" Bulyaw nito at padabog na tumabi sa'kin.

Araw ng sabado, nandito ako kila Frisch dahil mamayang gabi na ang concert ng pinakamamahal kong si Adele.

"Ano ba yun? Kita mong naglalaro yung tao dito ume-epal ka diyan." Sagot ko sakanya at agad naman niya akong tinulak.

"Sabi ko sayo huwag mo akong sinusungitan diba! What if isumbong kita kay Kuya?" Pananakot niya sakin, na akala mo naman ay natakot talaga ako.

"Kahit magtulong pa kayo ng Kuya mo hindi kayo uubra sakin" Matapang na sagot ko naman sakanya habang naglalaro sa cellphone ko.

"Sus! Porket alam mong crush ka ng Kuya ko, sabihin ko kaya sakanya na tamad kang maligo?" 

"Kahit ano pang sabihin mo sa Kuya mo---"

"Hindi pa rin naman magbabago pagtingin no'n sayo kasi bulag yon" Pagdugtong niya sa sasabihin ko.

"Wala akong sinabi ah, ano na ba kasi yung sasabihin mo?" Sabi ko sabay bitaw sa cellphone ko at humarap sakanya. Napansin ko naman na medyo lumayo siya ng tingin kaya kinuha ko nalang ulit yung phone ko at nagkunwaring may chine-check dito.

"Nakita ko yung ig story ni Sam and guess what? Pupunta rin siya mamaya sa concert!" Tuwang tuwa na sabi niya. 

Si Sam kasi ay kaklase namin na super crush netong beshy ko kaya ganyan ang reaksyon ng gaga. 

"Oh? Eh ano namang pake ko?" Mataray ko namang sagot sakanya habang nags-scroll lang sa tiktok. 

"Wow, thank you ah. Kitang kita ko yung interes sa pagmumukha mo." Pagtataray pabalik nito sa'kin.

Lumingon ako sakanya at tumingin na parang "paano-ba-dapat-ang-maging-reaksyon-ko-look" 

"Alam mo wag na, magsama nalang kaya kayo ni Kuya? Nakakainis kayo kuwentuhan." Sabi niya na parang may halong tampo sa boses niya.

"Sigurado ka ba diyan? Baka lalo kang maging kawawa pag nagsanib puwersa pa kami ni Kuya mo sa pang-aasar sayo?" Matapang na sagot ko at humarap ulit sakanya habang siya ay naka-pangalumbaba at diretsong nakatingin sa TV nila. 

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya kaya umusog ako ng kaunti atsaka ko hinawakan ang mga balikat niya at dahan-dahan siyang iniharap sa'kin.

Napansin ko ang pagkagulat sa ekspresyon ng mukha niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Tinignan ko ang mga mata niya at dahan-dahang ngumiti sakanya atsaka ko ginulo ang buhok niya.

"Aish! Tag-lagas, sumo-sobra kana!" Bulyaw nito sa'kin ngunit tinawanan ko lang siya. Hindi nakaligtas sa'kin ang pamumula ng pisngi niya dahil siguro sa inis sa'kin. 

"Kasi naman, magkakagusto ka nalang kay Sam pa. Alam mo naman kung ilang babae ang kaagaw mo ron atsaka hindi ka papatulan 'non. Tigil-tigilan mo 'yang kalokohan mo." Pangta-trashtalk ko sakanya.

Isang sikat na basketball player si Sam sa unibersidad na pinapasukan namin, guwapo? Oo, siguro? Sabi nila e. Marami ang humahanga sakanya pero sa marami na yun ay hindi ako kasali. Isa pa sa nakadagdag points sa kanya ay yung kahit isa siyang athlete ay hindi rin niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral. 

"Alam mo, ikaw lang yung best friend na hindi naging supportive sa best friend niya." Sagot niya sakin atsaka siya tumayo.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo kasi ayokong mag-assume ka diyan tapos bandang huli eh masasaktan ka lang naman." Tumayo na rin ako at tumapat sakanya.

"Pag ako nagustuhan ni Sam, who you ka talaga sakin tag-lagas!" Aniya sabay talikod at umakyat sa kwarto niya.

"Sa panaginip mo lang yun mangyayari, Friscky!" Pang-aasar ko sakanya. Nakarinig lang ako ng "tse!" mula sakanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Napailing nalang ako at napa-isip. Sa totoo lang hindi naman malabong magustuhan si Frisc ng kahit na sino. Halos lahat ng katangian na kagusto-gusto sa isang babae ay nasa kanya na. Palagi ko lang siyang binabardagul dahil 'yon lang yung way para hindi siya makahalata sa nararamdaman ko sakanya.


A/N: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author. Plagiarism is a crime.  This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors. If you're looking for a perfect story, don't continue reading this. Thanks!

All I AskWhere stories live. Discover now